Chapter Eight

210 6 6
                                    

Unang araw ng pasukan, palabas na ng kwarto si Yassy nang tinawag siya ni Cathy na dali-dali namang nagsuot ng heels nito.

"Besty, sabay na tayo magka-block din naman tayo. Wait, what's with that eyeglasses and that outfit? You look like a nerd. A gothic nerd?" ani ni Cathy.

Hindi pinansin ni Yassy ang sinabi ni Cathy at naunang lumabas ng kwarto. Hinabol naman ito ng huli matapos mai-lock ang kwarto nila.

It's their first day of school sa bago nitong eskwelahan at sa bagong pagkatao ng magpipinsan.

Pagkababa nina Yassy at Cathy, sakto namang nakita ang kapatid na pababa sa kabilang hagdan kasama ang bagong barkada nito.

Nangunot ang noo ni Yolo nang makita ang ayos ng nakakatandang kapatid. Lalapitan na sana niya ito para itanong kung anong klaseng trip nito nang maalala na hindi pala sila magkaano-ano o magkakilala sa lugar na 'to. Pero hindi pa rin niya papalampasin ang pagiging mausisang tao.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng suot niyang pantalon at nagtype ng mensahe para sa kapatid na hindi niya alam kung ano ang trip nito sa buhay.

To: Masungit na Ate

What's with that get up, huh?

Sinamaan lang ng tingin ni Yassy si Yolo nang mabasa ang text nito at hindi na nireplayan.

"Tara na, besty. Nauna na raw si Baby Thea sa university."

Wala namang bago sa first day of school puro introduction lang ng subject ang nangyari at siyempre hindi mawawala ang introduce yourself.

Nang tumunog ang bell agad nag-unahan sa paglabas ng classroom ang mga kaklase ni Yassy.

"Cathy, una ka na sa cafeteria may kukunin lang ako sa locker."

"Samahan na kita, besty baka maligaw ka. Hindi mo pa naman kabisado ang pasikot-sikot sa buong department."

"'Wag na baka wala na tayong mauupuan kapag sumama ka pa sa akin at saka saglit lang naman ako."

"Sige na nga, hintayin na kita ro'n."

Hindi pinapansin ni Yassy ang mga bulungan ng mga estudyante habang binabagtas niya ang hallway. Dire-diretso lang siyang naglakad hanggang sa hindi niya napansin ang isang lalaki na lumabas sa isang classroom na kanyang nadaanan at nabangga rito.

"Wtf?! Bulag ka ba?" ani ng lalaki.

Nag-angat ng tingin si Yassy at nagkasalubong ang mga tingin nila ng lalaki. Nanlilisik ang mga mata ng lalaki na nakatitig kay Yassy.

Siya pa ang may maganang magalit, e, ako 'tong nasaktan. Sa isip ni Yassy.

Lagot ang nerd na 'yo masama pa namang ginagalit ang isang Joax Adamson.

Hindi ata kilala ng nerd na 'to kung sino ang kaharap niya.

Goodlock na lang sa kanya. Hindi papalampasin ni Prince Joax ang ginawa ng nerd na 'yan.

Nangunot naman ang noo ni Yassy nang marinig ang sabi ng isang estudyante. Prinsipe 'to?

"Hindi ka ba hihingi ng sorry? Naghihintay ako." ani ng lalaki.

Napairap si Yassy sa sinabi nito. Bakit siya lang mag-so-sorry pareho lang naman silang dalawa ang may kasalanan at saka siya ang nasaktan. Instead na mag-sorry ay tinalikuran niya lang ito.

Nagigiit naman sa galit si Joax habang nakatingin sa papalayong si Yassy. Hindi ito gaya na typical na nerd na kapag may nagawang mali o wala ay hihingi agad ng sorry. Gano'n pa man, nerd pa rin ang tingin niya rito. Gothic na Nerd.

"Besty, ba't ngayon ka lang? Gutom na ako kaya bumili na lang ako ng pagkain natin. Ito, lasagna sa 'yo." ani ni Cathy.

"Pasensiya na, naligaw kasi ako." At may nakabangga akong unggoy.

"Sabi ko naman sa 'yo samahan na kita, e."

"Hayaan mo na. Ang importante na rito na ako. Salamat pala rito."

Nagsimula na silang kumain nang biglang umingay ang sa loob ng cafeteria at dali-daling nag-ayos ng mga kani-kanilang sarili ang mga babae at binabae.

"What's the matter with them?" Naas kilay na ani ni Yassy kay Cathy habang pinagmamasdan ang mga kaeskwela na abala sa pagpapaganda.

Sasagot na sana si Cathy nang sunod-sunod ang mga tilian ng mga kaeskwela. Nakaabang  si Yassy kung sinong papasok sa pinto ng cafeteria na siyang kinahuhumalingan ng lahat.

Napataas ang kilay niya nang pumasok ang kambal na pinsan na sina Thunder at Light na kumakaway pa. Hindi niya alam na sikat pala ang kambal na pinsan. Kahit bago lang sila sa eskwelahan na 'to ay kilala sila.

Sumunod si Zeke San Miguel ang ex-bf ni Cathy at isa pang lalaki.

"'Wag kang maglilikot d'yan, besty baka makita ako ng unggoy masira pa ang araw ko."

Nangunot ang noo ni Yassy habang nakatingin kay Cathy na sinusuot ang malaking shades nito. Bigla biyang naalala ex-boyfriend pala ng kaibigan ang isa sa pumasok. Sikat din pala ito.

Mas lalong naging maingay ang loob ng cafeteria nang pumasok ang isang lalaki na nakasimpleng puting t-shirt, blacks pants at nakasuot ng shades lang.

"Argh! So, OA ng mga bitches na 'to. Kung makatili parang 'yun na talaga ang last bad breath niya." Inis na ani ni Cathy habang tinatakpan nito ang tenga ng dalawang kamay.

Nangunot ang noo ni Yassy nang mapagsino ang huling lalaki na pumasok ng cafeteria.

"He's Joax Adamson. Ang captain ball ng Notre  Dame Basketball Team. Masungit 'yan lalo na sa mga taong may atraso sa kanya. Kaya 'wag mo siyang gagalitin o subukang banggain kung ayaw mong mapaalis dito sa Notre Dame."

Ito 'yung lalaking hambog na nakabangga niya kanina at wala siyang pakialam kung sino man ang lalaki. Kahit anak pa ito ng pinakamayawan na tao sa bansa.

-----

"Besty, mauna na ako sa 'yo. Mag-gi-girl bonding daw kami ni mother at siyempre hihingi na rin ng allowance." ani ni Cathy.

"Sige, ingat. Kita na lang tayo sa bhauz."

Pag-alis ni Yassy sa locker area siya namang pagpasok ni Joax at muling nagkabanggaan ang dalawa.

"What the! Ikaw na naman? Nanadya ka ba?" Malakas na ani ni Joax na siyang ikinatigil ng mangilan-ngilang estudyanteng dumadaan.

Nanghitakutan naman si Cathy sa tabi ni Yassy habang ang huli ay walang ganang nakatitig sa kaharap na lalaki.

"Baka naman may gusto ka sa 'kin  kaya ka nagpapansin pangalawang beses mo na akong binangga ngayong araw na 'to. But sad to say hindi kita type modern-nerd." ani nito sabay tawa.

Napuno ng tawanan ang locker area animo'y isang  nakakatawang joke ang sinabi nito.

Gwapo sana. Ang sama nga lang ng ugali. Sa isip niya.

"Ano, tapos ka na sa speech mo?"

Natigil sa pagtawa ang lahat nang magsalita si Yassy.

"FYI Mr. Whoever you are, first, hindi ko sinasadyang magkabangga tayo, malay ko bang makakasalubong kita. Second, bakit naman ako magpapapansin sa 'yo? Hindi ako katulad ng iba r'yan na halos itapon na nila ang sarili nila sa 'yo. At third, hindi rin kita type, no."

Tila may dumaang anghel sa sobrang tahimik. Ngayon lang nangyari na may sumasagot sa prinsipe nilang walang alam sa buhay kundi ang magsungit ng magsungit.

"Besty, tara na." Mahinang ani ni Cathy. Alam niyang sa mga oras na 'to ay target na ang kaibigan ng grupo ni Joax.

Hila-hila ni Cathy si Yassy paalis sa lugar habang mariing pinagmamasdan sila ni Joax.

-----

DKC





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BLACK FAMIGLIAWhere stories live. Discover now