Kabanata 5

10 2 1
                                    

KABANATA 5
Monthsary

Isang Linggo na kami ngayon ni Joshua, sa ngayon ay wala pang sagabal sa relasyon namin.

Tuwang tuwa naman si Mommy nung nalaman niyang kami na ni Joshua.

Si daddy naman ay binantaan pa si Joshua na kapag sasaktan niya ako bubugbugin daw niya ito.

Masaya ang mga araw na nagdaan kasama sina Joshua, Nana, at Mom and Dad.

Lagi pa din kaming sabay kung kumain, hatid sundo pa din sa school. Hind na ako nagpapalapit ng mga lalaki sakin pag nasa school ako. Alam kong hindi naman ako pinagbabawalan ni Joshua sa ganon pero ako  na ang uumiwas. Pinapansin ko lang if school related.

--

Two weeks in a relationship with Joshua.

Hatid sundo niya ako tuwing may pasok at pagdating sa bahay ay tutulungan niya ako sa homeworks ko.

Tuwing sabado ay mag mamall kami.

Tuwing linggo ay tutulungan niya akong gumawa ng projects or research.

He would always help me pag alam niyang nahihirapan ako.

Tawanan. Asaran. Lambingan.

Hindi na ako magmumukhang malandi kasi may label na kami. Eh kayo? Choss.

Naramdaman ko din na napalayo na ang loob ni Mika sakin.

Kesho daw ay wala na akong oras sa kanya. Kahit naman araw araw kaming magkasama sa school. Alam Kong maiintindihan niya din ako pagdating ng panahon.

Si Joshua lagi ang nagpapayo sakin na suyuin ko si Mika. Minsan yun lang daw ang kulang sa friendship namin.

Kaya araw ng Linggo ay hinatid ako ni Joshua sa bahay nila Mika. Yayain ko daw mag mall.

Ihahatid lang kami ni Joshua at susunduin na lang daw pag natext ko na siya.

Nung nasa mall na kami ay medyo awkward pa. Hindi talaga kami sinamahan ni Joshua. kahit umaligid siya ay hindi niya ginawa. May tiwala daw siya sakin at para naman ito sa kaibigan ko.

Niyaya ko muna mag coffee si Mika sa Starbucks. Ako na yung nag order at nagbayad. Alam kong maya maya lang ay lalambot na 'tong si Mika. Hindi ko na tinanong ang gusto niyang order dahil alam kong parehas kaming favorite drink dito.

"Hi ma'am, can I have your order?" Ani ng babae sa cashier.

"2 pink drink and 2 cakepops." Simpleng tugon ko at inabot ang card ko. The cashier smiled at me then handed my card back.

Nakuha ko na ang order ko at nakita ko ang napaling pwesto ni Mika. Ang usual spot namin pag nandito kami sa Starbucks. Sa pinakadulo  na may pang dalawahang upuan malapit sa glasswall. I smiled.

Naalala niya pa pala. Dala dala ang order patungo sa kanya ay mga ngiti ako sa labi. Kahit awkward 'to ay dapat magkaayos kami. Hindi ko kakayaning mawalan ng kaibigan.

Nilapag ko ang tray na nilagyan nang order namin at nakita kong kuminang ang mata ni Mika. Nagkatinginan kami. I give her my wide smile. Napatulala ako nung ngumit siya pabalik.

"D-did you j-just smile at m-me?" Nauutal kong tanong. Hindi siya nagsalita at ngumiti ulit saka tumango.

Pagkatapos namin mag coffee slash i-dont-know-f-you-called-it-breakfast.

Nag shopping muna kami. Treat ko lahat pero hindi masyadong marami ang mga damit na binili ni Mika. Tatlong paper bags lang mula sa tatlong favourite brand niya.

TEARS OF JOY (completed)Where stories live. Discover now