V.

14 2 4
                                    

Panibagong araw nanaman, nasa loob ako ng room at napakagulo ng mga kaklase ko. Well, wala namang bago. Laging ganto, ewan ko ba ang tatanda na namin kaso parang bata parin yung iba. Yung iba naman mga spoiled brats na nagpapagandahan ng gamit. Yung iba naman andun nagkukumpolan naglalaro ng Mobile Legends na yan, nagpapataasan sila ng rank eh rank sa klase di nila pinagtutuonan ng pansin.

Nang pumasok na ang teacher namin. "Okay class, bring out your assignments."

Excited akong bumaling sa bag ko at hinanap ang assignment ko ngunit naka-ilang ulit ko nang tinignan ang loob ng bag ko ay wala ito.

"Remember that assignment will also be your output. If you can't pass this assignment then I'm sorry but you'll have low remarks. Actually, stay put. I'll come to you one by one. Put your works on your desks. I'll check them personally right here, right now." Litanya ng guro namin. Nagpapanic na ako dahil napakahalaga ng assignment na to pero wala yung assignment ko. Ano gagawin ko?

3rd Person's POV

"Game on" I smirked.

Patricia's POV

Naiiyak na ako dahil wala yung assignment ko.

"Wow, Tina. Your work is amazing. All these pencrafts and the content it is outstanding. And nung tinignan ko yung paper na ipinapakita ni Ma'am Bela ay lumaki ang mata ko. IT'S MINE!

"How about you Patricia? Where's yours? I can't see a piece of paper on your desk." Saad ni ma'am Bela.

"M-ma'am gumawa po ako kaso nawala po yung sa akin." Sabi ko kay ma'am Bela. Hindi ko na sinabi na yung ipinasa ni Tina ay sa akin dahil alam ko namang ako lang din ang mapapahiya.

"This is a first Patricia, tumatamad ka na ba sa klase ko? This is a very important requirement tsaka ka pa tinamad gumawa? I'm disappointed Ms. Patricia. Dahil jan mababa ang remarks mo this grading period." Aniya ni ma'am Bela. Napayuko nalang ako sa hiya dahil kahit sabihin kong may ginawa ako ay wala din naman akong maipapakita dahil nawawala ito at mukhang nakay Tina pa ang gawa ko.

Pagkatapos ng klase ay lumapit ako kay Tina. "Tina, pwede ba kita makausap?"

"Sure, what is it?" Sagot ni Tina.

"Yung ipinasa mo ba sayo talaga yun? Ganung-ganun kasi ang ginawa ko eh. Tapos, alam ko nilagyan ko din ng pirma yun."

"Are you accusing me of something that I never did?!"

"Hindi naman sa ganun pero ... wala sige pasensya na Tina."

"Umayos ka, hindi ka nakakatuwa Pat. Kung ako sayo, pipiliin ko ang kakalabanin ko." Huling sabi ni Tina at umalis na sila ng mga kaibigan niya.

Tatalikod na din sana ako ng may marinig akong dumaan sa likod ko. Alam kong si Rigel ito. Ngunit nung dumaan siya narinig ko pa ang sinabi niyang nang tumapat siya sakin. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali sa kanya para kasuklaman niya ako ng sobra.

Kailan lang nung humihingi siya ng tawad sakin pero ngayon iba nanaman ang pakikitungo niya sakin.

Ano ba nagawa kong mali sayo Rigel? Bat mo ba ako ginaganito. Ang sakit - sakit mo sa ulo.

Wryegle's POV
"Pathetic" sinadya kong pinarinig kay Pat yan nung eksaktong natapat ako sa kanya kaninang dumaan ako sa likuran niya. Hindi ko alam kung bakit labis na naiinis ako sa kanya. May ganun naman diba? Yung titignan mo lang yung tao tapos sobrang naiinis ka na sa kaniya kahit walang ginagawa. Ewan ko ba kung bakit?

Natutuwa din ako kaninang napapahiya siya hahaha. Crush na crush ko si Tina. At liniligawan ko siya matagal na. Kahit nung kami pa ni Pat ay sobrang gustong-gusto ko na siya. Nandidiri ako pag naaalala ko yung mga panahong magkasama kami. Tangina talaga haha. Naalala ko nga pala kaninang break.

Flashback
Nandito ako sa library ngayon. Gagawa sana ako ng assignment ni Tina dahil importanteng requirement yun tutal tapos naman na sakin. Syempre kailangan ko gumawa pam pa goodshot diba?

Paupo na sana ako ng makita ko si Pat na masaya at parang proud na proud sa kung anong ginagawa niya. Inilagay niya ito sa bag niya at umalis saglit.

Kahit kailan bobo talaga, linapitan ko ang upuan niya kung san siya gumawa at binuksan ko ang bag niya. Kinuha ko yung gawa niya at nakalimutan ko nang isara dahil nagmamadali ako baka maabutan niya ako.

Pagkatapos nakita ko si Tina, at ibinigay ito.
"Wow, Wry ang galing naman. Ito ipapasa mo? Naku ha talo mo pa ako haha." Sabi ni Tina. Ang ganda-ganda talaga ng ngiti at pagtawa ni Tina.

"Hindi, sayo yan kung gusto mo lang naman." Sagot ko kay Tina.

"Talaga? Hala salamat ha. Ito nalang ipapasa ko para di sayang effort mo at mas maganda din naman ito." Masayang tugon ni Tina.

Sabay na kaming pumasok sa room pagakatapos nun.

Back to the Present

Ang priceless ng mukha ni Pat hahaha. Served her right. Atleast napasaya ko ang Prinsesa kong si Tina. Humanda ka pa Pat. Dahil gagawin ko talagang miserable ang buhay mo hanggang sa umalis ka na dito sa school. Nakakainis ang mukha mo. Sobrang nakakainis.

————————————————————

Short update at very very late. Sana may magbasa HAHAHA. Take care everyone. Xoxo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

So Lost (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon