Chapter 18

17 0 0
                                    

Chapter 18: Tattoo

"WHAAATTT?!!" Nag echo ang sigaw ni Pia sa buong library. I know she will react that way.

"Yeah, I'm.. I'm sorry" naluluha kong sabi. I feel guilty okay? Pero para sa akin, tama yung ginawa ko.

"So all this fvcking time na sa'yo lang si bunso?" Tumango nalang ako kay Nathan.

Sabay sabay kaming nagbuntong hininga. Natahimik kami saglit, ang weird dahil hindi nila ako sinaktan bukod sa sampal ni Top sa eroplano ay wala ng iba. Humaba pa ang usapan namin at kwinento ko ang lahat ng nangyari simula sa napulot ko siya hanggang sa mga nangyayari sakanya nitong kasalukuyan.

"So.. What your plan?" Simpleng sabi ni Pia

"No. What our plan" sagot ni Nathan. All of us agreed. Hindi pwedeng ako lang, dahil kapatid sila. Mas may karapatan sila kaysa sa akin.

"We need to finish all our works then uuwi tayo ng Pilipinas"

"We need to wait that long? Oh come on! Alam natin kung gaano karami ang iniwan niya sa ating trabaho. Other clans are planning to take our place! Lalo na at alam nilang wala siya!" Tama si Pia

"Nahandle natin ito ng limang taon, ngayon pa natin hindi kaya?" Pagyayabang ni Nathan.

"He has a point, besides saglit lang naman tayong mawawala and as soon na inasikaso natin ito, mas mapapabilis ang pag alis natin" sabat ni Top? Aba't nagtatagalog na pala to? Tsk.

Madami pa kaming pinag-usapan. Sabay sabay din kami nag hapunan sa napakalaki nilang hapag. Masayang makitang nag aasaran si Pia at Nathan. Habang tahimik si Top na minsang napapasali. Who would've imagine na ganto sila sa bahay? Ibang iba sa lahat at ibang iba sa harap ng ibang tao. Normal na pamilya lang kami na may aking kapangyarihan pero hindi yung magic ah? Kapangyarihan sa politiko, tao, pera, sa pamamahala, at madami pa.

Ang sayang isipin na muling babalik ang sigla dito, dahil babalik na ang bunso naming lahat. Kahit lahat kami ay takot dito, hindi parin maaalis sa amin ang saya. Oo, sa amin dahil finally makakasama na niya ulit ang pamilya niya.

Ngunit lahat ng saya ay may kaakibat na takot, lungkot at pangamba..

Alexandra's POV

Pagkagising ko kinabukasan ang sabi ni manang ay umalis daw si Marg. May mga dala daw itong gamit, sabi baka may business trip something. Buti pa si manang updated, how dare her go out without even telling me? Kahit "Hoy, aalis ako" wala! That girl!

Naiyak ko na lahat kagabi kaya wala na sa akin yon. I know that I have a soft yet strong and brave heart. Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom at kung mamalasin ka nga naman..

"Babe, can we talk?" Bungad niya. Siguro nga meron kaming dapat pag usapan. Tumango lang ako at sinundan na siya sa kung saan niya gusto.

Pumasok kami sa Mini Forest, which is I did not expect. Akala ko sa Canteen or Somewhere else pero dito niya ako dinala. Siguro ayaw niyang makita ng girlfriend niya na may kasama siya.

Bitter ka naman?

Napairap nalang ako sa sagot ng utak ko.

Tumigil siya at umupo sa tabi ng isang puno habang ako ay nakamasid lang sakanya. Matagal din niya akong tinignan kaya nagtaas ako ng kilay.

"We're here to talk right? So ano na?"

"Sit down then we'll talk" at tinapik ang tabi niya. K fine. Umupo ako doon pero may isang metrong layo sakanya. Bumuntong hininga siya.

"Okay, I'm sorry. I know naguguluhan ka-" hindi ko siya pinatapos sa sasabihin.

"Of course maguguluhan ako" asar kong sabi.

The Sleeping DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon