DOS
Lumipas ang mga araw at naging close na samin si Aira.
Palagi pa rin naming siyang inaasar ni Mike sa klase pero siguro sanay na siya. Nakikitawa na din siya sa amin.
Ewan ko ba, pero natutuwa akong nakikita siyang tumatawa, para kasing madadala ka. Matatawa ka din sa pagtawa niya.
Idagdag mo pa na katabi ko pa siya sa upuan kaya lalo kaming naging close ni Aira.
Samin din siya sumasabay kapag recess at lunch, ka-txt ko na din siya tuwing gabi at minsan hinahatid ko siya pauwi sa bahay nila.
Minsan lang yun, kapag wala kaming pustahan sa dota. Aba syempre, uunahin ko and dota. Pera yun eh. J
Mabilis ba? Ganun talaga. Gwapo ako eh? HAHAHAHA
Akala nga nun iba eh nililigawan ko na siya. Tinatawanan ko naman sila kapag tinatanong ako niyan. Wala naman kasi akong balak ligawan eh. Tamang fling lang ako, alam niyo na, ayaw ko sa seryosong relation.
“Aira! San ka pupunta?”
“Ah, Zac! Ikaw pala yan”
“Oh, bakit parang binagsakan ng langit at lupa yang mukha mo?”
“Ah, wala no. Nagugutom lang ako”
“Ganun ba? Tara sa canteen! Treat ko!”
“Tara!” sabi niya ng masigla.
“Kiss mo muna ko?”
“H-hah?”
“Kiss muna sabi ko.” At ngumuso pa ko sa harapan niya na para ko siyang hahalikan.”
“Sira ulo ka talaga!” sabi niya sabay lagay ng kamay sa mukha ko.
Agad ko naman tinanggal ang kamay niya sa mukha ko at hinawakan ito. Ang lambot ng kamay niya ah.
“A-ah Zac. Yung kamay ko, pwedeng bitawan.” Sabi niya
Siguro napansin din niyang di ko agad binitawan ang kamay niya.
“Ayoko nga. Ang sarap hawakan ng kamay mo eh. Ang lambot. Siguro buhay prinsesa ka sa inyo no? Mukhang di ka gumagawa ng gawaing bahay.”
“Hoy! Mister for you info-“
Di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil agad ko siyang hinila. Tss. Manenermon lang naman siya eh. Ayoko makinig. HAHAHA
“Tara na! Dami pang satsat eh!”
At tumungo na nga kami sa canteen.
“Oh, hanap ka na ng mauupuan natin. Ako na lang ang bibili. Ano bang gusto mo?”
“Spaghetti ^___^”
“Paborito mo yun no?”
“Paano mo nalaman?”
“Sa inaraw-araw ba naman ng pagkain natin dito sa canteen ng magkasama eh ayun palagi mong inoorder eh”
“HAHAHA. Palagi ba?”
“Lakad na. Maupo ka na dun at intayin mo na lang ako”
Sabi ko sa kanya.
Agad naman na siyang naghanap ng mauupuan.
Pumunta na ko sa isang stall at umorder na ng order namin.

BINABASA MO ANG
KUNDIMAN
General FictionAnong gagawin mo kapag bumalik sayo ang dating mga ginagawa mo sa iba noon? Read the story to know :)