"Shiloh!" Napalingon ako sa pinsan kong tumatakbo papunta saakin. "Fely may ipapagawa ka nanaman ba?" Minsan kasi pupunta lang yan saakin pag may hihiramin oh ipapagawa siya. "Diba sa kabilang school ka bakit ka andito?"
Taga Centro ito eh, minsan napapadpad dito sa SPC pag may kailangan.
"Hindi ui! Aayain sana kita kung sasama ka kina Callyx sa gala mamaya?"
"Anong gala ba yan."
"may bagong bukas na unli wings sa city, gusto nilang pumunta tapos baka mag inuman"
Napakibit balikat ako. Inuman nanaman, mabuti di kami close ni Tita at di niya ko masyadong tinatanong sa pinanggagawa ng anak niya. Lumuwas yan dito sa Maynila para mag-aral eh.
"Depende, tapusin ko muna paper ko sa English tas kung di magpapalong quiz si Sir sa Trig." she rolled her eyes at me. "Bahala ka, basta sabihin mo kaagad kung pupunta ka para masundo ka namin ni Callyx."
"Oo na" sabi ko at diretso na naglakad papunta sa building namin. Di naman ako tatantanan niyang kung di ako papayag.
Tinatanguan ko yung iba kong kakilala. Baka sabihan nanaman akong snob, ilang beses na akong kinocurious cat, bakit daw ang snob ko di naman daw ako sikat. Edi wow sila na sikat.
Papasok ako sa room nang makita ko si Sittie "Sittie!"
Si Sittie pinakaclose ko sa block namin, hindi ko alam pero di naman kasi ako masyado kinakausap nung iba, tapos kadalasan pag nagaaya puro inom. Edi puro tanggi ako, si Sittie kasi Muslim di pwede uminom, habang ako naman sa mga pinsan ko lang ako sumasama.
"Oh, mangongopya ka nanaman sa Trig?" Biro niya saakin. "Ulol, ikaw naman palagi nangongopya sakin wag mo kong itulad sayo" Inirapan ko siya habang tumatawa siya.
"Di ko pa natatapos project ko next week pa deadline nun uy, ang grade conscious mo, tignan mo pagkasecond sem di ka na ganyan ka seryoso sa acads mo." hinulaan niya na sasabihin ko bago ko pa masabi. Ganon naman kasi palaging usapan namin eh, kung tapos na ba plates niya.
Nakahanap kami kaagad ng mauupuan ni Sittie, habang hinihintay ang prof namin ay nagtwitter nalang ako. Puro nanaman issue ang Twitter. Di naman ako maisyung tao pero palagi ko nakikita sa feed ko yung issue ng mga ibang tao.
Di na din ako palagi tumitingin ng curious cat, pangaaway lang naman nakalagay doon. Pero pag bored ako yun pinagkakaabalahan ko. Habang nagsscroll ako may nakita akong thread ng Lalaking Volleyball players ng taga LaSalle.
Dami palang gwapo sa LaSalle, napahagikhik ako, tinignan ko pa sa replies kung may mga nagmemention ng twitter handle nila. Pero bago pa man ako makaclick ng mga nakamention ay kinalabit ako ni Sittie. "Kita mo yung issue about dun sa trans and kay Sam?"
Agad nahila ng kuryosidad ko kung sino yun, hanggang sa di na namin namalayan ni Sittie na lumagpas na 15 minutes. "Guys free cut! Lagpas 15 minutes na!" Nagsitayuan kami, habang ang iba nama'y nagpaiwan, naglalaro ata yun ng ROS.
Nagliligpit kami ng bag nang may tumawag kay Sittie na nagro-ROS. "Sittie pag may naglalaro ba ng ROS sainyo, nalilito ba sila kung galing sa game o galing sa terorista yung bala?" Nagsitawanan yung mga naglalaro.
"Saya kayo?" Sittie raised her middle finger to the guys "Pakyu pabombahan ko bahay niyo." humagalpak lang kami na mga natira sa classroom.
Dumiretso kami sa library, don malakas wifi ng school eh. Kung di kasi kami gumagawa ng plates naglalaro kami ng ML, nakaadikan na.
"Tae dalawa magma-marksman. Magtatank nanaman ako pucha." Sabi ko. Puro kami trashtalk ni Sittie sa library, sinisita na kami isang beses ng librarian pero di na naulit, hilaan nalang kami pag naiinis kami sa teammate namin.
BINABASA MO ANG
Breaking the Sky
Aktuelle Literatur"You can't keep breaking yourself, and restoring it back up." I smiled bitterly. "I don't want to Achi."