Sela's POV
Naghanap kami sa ibang hotels, wala parin sila. Pumunta din kami sa mga bars and clubs para magtanong kung may gig ba dun ang Cupid's Psychos. Nakakalungkot, wala parin. San ba talaga namin sila mahahanap?. Tsk.
Kumain na muna kami sa isang karinderya. Syempre dami kong kinain since alam ko namang ako na naman ang pagbabayarin ng babaeng to.
"Akala ko pa naman kanina makikita na natin si Celine. Ano ba namang buhay to."
"Lalo na siguro pag hinayaan mo kong hanapin siya mag-isa. Mababaliw talaga ako."
Newsbreak: Ang limang miyembro ng Cupid's Psycho Gang, isang grupo ng mga mass murderers na nakatakas nung isa pang araw ay gumagala ngayon sa buong syudad. Limampu na ang naitalang bilang ng kanilang mga pinatay. Mag-ingat po tayong lahat. Hindi na pinahihintulutan ang sino mang lumabas sa kanilang mga tahanan.
Napanood namin sa TV.
"Cupid's Psycho din ang name?."
Parang malalim ang iniisip ni Abby ngayon.
..
Celine's POV
"Cancelled? Hindi pwede sir, napag-usapan na natin to last month diba?. Ngayon yung schedule namin dito sa bar nyo."
"Alam nyo naman siguro ang kumakalat ngayong balita ng mga pagpatay. Kapangalan ng banda nyo ang gang na yun."
"Pero hindi naman po kami yun."
"Kahit na. Matatakot parin ang mga tao. At saka hindi na pinahihintulutan ang mga taong gumalagala dahil masyadong delikado hangga't hindi pa nahuhuli ang mga kriminal. Ako pa sa inyo, magsiuwi na kayo." Sara ng may ari sa bar. Nagsisarahan narin ang mga stores.
Hindi pwede to.
..
Sela's POV
Sumakay na kami sa kotse niya.
"Ano nang gagawin natin?."
"Kailangan nating mahanap si Celine."
"May patayan nga diba? Hindi tayo pwedeng lumabas. Masyadong delikado Abby."
"Basta, hahanapin natin si Celine kahit anong mangyari."
"Baliw ka ba? Mamamatay nalang tayo iniisip mo parin yang pera mo."
"Hindi yun ganun, okay? Di mo kasi naiintindihan."
"Pwes, ipaintindi mo sakin."
"They're gonna kill her. They're gonna kill Celine and it's all my fault."
"Huh?. Uy hindi magandang joke yan ah. Di ka nakakatuwa."
"The case. Yung nilagyan ko ng perang ipinambayad ko for the violin sa sister mo. Sa ilalim nun nakalagay ang map kung saan ang mga bomba--"
"B-bomba?."
"Bombs made by Dr. Hirai. Inutusan ako ng Daddy ko na ibigay sa isa sa members sa Cupid Psychos ang mapa ng bomba. Siya ang traydor sa gang at kakampi namin. I went to dark web and your sister was the one who contacted me. I told her that I need the violin. The violin na may lamang program to deactivate all the bombs. Pero ayun nga, iniscam niya ako. They kidnapped my dad, kapalit nun ay ibibigay ko sa kanila ang map and program. That's why I need to find your sister at kung may alam ba siya kung sino ang may dala sa violin. Hindi yun pwedeng mapunta sa maling kamay."
YOU ARE READING
Scam This Be Love (Seby)
Fanfiction"They say the worst type of scam is love. It makes you invest more of your time, effort and feelings then one day, you're left with nothing." Sabi ni Abby. Little did she know that Sela, the twin sister of the one who scammed her could change everyt...