"blooming tayo ngayon ah.. bakit? naganap na ba ang true love kiss natin ha?" tuksong tanong ni Xylee sa kanya.
namula siya sa pagka-dirty minded nito.
"hindi noh! nagdinner lang kami." kontra niya sa sinabi nito.
Matapos ni lang kumain kagabi ni Minho ay nagkwentuhan pa sila, mga 10 na sila nakauwi, hinatid siya nito sa kanilang bahay..
Nagkatinginan sina Xylee at Ziequin.. may pilyong ngiti na sumilay sa mga labi ng dalawa.
" ano ang ginawa niyo kagabi?" tanong ni Ziequin.
"talagang nag dinne---"
"saan kayo pumunta?"
"sa gard---"
"anong oras kayong umuwi?"
"mga quarter to----"
"tsk..tsk..tsk.. kita mo na wala kang nasagot kahit isa sa tanong ko, kaya ibig sabihin mayroon kang tinatago sa amin.." sumbat sa kanya ni Ziequin.
"what!? panu naman ako sasagot kung hindi pa nga ako nakatapos sa aking sasabihin eh.. pinuputol niyo na..!" naiinis na sambit niya rito.
"ganun talaga.. mabilisang tanong, mabilisang sagot.. kung hindi ka agad makasagot, ibig sabihin pinag-iisipan mo pa ang sasabihin mo, at ang ibig din nung sabihin eh nagsisinungaling ka." sambit naman ni Xylee.
Gusto na niyang sabunutan ang dalawang kaibigan, naiinis na talaga siya.
bakit ba ako nagkaroon ng mga ganitong kaibigan?
"bakit ba ako nagkaroon ng mga kaibigang weirdo? dapat talaga sa inyo sa mental eh.." hindi niya napigilang sambitin ang nasa isip niya.
"ganun talaga.. ilang ulit na nga akong pinlano na dalhin ng pamilya ko sa mental, kaso overqualified daw ako.. masyado daw kasi akong maganda.." sambit naman ni Ziequin na tinapik tapik pa sentido na waring binabalikan ang panyayaring nasa isip.
Umikot ang kanyang mga mata sa sinabi nito.
"ako nga rin eh.. sabi nila may hangin daw ako sa ulo.. wala naman diba? ha? diba?" sambit naman ni Xylee.
hindi na talaga niya kaya.. iniwan niya si Ziequin na patuloy pa rin sa pagtapik ng sentido at si Xylee na patuloy pa rin sa pagtatanong ng DIBA?
hindi ko kilala ang dalawang yan!
gusto niyang isigaw sa mga estudyanteng nakatingin sa kanila.
naglalakad siya nang hindi niya napigilang lingunin ang mga kaibigan, nasa ibang galaxy pa rin ang mga utak ng mga ito. napabuntong-hininga siya nang may bigla siyang nakabangga.
"ay sorry miss.. di ko sinasadya.." hinging paumanhin niya habang pinupulot ang mga libro niyang naglaglagan.
" ano ba? tatanga tanga ka kasi di ka---" tumigil ito sa pagsasalita at mariing tumitig sa mukha niya.
"ikaw ba si Cosmelic?" nakataas ang isang kilay na sabi nito.
nakapamaywang na hinarap siya nito, tinitigan niyang mabuti ang mukha ng kaharap.. ay.. no face.. di maganda.. anang isip niya na agad din naman niyang sinang-ayunan.
"ikaw pala yong pinalit ni Minho sa akin.. di ka naman kagandahan.. you dont have even a boobs.. and--and-- a basta! di ka pasado sa qualifications para maging girlfriend niya.
muntik na siyang matawa sa you dont have even? ano yon? english ba yon? at halata kanina na hindi ito marunong mag english-- in short wala itong utak!
"excuse me, but i dont have enough time to argue with you, so if you dont mind, i have to go.." nagmamadaling tinalikuran niya ito.Halatang hindi pa rin ma-absorb ng utak nito ang simpleng english na ginamit niya.
humihingal na umagapay sa kanya sina Xylee at Ziequin.
" hey, i know her, she's Minho's ex, parang aso yan na hahabol habol sa boyfirend mo.." sambit ni Ziequin.
"parang hindi naman yon aso.. mukhang pusa Meow!" natatawang sambit ni Xylee.
Napailing na lang siya sa mga kalokohan nito.
========================================================================================
abangan ang susunod na kabanata..
ano kaya ang mangyayari sa buhay nina Minho at Cosmelic sa pagdating ng isang ligaw na pusa--- ay este.. sa pagdating ng isang babaeng nagngangalang---RYZA.. =D
BINABASA MO ANG
Grow old with you(the man who wants to grow old with me..♥)
Teen Fictioni wish the true characters in real life.. have the same happy ending.. but sadly.. i think they cant make it.. so, i wrote this just to fulfill the dream of my heroine.. to be with her hero..