Somebody

20 0 0
                                    

SAVANNAH ANGELES' POV

••••••

Hi! Ako si Savannah, you can call me Sav or Anna.

Sa Westmilton University ako nag-aaral.

Nasa library ako at the time, gumagawa ng research paper tungkol sa French Revolution at British Colony chuchu para sa History class namin.

Isa akong bookworm. I like, no scratch that, I love books! As in L-O-V-E!

Pero hindi ako nerd para mabully.

*printer sounds*

Ayan, tapos na rin maprint, bukas ko na lang ito ipapasa. Ako nalang ata ang nasa school bukod sa student council members at sa mga staff.

7:25 PM na rin sa watch ko, kailangan ko nanga talaga umuwi.

Tumawag ako sa bahay para magpasundo sa driver.

*RING RING*

"Manong, pwede po ba magpasundo ngayon?"

"Pwede naman ija, papunta na ako ah. Sa harap ng school mo ako magpapark ng kotse."

"Ah sige po ku---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng parang may naapakan ako. Pagtingin ko, napulupot pala ang paa ko sa kadena. Nabitawan ko ang phone at bag ko at itinatry kong tanggalin ito sa paa ko.

"Kuya wait lang po ah!" sigaw ko sa phone ko.

Pinilit kong kalikutin ito para matanggal nang biglang hilahin ako nito pataas hanggang sa nakabaligtad na ang buong katawan ko, buti nalang nakapang-PE ako tss.

"Tulong! Tulong!" sigaw ko.

Maya-maya, biglang may napadaan na motor sa direksyon ko.

"Kuya! Tulong!" sigaw ko sa driver.

Papalapit ng papalapit ito ng biglang nakita ko na may hawak itong chainsaw na nakalinya sa direksyon ng leeg ko.

"Tulong! Tulong! Kuya! Ayoko pa mamatay! Tulong! Tu---hmpzsh"

Hindi ko na natuloy yung pagmamakaawa ko nang tumama na yung chainsaw sa leeg ko.

••••••

SOMEBODY'S POV

••••••

Victim no. 1: killed.

Sayang ka naman Sav, ang bait bait mo pa naman. Well, yun yung alam nila.

Hindi nila alam yung tunay mong ugali. Hindi nila alam yung mga masasama mong nagawa.

Pinalibutan ko ang crime scene at kinuha ang phone niya sa lapag.

Nakito ko ang call sa phone niya ay naka-on pa.

7:30 PM na ang basa sa orasan. Saktong sakto lamang.

"2 months, 7:30 PM." Bulong ko sa phone at sabay pinindot ang end call.

5 more to go.

••••••

A/N:

Hiiii. Sorry kung maikli lang ako mag-update.

Sorry kung late din ako nakapag-update. Sumama kasi pakiramdam ko this past 3 days.

Inna xxxx

7:30 PMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon