Who is you? What is you did to hers?

21 0 0
                                    

(Title is grammatically wrong, it is intended.)

A/N:
Pasensya na kung hindi ko masusunod yung mga chuchu symbols at format, nakakalito kasi.

Yung mga mura or 'curses' or 'bad words' papalitan ko yung second vowel ng 'x' dahil may maseselan pa na tao sa pagbabasa.

•MEGAN SHIYUSUKU'S POV•

"Magandang umaga po mga kapamilya! Ako po si Sheena Delos Reyes, ang reporter ng Channel 66. Nandito po ako sa Westmilton High nagbabalita sainyo tungkol sa isang babaeng 4th year student na natagpuan sa likuran ng school nila na patay at duguan.--"

Huh? Kailan pa nangyari ito?

"--Ayon sa school records nila, ang babaeng ito ay nagngangalang Savannah Angeles. Makikita niyo po dito na pugot na ang ulo ng babae habang ang paa niya ay nakatali sa isang lubid at nakabaliktad ang kanyang katawan.--"

Kung makikita daw, eh nakablur eh! Mga txnga! Tss.

"--Natagpuan ang katawan sa oras na 3:54 AM ngayong araw lamang. Idadaan pa sa autopsy ang katawan ng babae upang malaman ang tunay na oras ng pagkamatay. Abangan pa ang ibang detalye mamaya. Jina--"

Walang kwenta 'tong balita na 'to. Tinakot lang nila kami, hindi manlang nagbigay pa ng mas importanteng impormasyon.

Bakit ngayon ko lamang natagpuan 'to? Gabi na ako nakauwi kagabi, bakit hindi ko manlang nakita yung crime scene bago ng iba?

Nakakawalang gana naman ang balita na 'yon. Nandiri lang ako sa breakfast na kinakain ko ngayon.

7:45 AM na pala?! Mal'late na ako nito!

"Onee-san! Aalis na po ako. Pakigawa nalang nung nasa listahan para dun sa aso. Arigatou!"

[onee-san: ate; arigatou: salamat; onee-san ang tawag ni Megan sa mga kasambahay nila]

Tumakbo na ako palabas ng bahay at sumakay na sa kotse.

Kalahati na ng biyahe ng bigla kaming mastuck sa traffic.

Lxche! Bwxsit! Bakit ang malas ko ngayon? Mal'late na ako nito! Juice colored!

Maya-maya ay umandar na ang kotse. Hay salamat.

Ngayon ko lang pala napansin na may mask yung driver namin, siguro may allergy?

Baka naman nabahuan sakin? Tss arte niya! Ang bango bango ko ka---

*BOOGSH*

O.

MY.

GAHD.

Nabangga kami?! Bwxset! Napaka-epal ng araw na 'to! Nakaka-txngi---

"MMHHH?! MMMMMH!"

May tumakip ng bibig ko gamit ang isang panyo. Ang cliché naman nito! Halata namang may drugs 'to eh! Tapos mahihilo ako at makakatulog tapos...tapos...

Bago pa ako tuluyan na bumagsak, ang huling nakita ko lang ay isang lalaking blur ang mukha. Aba real filter ba yan kuya?

zzzZzzZzzzZZzzzzzzZ

•JAMES VEGA'S POV•

Tapos na ang flag ceremony, pero wala pa rin si Shiyu, este si Megan pala hehe /kamot batok/

Kagabi kasi nag-isip ako ng pwede kogg itawag sa kanya na unique at wala pang nakakatawag sakanya nito.

Kaysa na sa first name niya ako kumuha, sa surname nalang, kaya naging Shiyu.

Talino ko noh? Ang pogi ko kasi eh sino bang hindi makaka---

*BANG*

Sira! Hindi yun baril ah!

Napatingin ako sa may pinto at nakita si Shiyu na nakatayo doon.

"Sorry I'm late ma'am. Traffic lang po." Pag-paumanhin niya.

May napansin akong kakaiba sakanya ngayon. Parang napakalamig ng boses at itsura niya. Yung tingin niya ay parang sobrang tulis na makakahati ito ng isang buong shark (A/N: Hindi yelo, shark daw sabi ni James para intense kasi pogi daw siya ew haha)

"Shi--Megan! Tabi ka dito oh!" Tinuro ko ang upuan sa tabi ko.

Ngumiti siya sakin, kahit kailan hindi pa ngumingiti si Shiyu sakin. Palagi nalang niya akong tinatarayan.

Bakit parang ang kakaiba niya ngayon?

••••••

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

7:30 PMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon