A/N: Hi po! Thank you for supporting this story. Sobrang naappreciate ko po, mas lalo akong ginaganahan na ipagpatuloy ito. First time ko lang din po gumawa ng Fantasy story kaya sana naiintindihan niyo po. I'll do my best to give the best ending of this story. Hope you'll support this one till the end! ily'all
---
Cher Holly's POV
Ngayon ay abala kami sa pagbabantay ng mga estudyante dito sa MA. Mas pinili naming manatili dito para mas
siguradong ligtas ang aming mga estudyante.Pagkatapos nang usapan na naganap sa Pioneer Academy ay nakapagplano agad kami. Una, hindi sumang ayon ang magulang ni Elysse dahil baka mapahamak ang kanilang anak but i know Elysse, hinding hindi niya papabayaan ang mga nasa paligid niya at nakikita ko ang pagiging determinado nito sa buhay.
Planado ang kanilang pag-alis dito sa MA. Sinadya namin na ihiwalay silang pito sa apat na bayan. Alam kong makakakuha sila ng sagot sa mga katanungan nila. Inaasahan namin sa kanilang pagbalik, alam na nila ang kanilang tunay na kalaban at kung sino ang susi para sa lahat.
Kasalukuyan ako papunta sa aking dorm para makapagpalit ng damit. Ngayong araw babalik ang aming mga estudyante at kami ang sasalubong sa kanila. Sana alam na nila ang sagot.
Kumunot ang noo ko nang makitang may puting papel sa ilalim ng aking pintuan. Mukhang may nakaiwan o sinadyang iniwan ito dito.
Pinulot ko ito at dahan dahan binuksan. Nanlamig ang katawan ko dahil sa nakasulat sa papel.
'Lei, lei, go away
come again another day
Little Elysse wants to play
Lei, lei go away'
-Mirror, mirror on the wall, who's the dumbest of them all?
Muntik ko nang mabitawan ang papel nang mabasa ko ang buo nito. Hindi maaari.
Nagmadali akong magbihis at agad na ipaalam sa kasamahan ko ang papel na nakita ko. Agad na inagaw sa akin ni Raven nang ipakita ko ang papel.
Pinagmasdan niyang mabuti ang laman ng papel. Bahagyang sumilip pa si Henry para makita yon.
"Leilei?" kunot noong tanong ni Henry.
"Paano nila nalaman yon?" dagdag pa nito.
Oo, tama kayo. Alam namin ang totoong pagkatao ni Elysse. Itinago ito ng kaniyang magulang sa lahat para mailayo sa kapahamakan ngunit mismo'y tadhana ang naglalapit sa dalawa.
Tumango si Raven na mukhang sumang ayon sa sinabi nito. Sa pagkakaalam ko, iilan lang kami ang nakakaalam ng totoo. Hindi kaya?
"Elysse wants to play?" tanong ni Jade habang hawak na ang papel
Sinundan ko ng tingin si Raven na kunot noong pumunta sa kaniyang mesa at umupo. Mukhang malalim din ang kaniyang iniisip.
"Mukhang may lead sila kung sino si Leilei at si Elysse." ani Raven
Tumango si Henry at lumapit dito. "Pero sa tingin ko, hindi pa sapat ang nalalaman nila." aniya
Kumunot ang noo ko. "Hindi sapat? Alam na nila kung anong meron kay Elysse at Leilei!"
Lumapit sa akin si Jade at hinawakan ako sa kamay. "May kutob akong tama si Henry. Pinaglalaruan nila tayo gamit ang kanilang mga salita. Wala pa sila gitna ng kanilang nalalaman." aniya
Tumango sa gilid si Raven. "Sila ang tanga. Wala pa sila sa kalagitnaan ng kwento, lumalaban na sila ng patagilid." aniya
Isa lang ang ibig sabihin nito.
Nagsisimula na ang lahat.
---
Ilang oras pa lamang ay dumating na ang sasakyan na gamit nila Sky at Charli. Medyo nanibago kami sa kanilang itsura dahil mukhang marami itong ginawa sa bayan na hawak nila.
Sumunod ang sasakyan ni Dylan, hindi nagtagal nakasunod na din ang sasakyan nila Cheska at Ethan.
"Where's Elysse and Jackson?" kunot noong tanong ni Ethan
"Parating na din yon." tamad na sagot ni Cheska.
Pinagmasdan ko lamang ang aming mga estudyante. Hindi ko maiwasan na matuwa dahil kahit papaano, walang nangyaring masama sa kanila. They are doing their best para sa mission na ibinigay namin. Sana marami silang natutunan.
Lumipas ng ilang minuto ay naanigan na din namin ang kanilang sasakyan. Nakakapagtaka dahil sila ang mas malapit na bayan gayunman sila pa ang nahuli.
Sumalubong sa amin si Jackson na nakanguso habang pinagbubuksan niya ng pinto ang kaniyang kasama. Kapwa nagulat ang aking mga estudyante sa nakita nila.
"Nagpagupit ka?" tanong ni Charli at lumapit na sa dalawa.
Pinasadahan ko ng tingin ang itsura ni Elysse. Nagpagupit ito ng buhok hanggang balikat at hindi maitatanggi na anak nga siya ni Frias. Mas lumitaw ang kagandahan nito.
"Mabuti at ligtas kayong nakauwi. Let's go, pasok na tayo." ani Raven at nauna nang pumasok sa paaralan.
Nakarating kami sa office habang maingay sila sa aming likuran. Nagkukwentuhan tungkol sa kanilang ginawa at ang usapan tungkol sa paggupit ng buhok ni Elysse. Hindi na namin sila sinuway dahil ilang araw din silang hindi nagkita kita.
Nauna nang umupo sa mahabang mesa si Raven at sumunod naman agad dito si Henry at Jade. Tahimik lang din akong umupo at pinagmasdan ang grupo nilang masaya. Makikita ko paba ang kanilang mga matatamis na ngiti, pagtapos nito?
Umupo na din sila katulad namin. Tumikhim na si Jade at siya na ang unang nagsalita. "I just want to say thankyou guys for doing your best. Sana tumatak sa isip niyo ang mga itinuro namin. Maikling oras lamang ang ginulgol natin sa pag eensayo pero naniniwala akong kaya niyo yan." aniya
Ngumiti silang lahat sa kaniya. Sumunod naman si Henry ang nagsalita."Do you want to celebrate?" aniya
Tumango naman silang lahat at mukhang naexcite sa sinabi nito. "Sure, later we will celebrate it." dagdag pa niya
Sumulyap naman sa akin si Henry hudyat na ako na ang magsasalita. Tumikhim naman ako at ngumiti sa kanilang lahat.
"I'm so proud of you guys. Keep it up! wala pa tayo sa dulo at alam kong kapag dumating na ang panahon na iyon, makakahinga na tayo ng maluwag." makahulugang sinabi ko sa kanila.
Tumango naman silang lahat at hinihintay naman nila ngayon na magsalita si Raven."Fine. Proud din ako sainyo, just keep doing your best and everything will be alright." aniya
"Nahiya kapa Cher! Miss mo lang kami eh!" singit naman ni Jackson
Agad naman siyang pinandilatan ng mata ni Raven at napuno kami ng tawanan.
Hopefully, this friendship will last forever even if they will lose someone.
---
WARNING: You might encounter some grammatical error or typos. Sana po maintindihan niyo dahil hindi naman ako master sa mga ganitong story. Hope you enjoy this! First time ko lang po gumawa ng Fantasy story. Don't forget to leave a comment and vote! Thanks po.
Always remember that, Unity will keep us safe!
See you on my next one!
@missky07
BINABASA MO ANG
Monarch Academy: School of Elemental Powers (MAJOR REVISION)
Fantasía[ UNDER MAJOR REVISION 2024 ] A/N: Hi. Please be patient. This story is under major editing. Characters, places or plot might change as well. Hope you'll understand. I'll do my best. Thankyou! HIGHEST RANK: #1 ELEMENTAL POWERS #1 WRITERS #5 CHARM ©...