Simula
Remedios!!! nagising sa malalim na pag-iisip si remedios ng marinig ang napakalakas na boses ng kaibigan o sabihin nating lihim na iniibig. Ayan na heart papalapit na si Oppa tigil ka muna sa mabilis na pagtibok pagkausap niya sa puso na parang nakikipagkarera sa bilis ng pagtibok at pasimpleng hinawakan ang dibdib malapit sa puso.
"Tope" pagsagot sa tawag ng kaibigan mula ng makabawi sa pagkagulat. Anong ginagawa mo dito? Akala ko mamaya pa tayo magkikita? ayan na naman ang mga paro-paro sa aking tiyan nagrarambulan psssttt kalma lang. kastigo niya na naman sa sarili. sa tuwing malapit kasi sa kaniya ang kaibigang si "tope" o si Christopeher Joseph Alonte Del Valle hindi na siya mapakali may lihim kasi siyang pagtingin dito.
Ayaw mo ba akong makita? kunway nagtatampong sabi nito na sinabayan pa ng pag-usli ng mga mapupulang labi. Hindi naman saka huwag ka ngang mag pa cute halikan kita diyan. mahina noya lang sinabi ang tatlong salita na tipong siya lang ang makaririnig. Anong sabi mo? tila nais malamn ng kaibigan ang huli niyang mga sinabi. nunkang sasabihin niya baka mabuko pa siya. Wala sabi ko di bagay sayo!. kunway naiiinis niya na lang na sagot pero sa loob-loob ay gusto ng magtitili dahil sa sobrang gwapo ng binata sa kaniyang harapan kahit sa simpleng suot na pink na T-shirt at black pants sobrang gwapo nito sa paningin sino ang nagsabing pangit sa lalaki ang pink at nakakabakla hindi siya sasang-ayon dahil kahit ano atang suutin nito ay bumabagay mahihiya ang kahit na sinong tumabi rito. Hoy! isang pitik mula mga daliri nito ang nagpabalik sa kaniyang wisyo. Ikaw ha lagi mo na lang akong pinagnanasaan. pabirong sabi ni tope. Aba at ang kapal ng mukha mo mister! tinitingnan ko lang kung bagay ba sayo ang pink para kang bakla anong naisip mo at yan ang kulay na isinuot mo? Kahit ayaw sabihan ng hindi maganda ang kaibigan kaniya itong ginawa upang pagtakpan ang pagkapahiyang nararamdaman dahil huling-huli sa akto ang pagtingin niya dito na parang kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha at bawat sulok ng katawan nito. Maghunos dili ka self wag papahuli naku.
Ang haba naman ng sinabi mo binibiro ka lang asar talo hahaha. sanay na siya sa ugali ng kaibigan dahil magmula ng magtransfer siya sa paaralan tatlong taon na ang nakakaraan ganito na ito. Halika na kaen na tayo. hindi na nito hinintay ang sagot niya basta na lang siyang hinila at dinala sa parking lot kung saan nakaparada ang sarili nitong sasakyan. Gutom na gutom lang? sarkastikong sabi sa kaibigan matapos siyang ipagbukas ng pinto ng sasakyan. Ngiti lang ang isinagot nito sabay gulo sa kaniyang buhok. Ano ba bahagya na akong makapagsuklay. naiinis na sabi niya sa sobrang dami ng ginagawa sa school kaunting oras na lang ang nailalaan sa sarili scholarship kasi ang dahilan kung bakit siya nakapag-aral sa mamahaling paaralan at wala siyang balak sayangin ang bawat oras lalo pa at gagraduate na siya. Don't worry maganda ka parin. hindi niya namalayang nakaupo na ito sa driver sit dahil sa paglalakbay ng kaniyang isip. hindi mawari kung namalikmata siya dahil nakita niyang may paghanga sa mga mata nito ng sabihin ang bawat salita. Sus! bolero. Idinaan niya sa biro ang nakitang pagiging seryoso nito at pagkuway sinaway ang sarili dahil umaasa na namn siya nagbabakasakaling baka may lugar na siya sa puso nito at hindi isang kaibigan lang pero ng maalala ang taong inaantay nito parang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa katotohanang may mahal ito at mas minamahal pa "Sino yan? Kapatid mo? ang ganda hindi kayo magkamukha ang layo mo sobrang pangit mo. pang-aalaska niya sa kaibigan. minsang naitanong niya kay tope ng makita ang isang picture ng magandang bata. "Hindi. ang taong yan ang mahal at mas minamahal ko pa". nakita niya kung gaano kasiya ang mga mata ni tope ng sabihin na ito ay ang taong minamahal parang may namuong sakit sa kaniyang puso ng sabihin nito iyon sa kaniya pero hindi niya malaman kung sa anong dahilan. Ah. ang isang salita at maikling naisagot niya. Tara gawa na tayo ng project. sabi ni tope. kasalukuyan siyang nasa bahay ng mga ito at hindi lang basta na sa bahay nasa mismong kwarto siya ni tope dahil wala siyang computer at wala siyang pera para ipang tustos sa mga kagamitan dahil aminin man o hindi sadyang kapos sila sa pera mahirap sila kung maituturing dahil salat sila sa maraming bagay pero busog sa pagmamahal kaya ginagawa niya ang lahat upang makapagtapos at maibigay ang maayos na buhay para sa pamilya. kilala naman na siya ng pamilya nito lalo na ng mommy nito na sobra siyang kinagigiliwan dahil sa likas na kadaldalan kung ituring siya ay parang isang anak dahil puros apat na barako ang anak nito minsan iniisip niyang gusto siya nito para kay tope dahil parang gumagawa ito ng move para magka nobya ang anak dahil ayon dito nag-aalala siyang bakla ang anak hindi naman daw sa against siya sa ibang gender sadyang sayang ang lahi nito kung mauuwe sa ganun pero knowing caleb hindi ito bakla lalo pa't nalaman niya dito na may inaantay itong makabalik mula sa nakaraan. Hindi na niya napigilang matawa ng maalala kung paanong kuntyabahin siya ng mommy nito para daw malaman kung nakikipagkita ito sa kapwa lalaki. Sa isiping yun hindi niya napigilang literal na matawa. On earth remedios nagdadaydream ka naman malala na yan samahan na kita sa psychiatrist? nang-aasar na sabi ni tope pero para na nga siyang masisiraan dahil nasa paborito na silang fast food nakaupo na at lahat pero naglalakbay pala sa malayo ang diwa niya at ng igala niya ang paningin sadyang nakaagaw nga siya ng atensyon. Nahampas niya ng di oras ang kamay ng binata na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Bakit di mo manlang ako ginising. naiinis niyang turan pero mas ikinainis niya ang pagtawa lang nito. Kumaen na nga tayo ng makaalis na ako nakakahiya tope. ng sulyapan niya ang paligid simpleng ngiti at parang nauwe sa ngiwi ang isinukli sa mga pares ng mga mata na nakatingin sa kanila. sa huliy tango lang ang naging tugon nito na tila pinipigil ang naiipong tawa. Mautot ka sana. at dahil sa sinabi niya natuloy nito ang pinipigilang pagtawa na umani ng mas maraming atensyon. Pasalamat ka pogi ka sabi na lang niya sa isipan.
@Patch2304🙈💕

BINABASA MO ANG
One Sided Love ???
Historia CortaMinahal ko ang taong dapat kaibigan lang. Kahit anong paalala ko sa sarili na hindi dapat ako mahulog sa kaniya hindi ko mapigilan paano ba ako aahon sa aking nararamdaman. kung sa bawat kailangn ko ng masasandalan parati siyang nariyan. Alam ko nam...