chapter 1

812 21 1
                                    

Tamad na minulat ko ang mga mata ko dahil sa araw na tumambad sa mukha ko, tinignan ko kung sino ang humawi ng kurtina at nakita ko si mama sa tapat ng bintana habang itinatali ang kurtina sa kwarto nya.

"Mama namaaaaan, bakit ang aga nyo namang mambulabog" inaantok kong reklamo kay mama.

Nilingon muna nya ako bago sumagot "Haynako ewan ko sayo, bumangon kana dyan, bago pa mainip si Sam sa baba" nawala ang antok nya sa sinabi ng ina

Huuh? Ano namang ginagawa ni Sam dito ng ganito kaaga?

"Sam? Anong meron bakit sya nandito? Ang aga aga pa ah?"nakakunot nuong tanong ko

Tinapos muna ni mama ang ginagawa nya bago tuluyang humarap sakin "Pupunta daw kayo sa mall sabi nya, atsaka ang maaga? Mag8:30 na kaya anak"

Napamulagat sya ng maalala nyang may usapan sila ni Sam kagabi na pupunta silang mall, dali dali syang bumangon at tinignan ang alarm clock na nasa side table, nasapo nya ang noo ng makitang 8:30 na, 9 pa naman ang usapan namin "sht ngayon nga pala kami mamimili ng gamit namin" bulong ko sa sarili ko.
Bumaling ako ng tingin kay mama
"Ahm ma sige po, pakisabi nalang po na maliligo lang ako saglit, thanks Ma labyou"

Pagkasabi nun ay nagmamadali akong pumuntang banyo para maligo at gawin ang daily routine ko.

Bakit ba kasi nawala sa isip ko na ngayon kami magsashopping, yan kasi wattpad pa tuloy late ka nanaman nagising.

After 35 mins tapos na akong ayusin ang sarili ko, tamang liptint at pulbos lang, binilisan ko na ang kilos ko, ayoko nang paantayin pa si Sam ng matagal kasi alam ko yung feeling na naghihitay dahil mainipin akong tao.

Maya maya habang inaayos ko ang laman ng sling bag ko, may kumatok na sa kwarto ko

"Shy bilisan mo jan, kanina pa nag aantay si Sam" sigaw sakin ni mama mula sa labas.

"Susunod na po" sigaw ko

Pagkatapos kong ayusin ang gamit na dadalhin ko bumaba na agad ako. Nasa kalagitnaan palang ang ng hagdan ng marinig ko na ang maingay na boses ni Sam.
"Shyyyyyyy!!" Sigaw sakin ni Sam at sinalubong na agad ako ng yakap, grabe namiss ko tong babaeng to kahit nakakarindi to "I miss you gurl" sabi nito habang nakayakap pa din.

"Hahaha halata nga, di na nga ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo " grabe balak ata akong patayin nitong bruhang to "btw, I miss you too" kumalas na sya sa pagkakayakap sakin
"O sya bilis na, sa mall na tayo kumain sabihin mo kay tita" ani Sam habang patungo sa inupuan nya kanina.

Ako naman ay dumiretso na sa kusina para makapagpaalam na kay mama na aalis na kami ni Sam.

"Good morning Ma" bati ko sabay kiss sa pisngi nya
"Good Morning din nak, nga pala tumawag ang Papa mo, kinakamusta ka, hinahanap ka nga e, ang sabi ko naman may pupuntahan kayo ni Sam ngayon kaya tatawag nalang daw ulit sya mamaya" bigla ko tuloy namiss si Papa

"Ganun po ba, sige po pag tumawag ulit paki sabi miss na miss ko na sya" nakangiting sabi ko kay mama

"Ah ma, aalis na po pala kami ni Sam"

" Ah okay sige, oh ito pambili mo" Sabay abot sakin ng pera

"Thanks Ma, sya nga po pala sa Mall na po kami kakain ni Sam"

"Ah okay, o sya sige mag iingat kayo, wag magpapagabi" bilin ni mama sakin

"Okay po Ma" kumuha muna ako ng dalawang sandwich sa lamesa bago umalis sa kusina, medyo nagugutom na din kasi ako, para magkalaman laman kahit konti tiyan ko.

Heartless GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon