Napapikit si Cosmelic dahil sa lamig ng simoy ng hangin, wala sa sariling napaupo siya sa ilalim ng puno ng narra.
Hay naman siguradong aabutin na naman siya ng sampu-sampu sa paghihintay kina Xylee at Ziequin.
Saturday nang araw na iyon, walang pasok pero bumalik sila para tapusin ang isang group project.
Tiningnan niya ang kanyang relong pambisig, 7:30, siguradong isang oras pa bago makarating ang mga kaibigan niya..
“ anu kaya ang magandang gawin habang hinihintay sila?” tanong niya sa sarili.
Binuksan niya ang bag niya, magbabasa na lang siguro siya ng pocketbook na nadala niya ngayon, baka di niyo pa alam adik silang tatlo sa pagbabasa ng pocketbook, noon si Ziequin lang mahilig magbasa, pero dahil nga sa virus na dala nitong si Ziequin ay naging adik na rin sila ni Xylee. Pero wala pang limang minuto binalik na niya ang pocketbook sa kanyang bag, wala siya sa mood magbasa.
Pinagmasdan na lang niya ang kapaligiran, namangha siya sa pagsikat ng araw at ang mala gintong sinag nito ay nagbabadyang punuin ang kanilang school field.
Muling umihip ang malamig na simoy ng hangin, ipinikit niya ang kanyang mga mata, malapit na ngang magpasko, damang dama na niya ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang mukha.
Nanatili pa ring nakapikit ang kanyang mga mata ng may marinig siyang kumakanta..
“I wanna make you smile whenever your said..
Carry around when your arthritis is bad..
All I wanna do is grow old with you..”
Napangiti siya ng malaman kung sino ang kumakanta..
Sinabayan niya ito..
“ I miss you kiss you give you my coat when you are cold,
Need you, feed you, even let you hold the remote control,
So let me do the dishes in our kitchen sink..
Put you to bed when you have too much to drink..”
Idinilat niya ang kanyang mga mata at nasilayan niya ang gwapong mukha ni Minho..
“ I could be the man who grows old with you..”
“ I wanna grow old with you..” sabay abot nito sa kanya ng tatlong rosas na galling sa likod nito..
“ I love you Cosmelic, I want to grow old with you..”
“ ay nakzz naman! Nambola pa! ang aga-aga” sambit niya na pinilit tinatago ang kilig, pakipot pa ang lola! T____T
Kinuha niya ng inabot nitong mga rosas.
“ salamat dito!” inamoy niya ang mga bulaklak.
“ bakit ka pala nandito Minho?” tanong niya.
“ wala.. siyempre para makita ka..”
“ha? Gumising ka ng ganito ka aga, para lang Makita ako?” kunot noong tanong niya.
Minsan naisip niya, baka naman ginayuma niya si Minho?
, dahil hindi na talaga niya maintindihan kung bakit ganito ito ka sweet sa kanya.
“ oo naman, para sa iyo hindi ako magdadalawang isip na gumising ng maaga” nakangiting tugon nito.
She just smiled back.. and then the next moment she knew, they were just staring with each other, parang kuntento na lang silang magtitigan na lang.
Binasag nito ang katahimikan.
“ ahm.. Cos? Yung sinabi ko kanina? Wala ka bang reply man lang doon?” tanong nito.
“ alin doon sa mga sinabi mo? Yung hindi ka magdadalawang isip na gumising ng maaga para sa akin?”
“ hindi backward pa..”
“alin doon? Di ko na maalala..”
“ yung.. anu.. yung ano.. yung..” sambit nito sabay kamot ng ulo, wari mo’y nahihiya.. ang cute nitong tingnan, parang bata na nahuli na kumuha ng kendi..
“ yung alin nga? Sige pag di mo pa sinabi babatukan na talaga kita!”
“ sige uulitin ko.. ahem, ahem,
Cos?? I want to grow old with you..” nahihiyang ngumiti ito sa kanya.
Napangiti rin siya..
“ naku yun lang pala..” sambit niya..
“eh.. anu wala ka bang sasabihin? Cos naman! hiyang hiya na nga ako dito tapos lang yan wla kang
Sasa---“
Naputol ang kung ano pa mang sentimyento nito ng halikan niya ito sa pisngi saka binulungan ng..
“ Minho.. I want to grow old with you too..” <3
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
sorrii po late update.. hihi
PEACE..
BINABASA MO ANG
Grow old with you(the man who wants to grow old with me..♥)
Teen Fictioni wish the true characters in real life.. have the same happy ending.. but sadly.. i think they cant make it.. so, i wrote this just to fulfill the dream of my heroine.. to be with her hero..