04

65 33 0
                                    


Hindi pa rin maalis sa isip ko yung kanina.

"Bish! uy! Ulaaan! Lalim na naman ng iniisip mo ah 'di ka makaahon?" biro ni Jae.

"Ang sarap kasi nung Lumpiang sariwa, the best talaga! Bukas bili tayo ha!" palusot ko.

Hindi ko pwedeng sabihin kay Jae 'yon. Ayokong mang-Judge... ano naman kung niyakap ni Alex si Calvin, halata naman na... na may something sila.

Bakit ko ba iniisip 'yon, bahala na nga sila. Erase! Erase!

"Libre kita ate chloe?"

"Nako hindi na Migs, gusto mo ako naman ang manlib---"

"Ay gusto ko yan!" sabat ni Jae.

"Si Migs lang hindi ka kasali"

At nagsimula na naman kami ni Miggy na bwisitin ang ate niya.

Buong byahe pinagtripan lang namin si Jae, muntik na nga mapaiyak ni Miggy mabuti na lang at malapit na sa bahay namin.

"Baka gusto niyong tumuloy muna? Noong isang araw kasi Jae, hinahanap ka ni Mama bakit daw hindi ko muna kayo inimbitahan sa bahay."

"Sige Bish, Miss ko na din si Tita! Kuya Calder halika sumama ka sa'min. Hindi ka naman na iba kay Tita, close na din kayo right?"

"Oo nga kuya, Namiss ka na din kakwentuhan ni Mama."

"Sige ba, Namiss ko na din kausap si Tito" sabi ni Kuya Calder.

"Kuya hindi pa siya nakakauwi, Nag out of town po."

"Ay gano'n ba, ayos lang 'yon si Tita na---"

"Sali naman ako" sabi ni Migs.

Nagtawanan kami at bumaba na.

"Maaaaa!"

Si Mama ang hinahanap ko pero si Waffle ang unang sumalubong sa'kin.

"Waffleeeeeee, Namiss kitaaaa!" kinuha ni Jae si Waffle.

"Hi Waffle!" Sabi ni migs habang hinihimas ang ulo ni Waffle.

"Maaaaa! andit---"

"Nako! Hindi mo naman sinabing may bisita pala tayo" masiglang bati ni Mama.

Dahil nga dalawa lang kami palagi sa bahay, gusto ni Mama laging may bisita lalo na kapag sila Jae ang bumibisita.

"Titaaaaa!" sabay pang sabi ng magkapatid... yumakap at nagmano kay Mama.

"Si Miggy na ba ito? Nako! Binata ka na pala, at mas matangkad ka na sa Ate mo." sabi ni Mama.

Ilang Taon din kasing hindi napunta si Miggy dito, dahil simula nung nagbibinata na siya naging busy siya sa mga Kaibigan niya.

"Hello Tita!" Kuya Calder greeted.

"Caldeeeeer!" At niyakap niya si Kuya Calder. Parang anak na kasi ang turing ni Mama't Papa kay Kuya Calder.

Masaya akong makitang masaya si Mama. Nakakawala ng pagod.

"Tumuloy na kayo at ipaghahanda ko kayo ng makakain"

Pumasok na sila sa sala, at ako pumunta sa kusina para tulungan si Mama.

Mama prepared Juice and Sandwiches.
Habang kumakain nag-uusap lang si Kuya Calder at Mama.

"Calder, Kamusta na ba ang buhay pag-ibig?" medyo kinikilig pang sabi ni Mama.

"Maayos naman Tita, LDR nga lang po ngayon at umuwi siya ng probinsya. Inaasikaso niya po ang kasal ng ate niya."

Nakangiti lang kami ni Jae habang nakikinig sa usapan nila Mama. Si Miggy busy sa cellphone niya naglalaro ng "Mobile Legends."

The Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon