"Hoy bakit ka na-late kanina?" tanong nitong katabi ko
Jusko wala na bang iba? Puro nalang ba tungkol sa pagka-late ko?
Kung hindi ba naman agaw eksena yung entrada mo sa auditorium edi sana walang magtatanong sa'yo.
"Late akong nagising," sagot ko kay Deccan
"Anong oras ka ba natulog?" tanong naman niya
"Mga 2-"
"Hun!" naputol ang sasabihin ko ng may umextra bigla
Isang babaeng malawak ang ngiti ang papunta ngayon sa direksiyon namin. Napataas naman ang kilay ko ng lumapit ito kay Deccan at hinalikan siya sa labi.
Yuck. Sa harapan ko talaga.
Pero may call sign sila napansin ko, sana all.
"Ehem!"
Their heads automatically turned to me, and I gave the both of them a questioning smile.
"Hi, mawalang-galang na ano? Deccan sino 'yan?" tanong ko kay Deccan at inginuso ang babaeng naka-kapit sa kaniya'ng parang sawa
"Uhm siya si Anna, short for Annabelle. My uh, girlfriend," pagpapakilala niya
Annabelle? Hindi ba yun yung manikang na-possessed?
Humarap naman ako kay Anabelle kuno at doon ko napansin yung ilang layer na make-up sa mukha niya. She actually reeks of chemicals.
Anong nakita ni Deccan dito?
Bagay 'din sa kaniya yung palayaw na Anna, short naman for Anaconda. Parang sawa kung makakapit sa braso nitong kaibigan ko na hindi ko rin ma-explain ang itsura, kung natatae ba o ano.
"Ahhh, girlfriend. May space o wala? Girlfriend as in kasintahan? Jowa? Syota? Nobya? O girlfriend as in girl space friend? Kaibigang babae?" tanong ko
Malay niyo magbago isip niya.
"Girlfriend, walang space" sagot ni Anna
"Okay, congrats" nginitian ko sila at pinanlisikan ng mata si Deccan
Humanda ka sa'kin mamaya, minsan ka na nga lang magpakilala ng babae yung hindi pa mukhang disente.
Kung nagtataka kayo kung sino itong si Deccan, he's my bestfriend. Childhood bestfriend.
At ang ulupong na iyon, hindi nagsasabing may girlfriend palang hindi naman mukhang girl.
My goodness!
Buti nalang dumating na si Sir Crisostomo kaya umalis na rin yung babae.
Entepreneurship ang subject ni Sir Cris kaya nakakaantok. Idagdag mo pa yung boses niyang para kang hinehele.
Bakit kasi ang hahaba ng dinidiscuss niya, inaantok na tuloy ako.
"Okay so who can give me the three funds flow and then explain each?" biglang tanong ni Sir kaya naman napaayos ako ng upo pati na ang halos kalahati ng mga kaklase ko
Pero merong isang hindi natinag-
"Asskdsmkaddjjs-" at humilik pa talaga
Lakas ng loob nitong si Bautista, animal talaga eh.
"Mr. Bautista! Who gave you the permission to sleep in my subject?!" sigaw ni Sir
Bigla namang napatayo ng straight itong katabi ko at muntikan pa ngang madulas. Pigil na pigil tuloy yung tawa ko.
Baka madagdagan yung pamumula ng mukha ni Sir, halatang nagkokojic kasi ang isang 'to.
"No one, Sir." sagot naman niya
YOU ARE READING
Stupid Cupid
Teen Fiction"Mapaglaro ang tadhana pati na si kupido Pinana niya ako pero wala ang palaso mo,"