It's been 3 years since the last time I visited this grave.
Still it look so elegant. Halatang mayaman talaga ang mga may-ari ng puntod na ito. Ganun parin ito tulad ng dati. Well furnish parin at alagang alaga ito. Maintained ang kalinisin at palaging mabango. May mga nadagdag nga lang gaya ng may gate na ito ngayon at mukha na itong munting bahay ngayon.
Punong puno ito ng mga bulaklak, most of it was a purple daisy. Dahil paborito ito ng dalawang nakalibing dito. Katatapos pa lang ng all souls day kaya hanggang ngayon puno pa rin ito ng mga bulaklak at kandila.
Binasa ko ang mga letrang nakaukit sa lapida.
"SHANIA NICOLE GUETEMALA
and
JAMILLA FORD
DIED ON AUGUST 18,2009"
Hindi ko parin maiwasang maluha sa sinapit ng dalawang ito. Pinagmamasdan ko ang mga litrato nilang nakapatong sa kanilang puntod. Mababakas mo ang saya sa kanilang mga mukha noong mga araw na tinake nila ang mga pictures na ito. Saya na silang dalawa lamang ang nakakagawa.
Habang tinitingnan ko ang mga litratong nila, bigla ko namang naalala kung bakit sila nasa ganitong sitwasyon ngayon.
------------------------------------------
SHANIA NICOLE GUETEMALA was a varsity of table tennis sa university na pareho naming pinapasukan. Isa saya sa mga magaling na table tennis player na nakilala ko. Sabi ko nga sakanya magpapaturo ako e, kaso ang loka loka ayaw akong turuan. Bayad daw muna. Neknek nya nuh. Gagawin nya pa akong raket nya.
Galing si Shan sa isang conservative and prominent family. Her mom and dad was politician. Her brother was an engineer and her sister was a flight attendant. Both of her siblings graduated with flying colors.
At sya? Although matalino sya at nagtapos bilang Valedictorian sa pinapasukan nya noong highschool She was considered as the rebel child of her parents. Ang tingin sakanya ng mga magulang nya ay isang batang patapon ang buhay. Walang patutunguhan at walang mapapala ang magulang nya sakanya. Since highschool kasi nagpakatotoo na sya sa family nya. She was a lesbian and she loves only girls. Never pa sya na attached sa kahit sinong lalaki. Marami syang past girlfriends. She truly loves her girl. Never pa syang nagloko. Pero kahit gaano ata kabuti si shan, isa parin syang disgrace sa family nya.
Well I can't blame his family either. Kasi they are a well known family and they are very conservative.
Ewan ko ba kung bakit nagkaganyan si shan. Disiplinado naman sya ng mga magulang nya. Siguro may lumalabas lang talagang black sheep sa family. Pero Shan was a good daughter, ang mali lang sakanya, she was a lesbian.
At laking tuwa ni shan ng makapasa sya sa university na pareho naming pinapasukan, as a masscom student. Dito sa manila malaya raw sya. Oo tama sya, dito nga naman malaya sya. Kasi dito nagagwa nya lahat ng gusto nya, ng walang masakit na nakukuha sa family nya.
Pero simula ng mapadpad sya dito sa manila, di na sya pinakialaman ng parents nya. Pinadadalhan lang sya ng pangmatrikula, ng allowance at ng panggastos sa iba pa niyang pangangailangan pero ni "ANAK KUMUSTA?" wala man lang.
Pinag gigiitan kasi ng mga magulang nya magbago sya.
Magbago lang sya tatanggapin sya ng family nya pero ang sagot lang ni shan ay "Why should I? This is the real me. Pag binago ko ba ito magiging masaya ako? Hindi naman diba? So if they really love me, then accept me for who I am." Yan lage ang stand ni shan sa buhay.
BINABASA MO ANG
In Another Lifetime
Short StoryLOVE COUD BE FOUND TO A PERSON YOU NEVER THOUGHT YOU WOULD. ANO NGA BANG MALI? MAGMAHAL NG MAGKAPAREHO KAYO? O PIGILAN ANG NARARAMDAMAN NYO KAHIT ALAM NYONG SA HULI SA BAWAT ISA LAMANG KAYO SASAYA? THIS STORY HOPEFULLY TOUCHES YOUR HEART. THIS...