ONE

11 2 0
                                    

THE EX DEAL
AUMARY/ RIVER G. FORTALEJO

"I tell you Kaylee, he's so f***king hot. And you are so lucky to finally meet him tonight."  Tila binubulate si Frexy, her workmate, bestfriend and live-in buddy rolled in one. Kung hindi lang siya uhaw sa alak, ay baka tinamad na siyang samahan itong magbar.

For four years living in Quezon City, she had all the freedom in the world. She explored places, dated countless of men, went to bars and got drunk bottoms-up.

"Si Gino? 'Di ba, muntik mo na siyang sagutin?"

"Gaga ka talaga, Kaylee. Hindi si Gino, si Gil, 'yong older brother ni Gino. They'll both go here. I bet they're both big."

"Shhh. Baka may makarinig sa'tin. Baka isipin nila, pakawala tayo."

Imbes na tumahimik ito ay humagikhik ang bruha. Nakakatig-isang bote pa lamang sila ng beer, kung makaakto ang kanyang kaibigan, lasing na lasing na. Muli niya itong sinaway.

Mabuti naman at mukhang nakinig ito sa kanya.

Kapagkuwa'y lumapit ang waiter at inabutan sila ng isang mangkok ng mixed nuts.

Marami silang napag-usapan na halos tungkol lang naman sa boys o kaya ay work related.

"Hey, wait, Kay, I'm drooling."

"Say what?"

Maging siya ay napalingon sa direksyon na pinupunto ng mata nito.  And behold, two hotties were making women's head turn.

Lakad pa lamang ng dalawa'y nagcocommand na ng atensyon. These men were scorching, over qualified pa ang mga ito kung kukuning model. Obviously, related ang dalawa sa isa't isa dahil sa identical na facial features ng mga ito. Hawig ang mga ito kay Marco Gumabao, a more mature versions though.

Shit. No way, bulong ni Kaylee sa sarili.

"Girl ha, 'yang laway mo." In fairness kay Frexy, magaling itong bumawi ng atensyon and she's thankful.

Nakakahiyang baka mahuli siya ng dalawang hotness na nagdodrool. Baka isipin ng mga ito'y easy to get siya. Which she thought was partly true.

Lakas ng appeal ni Gil, hindi ito mapuknat sa kanyang paningin, lalo na nang tumawa ito sa sinabi ng kapatid.

"Guys, meet my bestie, Kaylee. Kaylee, I believed you've met Gino and this is Gil, his bro."

Gil kissed the hand she extended for handshake. "It is nice to finally meet you. Frexy told me a lot of things about.  Care to dance?"

Siya pa ba ang choosy? Namalayan na lamang niyang nasa gitna na sila ng dancefloor.

"Baka kung anu-anong kabulastugan ang pinagkukwento ni Frexy sa'yo, huwag mong pakaseryosohin. She's insane."

Gil laughed. "I think finding a date is normal. Papasa ba akong date?"

Aba't walang ligoy.  And she liked it.

"Kung walang magagalit, then you can date me. Pasensya ka na pala't I am reeking of beer."

"You smelled good, I can actually kiss you," Gil winked which made her heart throb.

"But, I won't. Let's date first," dugtong pa nito. "At, walang magagalit."

AND HERE THEY GO, dalawang buwan na rin silang madalas na lumabas at magdate, mabuti naman at this quarter ay dayshift sila ni Frexy. Tugma ang sched nila ng young CEO na si Gil.

He'd always find time to insert Kaylee in his corporate scheds, minsan ay dinalhan pa siya nito ng cookies sa office. Kung iisipin, ang layo ng Cainta kung saan nakabase ang Gillicious, his food plant, sa Cubao kung saan siya nagca-call center agent. Plus pogi points ito sa effort.

The Ex DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon