Chapter 1

155 49 24
                                    

Enjoy Reading!🌊

Chapter 1

Nakapangalumbaba ako habang nakaupo sa isang bakanteng pwesto sa Restaurant namin. Inaantay ko si Keira na dumating mula sa Manila. After our graduation, sinabihan niya agad ako na hindi niya ako makakasama ngayong bakasyon dahil may family reunion raw sila. Ayos lang naman sa 'kin, medyo malungkot nga lang.

Maliban sa pamilya ko ay siya lang ang lagi kong kasama sa bakasyon. Hindi lang ako sanay.

Tirik na tirik ang araw siguro dahil ay summer ngayon. Mabilis lang naman ang takbo ng oras, June na ngayon. Tapos na kaming mag-enroll. Sa August na ang pasukan namin. Sakit sa ulo na naman.

Pero wala naman ako pagpipilian kung gusto kong maabot ang pangara ko, 'di ba?

Bumuntong hininga ako.

Maya-maya pa ay may pamilyar na boses akong narinig.

"Nahara!"

Agad akong napangiti at lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon.

"Keira!"

Maluha-luha siyang tumakbo at niyakap ako. Natawa ako sa inasta niya.

"Miss na miss?" pang-aasar ko.

She playfully slapped my arms. Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at naupo sa harap ko.

"Hindi mo 'ko namiss? Dalawang buwan din tayong hindi nagkita! Hindi ka pa nag-oonline, ano ba'ng pinaggagawa mo nitong bakasyon?" pinandilatan niya ako ng mata at humalukipkip sa harap ko. "May boyfriend ka 'no?!"

Sumama agad ang mukha ko sa sinabi niya.

"Bakit ba lagi mo akong pinanghihinalaang may boyfriend? Ikaw 'tong laging meron e," umismid ako sa kan'ya.

Her eyes widened. "Fling lang 'yon! Wala pa akong boyfriend!"

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng pinagkaiba no'n?"

She rolled her eyes. "Duh! Ang fling ay 'yong may something sa inyo pero wala kayong label! Basically, landian gano'n," she shrugged.

Landian? Pero walang label? May gano'n pala?

"Nako! Subukan mo na kasing magboyfriend! Naririnig ko kay tita na baka ay sa kumbeto ang bagsak mo!"

Sumimangot ako sa sinabi niya.

"Ano naman? Ayos lang naman 'yon ah."

"Oo nga pero... ay basta!"

At the age of 18, wala talaga akong binigyang pansin ni isa sa manliligaw ko. Hindi ko alam pero may kung ano sa 'kin na ayaw pa. Mababait naman sila, matatalino, may itsura at may respeto sa babae pero ewan...

"Kapag nag-aral na tayo sa UAP irereto kita sa mga kakilala ko! S'yempre sa mabait at mapagkakatiwalaan pero kung ayaw mo talaga..."

Tumaas ang kilay ko.

"Ano?"

Tumamis ang ngiti niya sa 'kin. "Try mo pa rin!"

Chased By The Waves  [Under Revision]Where stories live. Discover now