paki watch po ng video..
promise ang cute..
hehe.. sana magustuhan niyo..
=============================================================================
Halos hindi makahinga si cosmelic habang dindramahan ng dalawa niyang mga kaibigan na sina Ziequin at Xylee. Nasa eskwelahan sila sa favorite tambayan nila sa ilalim ng puno ng narra.
"naturingan pa naman kaming mga kaibigan mo..tapos ngayon lang namin malalaman na may boyfriend ka na pala.." lumuluhang sambit ni Ziequin,hindi na siya nagulat sa reaksiyon nito.Masyado naman kasing mababaw ang luha nito at numero uno sa pagka-EMO.
"ano ka ba naman Cosmelic?sino ba yang minalas na lalaki na yan? baka kidnapper,magnanakaw o di kaya'y mamamatay tayo yan ha!?" natatarantang sambit ni Xylee, masyado naman kasi itong praning.hindi naman ito masyadong showy sa nararamdaman nito, para ngang may topak ito, minsan lang magreact over na over pa!
Ngumiti siya ng maalala ang lalaking pinag-uusapan nila.. ang kanyang sinisinta- si Minho, isa itong typikal na dream guy ng bawat kababaihan, lahat halos ng makakita dito ay lumalaway, pero hindi ito ang tipong "boy next door", ito ang tipo ng lalaki na may pagka bad guy ang dating, binansagan itong "Mr. Heartbreaker" sa kanilang eskwelahan, dahil noon naman talaga ay playboy ito. Binalingan niya ang mga "shunga" niyang mga kaibigan.
"wala.. si Minho lang naman ang sinasabi kong boyfriend ko." sambit niya.
"what? si Minho? as in si Minho? ang super delicious papable sa school?as in M-I-N-H-O? as in--" natigil sa paglalatinaya si Ziequin at marahag humikbi saka nagpatuloy sa pagsasalita
"as in si.. si Minho yong..yong c-crush ko?"
"ano ka ba naman Ziequin? si Minho lang naman ang--- What!?? si Minho? ang gagong yon?" bulalas naman ni Xylee.
"hala!Cosmelic, tumayo ka diyan! makipagkalas ka sa lalaking iyon! ora mismo!' patuloy ni Xylee.
"Wait! sandli lang,ano ba naman kayo?hindi niyo pa nga kilala yong tao hinuhusgahan niyo na agad, di porket playboy siya eh masama na siyang tao." depensa niya sa nobyo. Inaamin niya noong una niyang makita si Minho ay naangasan at nayayabang siya rito. Ngunit napatunayan niyang mali siya dahil sa pagdaan ng araw ng pagkakakilala nila ay nalaman niyang ito ang isa sa pinakasweet na tao na nakadaupang palad niya.
"hai..hindi naman siya ganoon ka bad eh.. cute nga siya..kaya ga crush na crush ko eh.. at kasalanan ba naman niyang nasilo niya lahat ng biyaya ni Lord? gwapo siya at mayaman pa, kaya hinahabol habol ng mga flirty girls, na hindi naman niya kayang tanggihan." saad naman ni Ziequin.
"Nandoon na nga ako, hin di natin siya kilala ang tanging alam lang natin ay ang playboy image niya sa school, paano na lang kung niloloko ka niya?ha? Cosmelic? ikaw lang naman ang inaalala ko," Mahabang paliwanag ni Xylee. Naiintindihan niya naman ang kaibigan, alam niyang concerned lang ito sa kanya, pero matalino siya, hindi siya gumagawa ng isang desisyon ng walang "back-up" plan kapag nagkamali siya. Nginitian niya ang mga kaibigan.
"dont worry girls,i can handle him, kapag niloko niya ako, eh di maglokohan kami." pag-a-assure niya sa mga ito.
Pumalakpak si Ziequin, "Woooh! bilib talaga ako sa tapang ng loob mo! ikaw na talaga! sige na nga,pakilala mo na kami sa nobyo mong hilaw!!" kantiyaw sa kanya ni Ziequin.
"oh yeah!! hilaw na kung hilaw.. basta humanda lang siya pag niloko ka niya. Lulutuin ko talaga siya!! at kapag nangyari yon, hindi na siya ang nobyo mong hilaw, siya na ang ex mong luto!" sambit ni Xylee saka humalakhak. Nakitawa na rin sila ni Ziequin. Hai.. baliw talaga kami ever.. oh yeah rock and roll!!
MINHO POV
"Himala! mukhang totoo nga ang balita pre! In love si Minho!" kantiyaw sa kanya ng kaibigang si Rex.
"oo nga, parang nasa cloud nine! nagmumukhang sira-ulo habang mag-isang nakangiti!" dagdag pa ni Paolo.
Nandoon sila sa Grandstand nakatambay habang hinihintay ang time sa susunod na klase.
Fourth year high school pa lang siya at nag-aaral sa isang pribadong paaralan --- ang St. Peter high school. Hindi naman siya matalino pero sikat siya sa kanilang eskwelahan, dahil nabansagan siyang "Mr. Heartbreaker" of their generation.Hindi naman talaga siya heartbrekar tulad ng bansag sa kanya, nagkataon lang na hindi niya kayang tanggihan ang mga babaeng nagpapasaring ng interes sa kanya. Sa una pa lang alam ng mga nakakarelasyon niya na hindi niya maibibgay ang pagmamahal na hinahangad ng mga ito, pero sa huli na-i-inlove ang mga ito sa kanya at nagdedemand ng pagmamahal niya, kaya nakikipagkalas siya at mayroon namang bagong darating na hindi niya matanggihan. Parang ganoon lang ang cycle ng lovelife niya hanggang sa mabore at makilala niya ang isang napakachallenging na babae ---- si Cosmelic, isa itong third year student na nasa section 1, matalino, maganda at mukhang mabait. Napansin niya agad ito ng ini-snub siya nito ng unang pagpakilala niya, na challenge siya noong una, dahil ito pa lang ang kauna-unahang babae na tinanggahin siya. Nagkaroon ng thrill ang boring niyang buhay. Pero ang inaakala niyang isang napakasayang challenge ay nauwi sa seryosong bagay na hindi niya kayang baliwalain dahil pati puso na niya ay nadali na sa "challenge" na nilaro niya, na in love siya kay Cosmelic . Kaya niligawan niya ito.
"ano ba? masama bang magmahal ha? at saka bakit ganyan kayo makareact? hindi ba kapani-paniwala na pwede akong ma-inlove? hoy! mga dude! tao rin naman ako!" singhal niya sa mga kaibigan.
"pero,seryoso pare, tao ka nga ba?"tanong sa kanya ni Jason saka humalakhak, ganoon din ang ginawa nina Rex at Paolo.
"mga sira-ulo! pag-uuntugin ko kaya kayo diyan! palibhasa di pa kayo tinamaan ni kupido!" sambit niya sa mga kaibigang nakangisi pa rin.
"oo na pare ikaw na 'tong si MR. HEARTBREAKER turned into DONT-MESS-UP-WITH-ME-IM-IN-LOVE." kantiyaw sa kanya ni Rex na humagalpak sa katatawa.
"oo na, in love na ako! at kahit iharap niyo pa ako sa kahit saang korte ngayon, susuko ako, coz im guilty, guilty in love..." sambit niya na sa dibdib pa ang kanang kamay.
"ang corny mo!" tumatawang sambit ni Paolo.
"ahem,ahem, and this court is charging you to become forever corny and to treat us our lunch for today, that's an order!" saad ni Jason na nagboses pang-abogado pa. Tinawanan na lang niya ang kabadayun nito.

BINABASA MO ANG
Grow old with you(the man who wants to grow old with me..♥)
Teen Fictioni wish the true characters in real life.. have the same happy ending.. but sadly.. i think they cant make it.. so, i wrote this just to fulfill the dream of my heroine.. to be with her hero..