The Ex Deal
River G. Fortalejo / AumaryCHAPTER TWO
ANG BILIS ng panahon and she was thankful na sa wakas ay off nilang tatlo nina Skye at Frexy. This past week ay madalas na tumambay ang una sa apartment nila ni Frexy at nagpapahiwatig itong gusto nitong lumipat sa kanila. Heto nga at silang dalawa lang ni Frexy ang dapat na nasa bahay nina Gil at Gino sa Rizal pero chaperon ang drama ni Skye. Hindi ito tumigil hangga't hindi ito nakakuha ng assurance na isasama nga nila ito.
Hindi pa nga nakakapagmumog si Kaylee nang makarinig sila ng katok sa apartment. Alas sais noon ng umaga nang dumating para sunduin sila ni Gino. Ayon dito ay mas okay nang maaga silang bumiyahe kaysa maburyong sila sa traffic kahit na weekend. They waited for Skye kaya alas siete na sila nakaalis.
Isa't kalahating oras nang finally ay makarating sila sa malawak na bakuran ng pamilya Paraiso sa Brookside Subdivision.
"Nandiyan na pala ang mga anak ko," salubong ng ginang na sure si Kaylee, ang nanay nina Gil.
Kalog ang ina nina Gil at Gino, and despite her age, may pagkabagets itong kumilos. Age was just a number 'ika nga. "Dahil dalawa lang ang anak ko, Skye, irereto na lang kita sa anak ng amiga kong two blocks away ang bahay mula dito. 'Yong kolehiyalang tagakabilang street, daig pang mga pusa na 'di maihi. Sinong 'di mawiwiwi, kung kaedaran n'yo lang din ako'y pinasok ko na 'yon sa kwarto. Aba'y bukod sa pogi, ubod pa ng yaman at bait. Di nga lang madalas maligo pero okay naman amoy."
"Keri na po 'yan Mader F. Ano FB name at nang masearch," ani ni Skye na ang misyon sa mga panahong ito ay kumerengkeng.
Ibinulong dito ni Mader F (Felicia) at agad na tumipa si Skye sa phone nito, "Ay, sh*t, Mader F, gusto mo magzumba sa harap ng gate nila? Samahan kita. Zumbang zumba na ako," at tumili ang dalawa saka nag-appear.
"Let's go, tamang tama, nagpapacharming ako sa byudo next door na si Lito, tito niya. Let's hit these birds."
At mukhang sarili na po ng dalawa ang mundo. Frexy and Kaylee seemed unexistent. Kapagdaka'y nawala ang mga itong parang bula. Nagdesisyon silang dalawang bitbitin ang snacks sa pool na tanaw mula sa dining room.
"Hey, nakita ko sina Skye lumabas," si Gino na nagspark ang mata nang makita si Frexy.
"Magzuzumba daw sa harap ng bahay ni Lito."
"Nagpapacute pa rin si Mama kay Tito Lito? Akala ko ba'y mag-on na sila since last week?"
Nagkatinginan si Kaylee at Frexy. "And that is okay with you?" Kaylee asked.
Not that she was against it, she just found it unbelievable. Should it be her lola hitting her neighbor, she'd found it gross.
"You know what Kay, mahal na mahal namin ang mama. Ngayon lang namin nakita 'yan ni Gil na naging masaya after Dad died. We don't want her to live in the past. Happy kami na happy siya."
Napatango siya. "Sabagay, we only have one life to live. Bakit pa tayo mabubuhay kung mastuck lang tayo sa past, 'di ba?" bumaling siya sa kanyang kaibigan. Pabiro niyang tinampal si Frexy na abala sa pag-atake sa matcha cake na nasa harap nila. "Daig mo pa bulldozer ha, nakakahiya, sabihin ni Gino, 'di kita inaasikaso sa pagkain sa apartment."
Ang bruha niyang kaibigan pasaklolong tumingin sa lover boy nito na may halong pagpapacute. Muntik nang magpantay ang Mt. Everest at ang kanyang kanang kilay.
"'Wag mo ngang maaway away ang baby ko, Kaylee. Don't worry baby, I'll protect you," anitong lumapit at yumakap sa nobya.
"Ang sarap n'yong buhusan ng asin, lalanggamin na kayo d'yan, e."
BINABASA MO ANG
The Ex Deal
Roman d'amourKaylee desires to be an independent woman. Kaya tinakasan niya ang kanyang abuela at nangupahan sa Manila. She works a call center agent there for years and lives with freedom. Pero isang araw, she receives a call from from Hacienda del Rio request...