Introduction

20 1 0
                                    

Ashley's POV

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana ng aking kwarto na tumama sa aking mga mata.

Umupo ako sa aking kama ng mga ilang minuto at tumitig sa kawalan. Hindi ko rin alam kung anong iniisip ko sadyang nakatitig lang talaga ako at parang nagiging komportable na rin ang aking mga mata.

Nabasag ang aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang boses ni mama na tila'y may pinapagalitan. Dali-dali akong tumayo at bumaba sa aking kama at lumabas ng kwarto.

Bumaba ako sa sa hagdanan upang marating ko ang sala patungong kusina upang malaman ang kaganapan. Nang iilan nalang ang hakbang pababa nakita ko ang aking ikalawang kapatid na si Maxine. Nakasuot ito ng napaikling denim shorts at naka croptop na long sleeve at naka rubber shoes.

Nakasunod din sakanya si mama na nanenermon sa kanya. "Maxine Gonzaga ang aga-aga aalis ka naman ano bang inaatupag mo sa gantong oras gagala ka nanaman kasama ang malandi mong kaibigan hah!?" Sabi ni mama na sobrang galit.

"Ma hayaan mo na ako safe naman ako palagi ahhh, you dont have to worry." Matamlay na sagot niya.

"Hindi, tumigil ka! Puro ka gala kung inatupag mo lang sana ang thesis mo ngayon edi sana Doctor kana ngayon puro ka gala ng gala, inom ng inom, anak please magbago kana!? Sabi ni mama na nagaalala.

"Hayaan mo na siya Maria" kaming lahat ay napatingin sa aking likuran. Nakita ko si papa na pababa kasama ang bunso naming kapatid ma si Raver mukang kagaya ko rin ehh nabulabog din sila sa ingay ng boses ni mama. Pero nasanay na kami, araw-araw na yata silang ganito. Si mama na nga mismo ang nagsilbing alarm clock ko.

Seryoso ang muka ni papa.

"Ano? Francisco hahayaan mo nalang ang anak natin na magkaganito?"
Sabi ni mama na mas lalong nagalit.

Lumapit sa kanya si papa at umakbay dito. "Maria inienjoy niya lang ang pagiging bata niya kaya hayaan mo nalang. Wag nanating ipagkait sa bata ang kalayaan" sabi ni papa na mahinahon.

"Hay nako bahala kayo sa buhay nyo." Inirapan ni mama si papa at nagwalk-out papuntang kwarto.

Tumahimik ang lahat at nakatitig nalang kami kay mama na paakyat. Tanging mabibigat lamang na hakbang ang naririnig namin sa kanya at isang malakas na pagbukas at pagsira ng pintuan. Mararamdaman mo talaga ang galit ni mama dahil doon.

Binasag ni papa ang katahimikan. "Oh kumain kanaba bago ka umalis" sabi nito habang tinitingnan si Maxine. "Tapos na daddy cge I'll go ahead" sabay halik sa pisngi ni papa. Inirapan niya lang kami ni Raver. Bastos din siya ahh.

Umalis na nga ng tuluyan si Maxine. Si papa naman ay tumingin sa amin ni Raver. "Oh mauna na kayong kumain at aakyat muna ako sa taas, paaamuhin ko muna ang mommy niyo ang aga-aga high blood na hahaha" sabi ni papa na napahalakhak.

"Cge daddy una na kami halika na ate" yaya sa akin ni Raver na naka ngiti.

"Raver mauna kana, mag-uusap lang kami saglit ni papa at susunod nako" seryoso kong sabi sakanya.

Sinunod naman ako ni Raver at umalis nga siya. Bumaling muli ang atensyon ko kay papa.

"Pa! ba't mo naman pinayagan si Maxine na umalis, araw-araw na siyang umaalis dito as bay at gani na siya umuuwi. Hindi naman natin alam kung ano ang ginagawa nun baka't may ginagawa na siyang masama"
sabi ko sa kanya ng seryoso.

"Anak wag mong sabihin nagiging katulad ka nang mommy mo na strikto?" Sabi niya na pabiro.

"At tsaka ikaw na rin mismo ang nagsabi hindi natin alam ang ginagawa niya kaya wag muna lang pangunahan."

Carrying a DreamWhere stories live. Discover now