Chapter 37: Illusion

3.1K 143 11
                                    

"Ayos ka lang ba?"

Tumango ako at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa malapit na naming harapin ang pinto papalabas ng building.

Kumunot ang noo ko nang makalabas sa pinto. Tumambad sa akin ang isang playground.


"Nasaan tayo?"

Bumaling ako sa kasama ko at napagtanto na nag iisa lang pala ako. Nasaan ba ako? Kanina lang tumatakbo kami papalabas..

"Lei, ayaw mo naba maglaro?"

Napasinghap ako nang makita ko ang batang Cheska na kasalukuyang naghihintay ng sagot ko. Kumunot ang noo niya.

"Nasaan tayo?"

She laughed. "Nasa playground nila Jack! Hindi mo ba naaalala?"

Umiling ako.


Umarko ang kilay niya at bigla nalang humalakhak na parang may ginawa akong nakakatawa.

"You're so funny, lei. Tara pasok na tayo sa loob!"

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa isang pintuan ng mansion. Sumalubong sa amin ang isang malawak na sala at maraming katulong ang nagkalat sa paligid.

"Ma'am Cheska at Elysse. Ano pong maitutulong namin sainyo?" sabi nung isang babae.

"Pagluto mo nalang kami manang tsaka paki-tawag sila Dylan sa labas. Akyat lang kami sa kwarto ni Jack." dire-diretso niyang sabi.

Kumunot ang noo ko

Wala ito sa ala-ala na meron ako. Lahat ng ito ay bago lamang! Hindi nangyari ang ganitong eksena at lalong hindi ko kasama si Cheska nung umalis kami ni Mom papuntang Sandovas! Bakit nandito pa din ako?

Hinatak na niya ako para makapasok sa kwarto ni Jackson. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na akala mo'y tatakas ako dito.

Pinaupo niya ako sa higaan. Tumalikod siya para isara ang pintuan at narinig ko ang pag-lock nito.

Ngumiti siya at tumabi sa aking pwesto. Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinisil ito.

"Tell me about your powers!" excited na sabi niya at hindi mawala ang malaking ngiti nito.

"Ha?"

She laughed. "Come on! Tell me, leilei!"


"Shit. Wag Elysse! Huwag mong sundin!"


Napatalon ako nang marinig ko ang isang sigaw. Bahagya pa akong napahawak sa dibdib at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. shit.

Kumunot naman ang noo ni Cheska.


"Why? are you okay?" she asked.


Tumango ako at hindi sinabi ang napansin ko sa paligid.

Ngumiti naman siya at hinatak ulit ang kamay ko. Bumaba kami at dumiretso sa kitchen para kumain. Kasalukuyang hinahanda ang mga pagkain na inutos ni Cheska. Nagtaka pa ako dahil apat ang plato ang nakahanda.

Umupo ako gaya ng sinabi ni Cheska. Hindi mabura ang ngiti nito sa labi habang pinagsasandok ako ng kanin.

"Hmm, mukhang masarap ang luto ni Manang ah!" he chuckled.


Monarch Academy: School of Elemental Powers (MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon