Chapter 2

135 46 23
                                    

Enjoy Reading🌊
Chapter 2

Nang sumapit ang tanghalian ay sa isang Restaurant kami kumain ni Keira. Hindi na kami naligo ulit dahil sa init ng araw, mabuti na lang ay malamig amg hangin kaya hindi masakit sa balat.

"Maganda ang kapatid niyan! 'Yon ang pinakamaganda sa mga Zamora!" Pagkukwento niya patungkol sa kay Noah.

Kanina pa siya panay ang kwento kahit hindi naman ako nagtatanong. Halatang gusto niya akong ireto.

Bumuntong hininga ako at tiningnan siyang ngumunguya ng fries. "Tigilan mo nga ako. Baka may girlfriend 'yon."

Natawa siya sa sinabi ko, halos mabilaukan pa sa kinakain. "Girlfriend?! Hindi uso sa 'min 'yan!" Aniya at humalakhak. Nakakaloko niya akong kinindatan. "Malay mo ikaw ang una."

Umismid ako. "Shut up."

Keira just laughed at me mockingly. Napatigil na rin ako sa pagkain dahil napaisip ako tungkol kay Noah.

Hindi ko pa siya nakikita sa mga pictures ng mga pinsan ni Keira. Maybe I just didn't notice him? Zamora's family tree is big! Hindi ko nga matandaan kung sino-sino na 'yon. Even Keira is a family oriented girl, she rarely mention her whole family to me.

Noah Vitales... that's his name. Sounds familiar.

"Hey, Keira!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses na 'yon. The man with tattoos is gorgeously walking towards us with Noah on his side. Napatingin ako kay Noah na deritso ang tingin sa 'kin habang nakapamulsa.

"Hey, Exudos!"

Hmmm, magkakilala sila.

Naupo silang dalawa sa bakanteng upuan sa tabi namin.

"You two are friends, huh? Ipakilala mo naman ako, Keira," the man named Exudos playfully raised his eyebrow at Keira.

Sasagot pa sana si Keira nang tumikhim si Noah, natahimik ako.

"Order our food, Dos," malamig niyang sabi.

Natigilan ako.

The tone of his voice was different earlier, unlike now... cold and strict. Maybe just my imagination?

Dos rolled his eyes before he stood up. "Dick," he murmured.

"Sama ako!" Tumayo si Keira at sumunod kay Dos.

Agad akong kinabahan habang tinitingnan ang dalawa na mag-oorder na ng pagkain.

"You're not eating."

Nanlaki ang mata ko ng bahagya at nilingon siya. Awkward akong ngumiti at napakamot sa pisngi ko.

"T-Tapos na ako," palusot ko.

Nag-init ang pisngi ko nang sumulyap siya sa plato ko at tinaasan ako ng kilay. "Hindi pa nangangalahati ang nasa plato mo," he looked at me amusedly.

Agad akong nangapa ng ipapalusot. "U-Uh... uhm, kasi... ano..."

"Ano?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chased By The Waves  [Under Revision]Where stories live. Discover now