IV.

12 2 2
                                    

I woke up with puffy eyes. /sigh* eto nakukuha ko sa pagiyak-iyak na yan eh. Well what can I do, even if I cheer myself up it ends up even worse. Anxiety won't go away. It feels like bestfriend ko ito. So, ginawa ko nalang ulit yung morning routine ko at pumunta na sa kusina para kumain ng almusal. Heavy breakfast ang kinakain ko. Hindi ko kaya pag mga tinapay lang ganun.

"Oh bat ganyan mata mo? Nagpuyat ka nanaman? Ano pinagpuyatan mo? Cellphone mo? Ano makukuha mo jan?" Pagpansin ni mama sakin at panenermon niya umagang-umaga.
"Wala to ma, tsaka nag advance reading ako medyo nawili kaya napuyat." Alibi ko kay mama dahil mahirap na pag sinabi kong umiyak ako.
"Aba siguraduhin mo lang." sagot niya.

Nung pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang gamit ko at nagpaalam na ako kay mama. Umalis na ako sa bahay at gumayak na papuntang school. Nang makarating ako ay nakita ko si Mr. Diego, "Oh Pat, halika dito".
Lumapit ako at tinanong si sir kung bakit.
"Good morning sir, ano po yun?"
"Good morning din. Anyway, may practice nga pala mamaya for foundation day I hope hindi mo nakalimutan na ikaw ang representative ng section natin." Oh shoot, oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan yun. Bakit ba kasi ako pa eh.
"Sir, wala na po ba talagang ibang pwedeng sumali? Ayoko po talaga eh." Pagmamakaawa ko sa guro ko.
"Sorry Pat pero you have to do it, wala namang ibang may gusto besides you're smart. You can do it." Tapos tinalikuran na ako ni sir. Ay, naku smart lang sir? Walang beauty hahaha joke lang pero naku kinakabahan ako. Maganda pa naman yung pambato ng ibang section lalo na si Arabella ng STEM hays. Anyway, ABM ako at I hope i-support ako ng classmates ko.

Pumunta na ako kung san kami magpra-practice at holy moly cow, napakaganda talaga nila. Hays, talong-talo na talaga ako dito.

"Uhm, okay line up and magbubunotan kayo ng number and kung ano makukuha niyo automatic it'll be your number" sabi ng teacher namin na Dyosa.

Bumunot na kami, at 7 ang nabunot ko 8 lahat ng contestants. Hays, bakit pa kasi ako ang napasabak dito. Kaya buong maghapon puro practice ang ginawa namin, next week na kasi ang Foundation Day kaya dapat naming paghandaan ito. Papunta dito ang ilang heads kaya dapat maganda ang programa namin. Nakakapagod man pero kinaya ko naman. Yun lang nakakakaba kasi ang gaganda ng mga kalaban ko.

Pauwi na sana ako kaso naalala ko yung paborito naming kainan ni Rigel ng streetfoods. "Ano ba yan Patricia, Rigel nanaman. You've got to stop thinking about him." Pagsermon ko sa sarili ko.

Pumunta na ako kay Aleng Marie para bumili ng masasarap niyang tinda. Nang makarating na ako doon ay tuwang-tuwa siyang nakita ako. "Naku buti nakadalaw ka ulit, pero nasan na ang nobyo mo? Busy ba" Tanong ni aleng Marie
"Naku haha wala na po kami aleng Marie" napakamot ako ng ulo dahil sa tinanong ni Aleng Marie.
"Ay ganun ba iha, sayang naman at bagay na bagay pa naman kayo. Pero kahapon pumunta siya dito bumili din siya kahapon." Sambit ni aleng Marie
"Ganun po ba? Masarap po kasi talaga tinda niyo eh hahahaha. Pabili po." Pagiba ko ng usapan dahil ayoko nang pag-usapan si Rigel. Masyado na akong nasasaktan at pagod din ako.

Nagbayad na ako at umupo sa inuupoan namin dati ni Rigel. Hays, tahimik akong nakatitig sa dagat habang kumakain. Ang ganda ganda ng dagat pero ayoko dito. Gaya ng sabi ng isang aktor sa isang sikat na movie "Beauty attracts trouble". Naniniwala ako doon dahil sa ganda ng dagat ay may dalang kapahamakan at nakakatakot ito para sa akin.

"Ay iho andito ka ulit, nga pala andun si Patricia, bakit naman naghiwalay kayo. Sayang naman at bagay pa naman kayo." Napatigil ako sa pagsubo ng kinakain ko nang marinig ko yun. Ayokong lumingon ngunit dahil sa makulit ang ulo ko ay lumingon ako. Nakita kong tinuturo ako ni Aleng Marie at eksaktong tumingin din si Rigel sa gawi ko.

Tumalikod nalang ako dahil hindi ko kayang makita si Rigel. Hindi muna ngayon, matapos ang nangyari kahapon. Nahihiya ako at oo nasasaktan pa din. Kampante naman akong hindi siya tatabi sa akin ngunit nang tignan ko ang ibang bench ay may mga taong naka upo sa mga ito. "Positive thoughts Pat, di siya tatabi sayo. Pagkabili niya uuwi din siya agad." Pag alo ko sa sarili ko

Nang di ko namalayan ay may lalaking nakatayo sa harap ko.
"Mind if I join you? Walang vacant na upuan so if okay lang sayo ay makikiupo ako" pagpapaalam ni Rigel. Yes guys si Rigel. Di ko alam kung ano sasabihin ko. Nakatitig lang ako sa kanya. May halong pagtataka at pagkagulat ang nararamdaman ko ngayon dahil una sa lahat ay nung huling pagkikita namin ay parang diring-diri siya sa akin at sobrang ayaw niya sa akin ngunit ngayon gusto niya makiupo sa tabi ko.
"A-ah sige ikaw nalang umupo, tapos na din naman ako" sabi ko habang kinakabahan at inalok sa kanya ang upuan dahil hindi ko kayang nasa iisang lugar kasama si Rigel.
"No you can sit if you want to. I know things got heated up yesterday and I just wanna say that I am sorry Ticia."

What the actual fuck? Rigel is asking for an apology? And he called me by the nickname he gave me? What the heck is happening? Ano nanaman ba to Rigel? Why are you messing with my mind again?

————————————————————————
Hehe sorry medyo bitin peace tayoooo

So Lost (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon