thirty-one

63 0 0
                                        

Monique's POV
Tinawagan ko si Itzel.

Dialing Kring.....

"Kring?" tanong naman niya.

"Kring 9:00 A.M. bukas punta ka dito sa bahay, magsisimba tayo," saad ko.

"Ah sige ba," sagot naman niya.

Napangiti nalang ako.

Kinaumagahan.....

Alas-syete ng umaga akong nagising at nagluto muna ng umagahan namin.

"Saan ka pupunta anak?" tanong ni Tatay.

"Pupunta po dito si Itzel, magsisimba kami," saad ko.

"Ah gano'n ba, sige mag-iingat kayo," sagot ni tatay.

"Opo tay, kumain na po kayo," ani ko.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako, saka nag-ayos ng sarili.

Dahil maaga pa naman at may oras pa, naglinis muna ako dito sa bahay, nagwalis ako sa sala saka kung ano-ano pa.

Tamang alas-nuebe, nang dumating si Itzel.

"Good Morning po tita, tito," bati niya.

"Good Morning din hija."

"Kring," tawag ko sa kanya.

"Oh, aalis na ba tayo?" tanong niya sakin.

"Oo naman, sige na maglakad na tayo sa labas," ani ko, saka kumuha ng payong.

"Nay, Tay alis na po kami," paalam ko saka nagbeso, gano'n din ang ginawa ni Itzel kina Tatay.

"Mag-iingat ha," sabi ni Nanay Sab.

"Opo," parehong wika namin, lumabas na kami ng bahay at sukob ng payong sa ilalim ng sikat ng araw, nagtext ako kay Sean.

"Sino ba 'yan Kring?" nakakunot ang noo niya dahil hindi niya masyadong makita.

To: Baby
Palabas na kami sa subdivision, dito nalang kamimaghihintay, kasama ko na si Itzel.

Sending......

Sent......

Maya-maya lang

Calling.....Baby

"Time to let the, time to let the,
time to let the beat drop
Baby Imma let you know, don't always gotta be fast
Maybe we can take it slow
Don't always gotta rush, gotta build that trust
We're two birds just singin' that song-" kaagad ko itong sinagot.

"Wow kaninong boses 'yon?" tanong ni Itzel pero sumenyas ako na tumahimik siya kaya tumahimik siya kaagad.

"Hello?" tanong ko.

"Nandito na kami sa labas," sabi niya.

"Ha? kailan pa?" tanong ko.

"Sino 'yan?" tanong ni Itzel.

"Si Sean," saad ko kay Itzel, nang lumabas na kami nandito nga ang kotse nakapark.

"Seryoso?" tanong ko pa sa sarili.

"So kasama natin si Sean?" tanong ni Itzel.

Mobster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon