Chapter 1:
Maxine's PoV
"Ma'am Maxine!!Gising na po!",umunat unat muna ako saka nagsimulang mag-ehersisyo.Ang aga naman akong ginising ni manang Rosie!Hays sa bagay ayoko rin naman maging late sa school.Ilang beses na kaya akong napagalitan dahil do'n.
Maya maya ay naligo na ako saka bumaba para mag almusal.
"Goodmorning Mom,Dad!",bati ko kina mom and dad.Si mom naghihilera ng mga ulam sa table.Si dad naman ay nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng diaryo.
"Goodmorning din Maxie!",sabay na bati nina mom and dad sabay ngiti sa'kin.Wow parang prinactice ah.
Nakita kong nagrereview si ate Hale habang kumakain kaya binati ko siya..
"Goodmorning ate Hale!",masayang bati ko sa kanya.Ngunit tiningnan niya lang ako habang nakataas ang kaliwang kilay.
"Hayaan mo na ang ate mo, mukhang 'di maganda ang gising niya.",bulong ni mom sakin.
Sabagay tama si mom, hayaan ko na muna si ate at baka mamaya uminit pa ulo niya sakin eh.
"Hmm Maxie?",tawag ni mom.
"Bakit po?",tanong ko.
"'Wag ka sanang magalit ah pero bakit hindi ka nag aayos tuwing papasok sa school?"tanong ni mom.Sa totoo lang ayoko ng maraming kaibigan, tama na sa akin ang isa o dalawa dahil sawa na'ko sa mga nangyari sa'ken non.At isa pa ayoko naman na malaman nilang parents ko ang may ari ng 'Everdeen University' dahil siyempre gusto ko mag aral ng normal na paraan, tama na sigurong walang alam ang mga estudyante na mga magulang ko pala ang nagmamay ari ng school.
Ayokong may makaalam na ang parents ko ang may-ari ng school dahil baka isipin ng mga estudyante ay pinapaburan lang ako nila mom kaya nasa highest honor ako.
"Ah mom gusto ko lang po ang ganitong ayos tuwing papasok ng school",sabi ko kay mom.
"If that's what you like Maxie.",sabi ni dad habang nakangiti sa akin kaya ngumiti ako pabalik.Lumingon naman si ate Hale sa akin saka tumikhim.
"Nakakahiya.",mataray na sabi niya at saka umalis na, pero di ko iyon pinansin.Oo maayos ako dito sa bahay pero pagdating sa school iba ang ayos ko.Ayos na parang di nag ayos.*-*
Magkaiba kami ng school ni ate Hale dahil ayaw niyang may makaalam na kapatid ko siya, ewan ko ba diyan kinahihiya ata ako.
At isa pa college na si ate at ako naman ay nasa high school palang.Maraming kaibigan si ate Hale, di tulad ko na kaunti lang.Ayoko talaga ng maraming kaibigan.Alam niyo ba kung bakit??
Flashback:
Namasyal kaming magkakaibigan sa isang restaurant dahil iyon ang aming napag usapan.
Kanya kanya kaming omorder ng aming pagkain habang tumitingin sa Menu.Pagkatapos kong tumingin ay binigay ko na iyon kay Claire na busy sa kakatype sa cellphone.
Habang kumakain ay nagtatawanan kami dahil sa kwento ni Abi tungkol sa kapatid niya.Ang totoo di naman nakakatawa yung kwento niya kaya nakikitawa nalang ako, baka masabihan pakong KJ diba?
Nang malapit na kami matapos kumain ay naglabas na kami ng pera para magbayad ng inorder namin kanina.Sa akin nila inabot ang bayad para iisa nalang ang mag aabot sa counter.
Lahat ay nakapagbigay na maliban kay Claire na kanina pa kalkal ng kalkal ng kung ano sa bag niya.
"Ahh Claire?Bayad mo nga pala?",mahinahong tanong ko.Pero di siya sumagot.Nung tingnan niya ako ay parang nagmamakaawa ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
That Girl Is The Campus Queen
Ficção GeralWalang may alam sa totoo niyang pagkatao kaya siya ay nakakaranas ng pambubully at kawalang hiyaan ng mga estudyante.Pero nagbago ang lahat ng iyon nung malaman nila ang sikretong nakatago sa pagkatao ni Maxine Hillary Everdeen.