⋆。˚☽[Ala-ala#8]☽˚。⋆

16 2 13
                                    


[ Wonwoo's POV]


"Nakaka inis talaga!! Bakit ba kasi ako napadpad dito sa dinami daming pwedeng maging kasama sa isang bastos at walang hiya pako napunta" inis kong sabi sa aking isipan


Habang nasa labas ako ng bahay upang mabawasan ang init ng aking ulo

Ay may nakita akong lalake na mukhang kanina pa nakatingin sa akin. Nakaka ilang ang pagtitig nya saken.

"Baliw na ata toh" sabi ko

buti na lamang at medyo malayo sya sa akin kaya't hindi nya narinig ang sinabi ko

Maya maya pa ay lumapit sya saken

"Ah wendy.." sabi nya habang namumula ang mukha

'sino ba to?!'

" Wendy para sayo nga pala ito" sabi nya sabay abot ng isang regalo

'ahh manliligaw ni wendy ganda naman pala'

Ng iniabot nya sakin ang kanyang regalo ay agad ko itong inabot

At ng aabutin ko na ay bigla nyang hinablot ang aking kamay at hihilahin

Ngunit bago nya pako hilahin ay may nakahawak na kagad sa kabila kong kamay

"M-mingyu? bat nandito ka" tanong ko

"Masyado ka ng nagtagal dito sa labas kaya minabuti kong tignan ka at eto nga ang nakita ko" sabi nya habang seryosong nakatingin sa lalakeng muntik na humila sakin

" Hoy, bat mo hihilahin si wonw- si wendy ha?!" sigaw nya sa lalake

"Bakit?! ano bang karapatan mo?! kaano ano kaba nya?!" sigaw naman ng lalake

" Girlfriend ko yang hawak hawak mo kaya kung ayaw mong mawala kagad dito sa mundo umalis kana at wag ng magpapakita pa" banta nya sa lalake

Pero nagmamatigas talaga ang lalake kaya't mas hinigpitan nya pa ang hawak sa kamay ko

"Aray masakit na pwede bang bitawan moko!" sigaw ko sa kanya

"May ipapakita ako sa mahal kong wendy kaya ikaw na kapre ka bitawan mo ang nililigawan ko!" sabi nya at hinila pako ng napakalakas


Mas naging agresibo pa ang lalake sa paghila saken

At nagulat ako ng biglang sapakin ni mingyu ang lalake

Dahil sa tindi ng sapak ni mingyu ay hindi na ito nakatayo

" Kasasabi ko lang sayo diba? na girlfriend ko yang binabalak mong ligawan kung gusto mong magka jowa wag ang girlfriend ko dahil akin lang sya AKIN LANG SYA!! MALIWANAG?!" sigaw nya sa lalake

kaya wala ng nagawa ang manliligaw ko-- ni wendy kundi ang tumango at tuluyan ng umalis

Ng umalis na ang lalake ay tumingin sya saken

" Simula ngayon wag ka ng lalabas ng hindi ako kasama ha? mapapahamak ka lalo e" sabi nya at hinaplos ang aking buhok

"Bakit ka ganyan?! hindi naman ako ang girlfriend mo kaya wag kang umasta na parang ako si wendy!" sabi ko sa kanya

"Si wendy kaman o si wonwoo ang mahalaga lagi kitang nasa piling ko" sabi nya habang nakangiti

"Kayang kaya kitang mahalin wonwoo" sabi nya

nagulat ako sa sinabi nya

at bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya

" Pano mo nasasabi yan habang nasa katawan ako ng mahal mo" tanong ko sa kanya

" Alam mo kung bakit? Dahil ikaw lang ang tanging nakapagbalik ng saya na naramdaman ko noon, saya na kahit kailan man ay hindi ko nakalimutan.. Sayang bumabalik sa dating ako" sabi nya habang nakatingin sa langit


" Alam mo ba ang laki ng pasasalamat ko sayo.. Kasi unti unti mong binabalik ang mingyu na dati nilang kilala.. Hindi ako ganito dati e oo mahal ko si wendy pero puro kami saya alam mo ung saya na nararamdaman lng kapag may nangyare na? Simple lang ako noon.. Salamat wonwoo" dagdag nya


'Bakit mo sinasabi yan ibig sabihin minahal mo lang si wendy dahil sa kaya nyang ibigay ang lahat ng gusto mo? ibang klase ka'


Pero oo sabihin na nating habang patagal ng patagal na pamamalagi ko dito ay unti unti ko ng nakikita ang totoo mong ugali.


Gusto ko man din tong sabihin sayo pero mas minabuti ko nalang na manahimik para narin sa inyong dalawa ni wendy


Gusto ko sanang sabihin na ' Salamat kasi ikaw ang nagpatunay na hindi lang libro ang pwedeng umikot sa aking mundo..'


' Simula nung dumating ka sa buhay ko.. Nagkaron ng kulay ang buhay ko.'


Nilagyan mo ng saya ang bawat pahina ng buhay ko.


Kaso diko parin alam sa sarili ko kung nahuhulog na ba ako o sadyang masaya lang akong kasama ka.\\



Nag aalinlangan parin ako mingyu.


Dahil alam kong may mahal ka ng iba..



Bookworm ➥ MEANIE                          ➳»[On Going] Where stories live. Discover now