Panibagong araw na naman para sa bida nating itago na lang natin sa pangalang Seth.
Time check, 6:37 am na.
At 7:20 ang pasok niyan.
Dahil alam naman nating lahat na late na at aabutin ng kinse minutos ang biyahe niya papuntang eskwelahan, not to mention na may flag ceremony pa sila ng 7:00 paniguradong 'di na aabot 'to.
"SETH! Ano ka ba namang bata ka kanina pa tumutunog iyang alarm clock mo ha?!"
Mayordoma nila iyon, si Nanay Meling. Magpasalamat nalang tayong lahat na narinig niya ang tunog ng alarm nitong bida natin na ewan ko ba at bakit mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon.
"Seth! Bumangon kana riyan at paniguradong mahuhuli ka!" sigaw ulit ng yaya niya kasabay ng malakas na kalampag sa pinto
"Nay! Five minutes pa po! Maaga pa naman eh," saad ni Seth at nagtalukbong ng kumot
"Anong maaga sa alas sais cuarenta ha? Bangon na bilisan mo at kanina pa nga tumutunog iyang alarm mo ni hindi ka naman natitinag. Sana ay hindi ka na lang nag-alarm kung ganiyan, aba'y abot hanggang kusina ang tunog pagkatapos ay hindi ka nagising?" mahabang litanya ni Nanay Meling
Hindi ko rin naman masisisi si Nanay Meling kung bungangaan niya itong si Seth dahil tama nga naman siya.
Magseset ng alarm sa 5:30, 5:50, 6:00, 6:25, 6:30 pero alaws.
Walang talab sa kaniya.
"Seth ano ba! Talagang isusumbong kita sa Mommy mo!"
Nayari na.
SETH'S POV
"Seth ano ba! Talagang isusumbong kita sa Mommy mo!"
Agad na napamulat ang mata ko sa narinig.
Magalit na lahat 'wag lang si Mommy. Di kakayanin ng tenga ko ang tatlong oras niyang sermon na dinaig pa ang arsobispo sa haba at paulit-ulit na pagmimisa kung bakit kailangan kong gumising ng maaga.
"Gising na po ako! Nay ayos na po, gising na ako! Maliligo na ako tapos baba na lang po pagkatapos!"
Dali dali kong kinuha ang tuwalya na nakasampay sa upuan at kumaripas ng takbo sa bathroom. Late na ako. Na naman.
Habang naliligo iniisip ko kung bakit ba late na naman akong nagising. Alam ko talaga nagset ako ng alarm eh.
Tsk, nako naman.
Pagkatapos ng sa tingin ko ay 5 minutes lang naman ay natapos na ako. Agad na pumili ng damit at nagbihis.
Simple lang naman yung suot ko, white long sleeves polo na naka-tuck in ang front part sa suot kong maong pants. Tiyaka ko kinuha ang white sneakers at mabilisang itinali saka tumakbo pababa sa dining hall.
Mayayari ako kay Nanay nito.
Pero ayos lang cute naman ako kaya pagbibigyan niya ako.
Sure 'yon, bakit? Cute ako siyempre sapat ng dahilan 'yon.
"Kumain ka na at magmadali ka papuntang iskul ninyo, anong oras na oh!" itinuro niya ang orasan at nakita kong 6:58 na
Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na isinubo ang ham at nilagok ang orange juice na nakahain sa lamesa. God, I'm so freaking late.
"Nay una na po ako hindi na ako kakain ng kanin, wala ng oras eh," sabi ko pagkatapos ay humalik sa pisngi niya at nagmano pa
"Ano? Aba'y siguraduhin mong kakain ka ng tanghalian mamaya ha!" sigaw niya noong nasa pintuan na ako
YOU ARE READING
Stupid Cupid
Teen Fiction"Mapaglaro ang tadhana pati na si kupido Pinana niya ako pero wala ang palaso mo,"