TRES

681 12 7
                                    

TRES

>DATE!<

Sinundo ko si Aira sa kanila. Before lunch nasa kanila na ako.

Ewan ko ba, feel ko lang siya kasabay kumain ng lunch eh. Bakit ba.

Kaso habang hinihintay ko siya, kulang na lang e makipagtitigan ako sa pader sa tagal niya. Grabe uh, magbibihis lang, bakit ang tagal?!

Nakita ko na siya pababa ng hagdan, napatitig ako sa kanya. And simple lang ng suot niya.

Naka-shorts na maong tapos v-neck na blue shirt tapos naka-flip siya. Ang simple pero nakaka-agaw atensyon siya.

“Uy! Okay lang? Alam kong maganda ako, pero wag ka naman pahalata na tinititigan mo ko.”

Agad akong natauhan ng bigla siyang magsalita sa harapan ko.

0///o

“Maganda? Sino nagsabi?”

“Ako ^____________^. Saan ba tayo pupunta ?”

“Mall.”

Lumabas na kami sa bahay nila at nagtungo sa sakayan ng jeep.

Grabe, napahiya ang kapogian ko kanina.

Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

Pagdating sa sakayan, agad akong pumara ng jeep at sumakay kami. Syempre, siya una kong pinasakay, gentlemen nga ako di ba? J)

Habang nakaupo kami sa loob ng jeep, biglang nag-soundtrip si Manong driver.

--à Music starts here “KUNDIMAN” ß--

Nakikinig lang ako sa kanta at sinasabayan ito ng mahina.

Napatingin sa akin si Aira.

“Maganda pala boses mo?”

Nginitian ko lang siya at nilapitan. At lalo ko pang nilakasan ang pagkanta. Wala lang, trip ko lang. Habang kinakantahan ko siya, Napapangiti ako mag-isa. Naaalala ko kasi pag nagkukulitan kami ni Aira sa school at kapag nginingitian niya ako. Bagay sa kanya yung kanta.

Maya-maya lang, sinabayan na din niya ako sa pagkanta.  Ang ganda pala ng boses niya.

Patapos na yung kanta pero sinasabayan pa din namin.

“Hinding-hindi magsasawa sayo” nakatingin siya saakin habang kumakanta.

O////O

Bigla akong kinabahan. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Anong ngyayari sa akin?

Nagpatuloy lang siya sa pagkanta, kasabay nun ay patuloy na bumibilis ang tibok ng puso ko.

“Dahil ang tanging panalangin, ay ikaw ….”

“Ay ikaw ……..”

“Ay ikaw ………”

“Ay ikawwwwwwwwwwwww………” Sabay ngiti niya saakin.

Kasabay ng pagtapos ng pagkanta niya ay kasabay ng pagbaba namin.

Andito na pala kami sa mall di ko namalayan, masyado akong nadala sa mga ngyayari.

Habang papasok kami sa entrance ng mall, bigla siyang humawak sa braso ko. Ewan ko ba, palagi naman niya akong hinahawakan sa braso kapag nasa school kami, pero bakit parang may kakaiba ngayon? Ano ba tong nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan.

----

A/N:

HAHA!

Short UPDATE lang ito :)

Sana na enjoy niyo! ^^,

VOTE and COMMENTS GUYS! xD

KUNDIMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon