⋆˚。☽[Ang Pagtatapat#13]☽˚。⋆

12 2 0
                                    

[Wonwoo's POV]

"TULONGGGG!! HINDI NAKO MAKAHINGA MAAWA NA KAYOOOO!!"

"PABALIKIN NYO NAKOOO AYOKO NA DITOOO!!"

Boses ng babae na paulit ulit na sumisigaw sa aking utak

Mahimbing ang aking pagkakatulog ng biglang sumigaw ang di kilalang babae mula saking panaginip

Sino sya?

Bakit sya humihingi ng tulong?

Pero hindi rin nagtagal ay unti unti itong nawala

Pero hindi parin sya mawala sa aking isipan.

Ano na kayang nagyayare sa babaeg sumisigaw sa aking panaginip

Ang liwanag..

Sobrang liwanag.

At sa likod ng liwanag na iyon ay may naaninag akong isang importante sa aking buhay.

"I-ina..." mahina kong bangit

"Anak ko" sambit ng matagal ko ng namayapang ina.

Patakbo akong lumapit upang muling mahaggan ang aking pinaka mamahal na ina.

"Inaaa!, miss na miss na kita salamat at muli tayong nagkita" maluha luha kong sabi

"Anak alam mo ba kung bakit ka nasa ganitong sitwasyon ngayon?" tanong nya

"Bakit po?"

"Dahil para mahanap mo ang tunay na pagmamahal anak, ang tunay na makapagpapasaya sa puso mo" sambit nya

"Ng nabago ang iyong katayuan sa buhay ay nagbago narin ang pananaw mo hindi ba?"

"Parang ganon na nga ina" sabi ko habang nakatingin sa ibaba

Hindi ako makapaniwala na sa loob ng ilang araw ay isang lalake lang ang makakapag bago ng pananaw na matagal ko ng ikinikimkim..

"Pero ina hindi ko pa kayang magmahal" sabi ko sa kanya

"Bakit anak? nandyan na sya para sayo" sabi nya

"May mahal syang iba ina"

"Ayokong pumalagitna sa kanila"

"Ayokong makasakit ng iba"

"Ayokong saktan sila lalo na si mingyu ina"

"Pero anak ikaw naman ang masasaktan." sabi nya

Itinaas nya ang aking ulo upang tumingin sa kanyang mata

"Anak tandaan mo ito kung mahal mo ang isang tao wag ka ng mag alinlangan pa gawin mo ang nararapat dahil sayo sya magbabago rin ang lahat at mapupunta sya sa tama anak si mingyu? anak balang araw mapupunta sya sayo"

Ngumiti ako dahil sa sobrang saya

"Salamat ina"

"Dalaga na ang wonwoo ko dati lang kinakarga lng kita ngayon kita mona ang laki laki na"

"Anak proud na proud si mama sayo"

"Anak pasabi nalang kay papa na mahal na mahal ko sya ah"

"Kung makabalik ka pakisabi na ayos nako sa langit "

"Wonwoo, anak ko.. Mahal na mahal ka ni mama"

Habang namamaalam si ina ay hindi ko mapigilan lumuha

"Ina.. Mahal na mahal din kita"

"Salamat sa pagmamahal at pag aalaga samin ni papa"

"Hanggang sa muli ina mamimiss ka namin"

Naglaho ng parang abo ang aking ina

Di ko mapigilang lumuha sa sakit ng nararamdaman ko

'Bakit kasi kelangan mopang mamatay ina?!'

'Sana nandito kapa'

'Sana kasama kapa namin ni papa'

Dalawang babae ang lumitaw sa iisang panaginip..

"Wonwoo!"

May naririnig ako ngunit diko kilala kung sino

"Wonwoo gising"

Pamilyar ang kanyang boses

'Mingyu?'

Iminulat ko ang aking mata at nakita kong umiiyak si mingyu sa aking harapan ng tignan ko ang kanyang likod ay nakita ko si jeonghan at hoshi na mukhang nag aalala din.

"Wonwoo ayos kalang ba?!" nagaalalang tanong ni mingyu

"Bakit?" tanong ko

"Kanina kapa umiiyak at hindi ka magising gising mukhang binabangungot ka wonwoo" paliwanag ni hoshi

Ng maalala ko ang sinabi ng aking ina ay naiyak ako at saktong nasa harap ko minyu kaya't

Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Bakit?! anong nangyare wonwoo sabihin mo sakin" sabi ni mingyu na nakayakap narin saken

"Ang nanay ko nagpakita sya saken mingyu" paliwanag ko

"Wag kang magalala wonwoo nandito lang ako" sabi ni mingyu

Tahimik na lumabas si jeonghan at soonyoung

Ng kaming dalawa nalang sa kwarto ay sinabi ko sa kanya ang lahat.

"Mingyu.. " banggit ko ng kanyang pangalan

"Bakit wonwoo?"

"Gusto kita mingyu" pagtatapat ko

Gulat si mingyu sa kanyang narinig

"Pero hangga't hindi ako bumabalik sa aking katawan ay hindi pwedeng maging tayo dahil may wendy ka" sabi ko

"Handa akong masampal ni wendy maging akin kalang wonwoo" sabi nya na ikinagulat ko

"Pero mingyu-" naputol ang sinasabi ko ng iharang nya ang kanyang palad sa aking bibig.

"Alam mo namang ikaw na simula't sapul palamang kaya't dimoko mapipigilan na mahalin ka" sabi nya at niyakap ako

"Let's fight this wonwoo" sabi nya

"I love you mingyu"

"I love you too wonwoo"

-------\^~^/------

Bookworm ➥ MEANIE                          ➳»[On Going] Where stories live. Discover now