I.

20 3 2
                                    

"Nakakasawa na Wryegle, ayoko na. Lahat ginawa ko, I did everything you want me to do. I became who you want me to be. Because you know how much I love you. I accepted all your bad traits, lahat lahat. Ako nag adjust para sayo. I became an ideal girl para mas magustohan mo ko but dapat pala pinakita ko nalang kung ano talaga ako. Kung sino talaga ako, kasi you're now taking me for granted. I love you Wryegle but tama na. Ayoko na."  At umiiyak akong tinalikuran siya sa gitna ng park kung san kami nagkita at kung saan nagtapos lahat nang to.

*riiinnnggggg*

Napahikab ako at napadabog dahil umaga nanaman, hays. Napanaginipan ko nanaman ang masakit na ala-ala na yun. Those were my exact lines nung nakipag hiwalay ako kay Wryegle.

"PATRICIAAAAA, ANO MAY BALAK KA PA BA PUMASOK O WALA NA? SABIHIN MO NA'T PATITIGILIN NALANG KITA. ABA UMAGA NA..."

napatakip nalang ako ng tenga, yan nanaman si mama, like seriously 6:48 palang 8:45 yung klase ko. Pero naglakad nalang ako papunta sa banyo para gawin yung mga dapat gawin dahil baka mapatigil nga ako sa pag-aaral.

Anyway, ako si Patricia Marie Sandival or madalas nila akong tawaging PMS dahil bukod sa initials ko yun ay minsan para akong laging may PMS. So 18 years old ako at Grade 12 na ako which means graduating na. Hindi kami ganun kayaman gaya ng iba, gusto kong mag part time job para kahit papaano makatulong ako kila mama at papa kaso ano nalang daw sasabihin ng iba kung magtratrabaho ako. Ewan ko ba ang weird nila, kung sa iba yun tuwang-tuwa na sila. Pero sabi nila mag focus nalang daw ako sa pag-aaral.

"PATRICIAAAA!! ANO NA?"

"Eto na po ma, gagalit agad eh."

"Paanong hindi eh tsaka ka nalang gigising pag puti na mga kalabaw?"

"Kakain na ma, tapos maliligo na po. Okay na po salamat sa pagkain." tapos nag flying kiss pa ako. Pero nag make face lang si mama na parang nandidiri, di naman laging ganyan si mama. Pag nasa labas nga kami para kaming mag tropa niyan eh haha.

So nung pagkatapos ko kumain, naligo na ako at napalit ng school uniform. Nag tricycle na ako papuntang school, lalakarin ko sana kaso sayang yung freshness kung maha-haggard agad hahaha.

Nang makarating na ako sa school ay bumalik nanaman yung bigat ng loob na nararamdaman ko. Hays akala niyo siguro masayang-masaya ako sa buhay ko noh? Dun kayo nagkakamali, sobrang bigat ng dinadala ko araw-araw. Hindi lang dahil sa lovelife kundi dahil sa pressure na nakukuha ko mula kina mama at papa tsaka sa mga kaklase ko at schoolmates ko.

Wala ako masyadong kaibigan, ewan ko ba kung nasa akin ang mali o kung nasumpa na talaga akong walang magiging kaibigan. Bale, ang mga nakakausap ko tinuturing ko lang na kakilala at kaklase ganun.

Pumasok na ako sa room at shockssss oo nga pala, kaklase ko si Wryegle /facepalm* mas dumoble nanaman yung bigat ng loob ko.

Eksakto namang pumasok siya sa room kasunod niya ang teacher namin, so kay teacher ko nalang tinuon ang pansin ko alangan na sa kanya duh. Pero di ko pa rin maiwasang titigan siya.

Ang saya-saya ng mukha niya parang wala man lang epekto sa kanya yung paghihiwalay namin hays.

"Ms. Sandival. Ms. Sandival!"

"Ah yes sir?"

"Are you listening? Do you agree with it or not?" Napatingin ako sa kanya at sa mga kaklase ko lalo na kay Wryegle or Rigel kung tawagin ko.

"Sorry sir pero pwede paki-ulit? Hehe" tapos nag peace sign ako kay sir.

"Tsk, hay nako. Ang sabi ko Patricia, ikaw ang isasali ng section natin for the Pageant for the Foundation Day." napasinghap ako. Lumaki yung mga mata ko sa narinig ko. Tinignan ko reaksyon ng mga kaklase ko at halo-halong reaksyon ang nakita ko. May naka ngisi na parang sinasabing bakit siya pa ganun. Meron ding nakangiti ng genuine na ngiti, pero yung pinaka worst ay yung masungit na mayaman na maganda ay inirapan ako.

"Hala sir, bakit ako nanjan naman po si Tina, bakit po ako pa." Maktol kong sagot kay teacher. Aminado akong rumarampa-rampa ako sa harap ng salamin pero di ko naman akalaing kukunin ako for pageant.

"Laging siya ang nag rerepresent sa ibang pageants, and this time I want someone new. And may tiwala ako sa'yo. Right class?" Pag aassure ni sir.

Pero ni isa walang sumagot. Hays

"Huwag nalang kasi ako sir, mas madaming mas magaganda kaysa sakin." Hirit ko pa kay sir.

"You can't change my decision Patricia, besides I already talked to your mom about it."

"WHAAATTT???" nanlumo ako sa narinig ko. Nang may narinig ako na mas nakapanlulumo.

"Psh, di nalang aminin na gustong-gusto din. Arte pa. Alam naman ng lahat na attention seeker." Tama kayo si Tina yan. Nung tinignan ko si Rigel nakita kong nakangisi siya kaya't parang naluluha nanaman ako. Siguro nga si Tina talaga gusto niya at hindi ako.

Pero kung eto na talaga ang desisyon ni sir, then it's a challenge I'm willing to take.


————————————————————————

Wahhhhh it's my first time making a story sana may magbasa at sana magustohan niyo tong story na to. Thank you po.

So Lost (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon