Chapter 3 - Sinong Judgemental

231 15 11
                                    






"Kamusta naman ang date niyo kagabi" maarteng tanong ni Steve kina Mariel at Nick nung breaktime namin.

"Okay lang" walang ano mang sagot ni Nick at nagpatuloy lamang sa pag-kain.

"hay nako speaking of date" sabi ko. "Naloka ako kay mama" umiling ako

"Oh bakit naman?" tanong ni Mariel habang ngumunguya.


"Don't tell me may k-date si Mother dear mo?" sabi naman ni Steve at mukhang nasurpresa.


Umirap ako "Sira! Hindi!" sabi ko.


"Kase ba naman, nalaman ko lang naman na tinitext pala siya ng ex ko" pagtuloy ako.


"OMG, ang ganda ng mother mo girl, biruin mo type siya ng ex mo" tumawa si Steve at nakipaghih five pa kay nick.


Sinimangutan ko si Steve dahil sa sinabi niya "Sa tingin mo ba ganon yon?"


"Ito naman di na mabiro. O siya ituloy mo ang kwento" sabi niya.


"So ayun nga, sinabi sa akin ni Mama na nagtititex nga daw sa kanya yung ex kong si Justin. Nagpapaalam daw sa kanya kung pwede niya ba daw na ligawan ako ulit" so ayan na nga inumpisahan ko na talaga ang pagkwento.


Eight months ko lang nagging boyfriend si Justin, pero hindi siya yung nagging huling boyfriend ko. At kung tatanungin niyo ako kung pang ilang na siya, hindi ko na rin alam.


Bago pa man ako nakapagsalita ulit.


"Can I join?" tanong ni Bella. Na laging nakaputi ang pangitaas at nakaslacks.


May bitbit din siyang Jollibee Spaghetti at coke mukhang galing pa siya sa labas para lang umorder.


"Yes po mam"


Sabay sabay nilang sinagot si Bella. Habang ako deadma at ay nagpatuloy sa pagkain.


"Nasaan si Ruby?" Tanong ulit ni Bella nang mapansing niyang wala ito.


"Naglunch-out mam kasama yung boyfriend. Monthsary daw kase nila" si Steve ang sumagot. Ngiting ngiti siya na para bang siya ang kinikilig para kay Ruby.


Nang makaupo na si Bella ay bumalik na ulit sila sa kanilang pagkain. Nasa gitna siya nina nick at steve. At gaya ng sabi ko, hindi man palaging nangyayari pero hindi na rin bago sa amin ang makasabay siya sa kainan.


"O tapos? Magpapaligaw ka ba?" tumingin sa akin si Mariel. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Para bang may hinihintay siyang sasabihin ko. Ah oo nga pala muntik ko ng makalimutan yung kwento ko. Si Bella kase panira eh!


"Siyempre, hindi! Ang tapos na tapos na! Ang nakaraan ay hindi na binabalikan" mariing sagot ko sabay sumubo ng pagkain.


"Eh ano daw sinabi ng mama mo?" tanong ni Nick. Halatang mas nakuryus siya sa kung anong nagging sagot ni mama.


"Eh, heto na nga yung pinoproblema ko eh, kase itong si mama. Panay kase ang tanong niya sa akin, kung kailan ba daw niya makikita ang mga apo niya sa akin" bungisngis ko.


I heard Bella chuckled. Biglang napawi ang ngisi ko at sumulya ako sa kanya. Anong nakakatawa mam? Ang sarap mang okray pero siyempre hindi ko sinabi at ginawa yon.


Sometimes You Just Fall In LoveWhere stories live. Discover now