Chapter Four

148 9 1
                                    

Naisipan nina Mike na titira muna sila sa iisang bubong. Hindi naman nahirapan ang apat na ipaintindi sa magpipinsan ang sitwasyon dahil alam na rin ng mga ito ang pinakatago-tagong sekreto ng mga magulang.

Kasalukuyang nasa opisina ni Travis sina Mike, Adam, Carl at Oliver kasama sina Yassy, Theo at Tim.

"Tito Mike, ano po ang pag-uusapan natin? Bakit kaming tatlo lang ipinatawag niyo?" ani ni Yassy.

"Magsiupo muna kayo. Pag-uusapan natin ang mga negosyong naiwan ng mga magulang niyo. Since kayo ang mga panganay kaya kayo lang ang pinatawag ko maliban nina Thunder at Light dahil parehong menor de edad pa ang dalawang 'yon." ani ni Mike na naka-de-kwatrong naupo sa single couch.

Nagsi-upo sina Yassy, Theo at Tim sa mahabang couch na nasa harap ni Mike. Sina Adam, Carl at Oliver ay naupo rin sa single couch sa magkabilang gilid.

"Napag-usapan namin kanina na kaming apat na muna ang pansamantalang mamamahala ng mga negosyo ng magulang niyo. Ayaw naming isugal ang kaligtasan niyo. Hindi kayo kilala ng mga kalaban pero oras na kayo ang mamamahala siguradong makikilala nila kayo at hindi titigil ang mga kalaban hangga't hindi nila kayo napapapatay." ani ni Mike.

Bakas sa mukha ni Yassy ang takot habang si Tim naman ay napalunok.

"Payag po kami sa gusto niyong mangyari. Alam po namin, na para sa kaligtasan namin ang iniisip niyo." Walang pagdadalawang isip na ani ni Theo.

"E, Tito, paano po 'yong pag-aaral namin? Malapit na po ang pasukan at paano kung mahanap nila kami?" ani ni Yassy.

"'Wag kayong mag-alala naayos na ni Tito Oliver niyo ang tungkol r'yan. Inilipat na namin kayo ng paaralan at pinalitan na rin namin ang mga personal information niyo para hindi kayo agad mahanap ng mga kalaban." ani ni Mike.

"At isa pa titira kayong lahat sa isang boarding house." Dagdag ni Mike.

"E, Tito, bakit kailangan pa naming magboarding house? Paano kung matunton kami ng mga kalaban ro'n at wala kayo." ani ni Tim.

"Kung dito kayo titira sa mansyon mas madali nila kayong mahanap. Paniguradong may nagmamasid na sa atin ngayon at naghihintay lang ng tamang tiyempo para lusubin tayo." ani ni Mike.

Kinabahan si Yassy sa narinig. Lagi pa naman siyang tumatambay sa garden.

"'Wag kayong mag-alala may magbabantay sa inyo ro'n." ani ni Adam.

"Ito na ang mga information niyo. Ikaw na ang bahalang magdistribute n'yan sa mga pinsan niyo." Inabot ni Oliver ang mga folder kay Yassy.

Agad naman itong kinuha ni Yassy kay Oliver sabay irap rito. Napailing na lang si Oliver sa inasal sa kanya ni Yassy.

Pagkatapos nilang mag-usap lumabas na sina Yassy dala ang mga folder na naglalaman ng mga pekeng information nila. Pagdating nila sa living room kung saan naroon ang iba pang pinsan agad ibinigay ni Yassy ang mga folder dito.

"Ano 'to ate Yassy?" ani ni Light habang sinisipat ang folder.

"Malamang folder 'yan." Sarkastikong ani ni Thea.

"Alam ko, ang ibig kong sabihin kung anong laman nito." Inirapan ni Light si Thea.

"Bakla ka ba?" Nakangising ani ni Thea.

"Bakit anong problema mo sa bakla?" Nakapamewang na ani ni Light sa harap ni Thea.

Natahimik ang lahat nang may biglang narinig na nabasag.

"Pasensiya guys, nasagi ko." Naka-peace sign na ani ni Ivan.

"Tama na 'yan, basahin niyo ng mabuti ang nakalagay r'yan at kabisahin niyo. 'Yan ang bago nating personal information." ani ni Yassy at naupo sa tabi ng kapatid.

Nangunot ang noo ni Yassy nang mabasa ang pangalan niya.

"Kinilig ka naman?" Bulong ni Yolo kay Yassy.

Sinamaan ng tingin ni Yassy ang kapatid.

"Sa boarding house talaga tayo titira? Hindi ba delikado 'yon?" ani ni Ivan.

"May magbabantay naman daw sa atin do'n." ani ni Tim.

"Kuya Ivan, magkapatid pa rin tayo." Masayang sabi ni Thea sabay yakap sa kuya niya. Mas close kasi siya rito kumpara sa kuya Theo niya. Seryoso kasing tao si Theo at minsan hindi siya matansiya ng bunsong kapatid.

-----

"Ano Dos may nahanap ka na bang bagong impormasyon?" ani ni Uno.

"Meron. Sandali."

May pinindot si Dos sa kanyang laptop at agad may lumabas sa malaking screen. Napatingin naman agad ang ibang kasamahan nila sa screen.

"Octonuous Organization ay binubuo ng siyam ka-tao. Nakilala na natin ang dalawang galamay nito. Sina Brendan Agustin at Thomas Nempril. Sa kasamaang palad namatay si Nempril sa pagsabog no'ng karaan." ani ni Dos.

"Ibig sabihin pitong galamay na lang ang hahanapin natin?" ani ni Kwatro.

"Walo pa rin. May pumalit kay Thomas Nempril. Ang anak nitong si Tom Nempril. Sa ngayon hindi pa natin siya gagalawin. Ito na muna." May pinindot muli si Dos at lumabas ang isang mukha ng lalaki.

"Siya si Andrei Fuego. Ang grupo niya bumibili at nagbebenta ng mga smuggle na jewelries sa mga mayayamang tao sa bansa. Pero hindi 'yan ang concern natin kundi ito." May pinindot muli si Dos.

"Armand Fuego, ang ama ni Andrei na pinatay ng isang Trivor McCain. Ayon sa nakalap kong impormasyon ang octonuous organization ay binuo ng mga taong gustong paghigantihan ang Hayes-McCain Organization." Dagdag ni Dos.

"Two weeks from now mag-ho-host ng party si Fuego. Nagkakaroon din ng auction. Balita ko isasali sa auction ang Black Pearl necklace ng dating pangulo na nagkakahalaga ng five million US dollar at 'yon sa source natin balak palitan ng peke ni Fuego ang naturang kwentas." Pagbigay alam ni Dos.

"Anong plano natin, Uno?" ani ni Kwatro.

"Dos, alamin mo kung saan ang venue ng party at bigyan mo ako ng blue print ng lugar na 'yon. Saka na natin pag-uusapan ang magiging plano natin sa susunod na araw. Pwede na kayong lumabas maiwan ka Siyam may ipapagawa ako sa 'yo." ani ni Uno.

Isa-isang lumabas ng conference room ang anim na myembro. Naiwan sina Uno, Dos at Siyam.

"Anong ipapagawa mo sa akin?" ani ni Siyam.

"Hanapin mo kung sino ang utak ng Octonuous Organization." ani ni Uno.

-----
DKC

BLACK FAMIGLIAWhere stories live. Discover now