CH7/ Outing

2K 96 18
                                    

***MARIA***

Excited kaming lahat sa office dahil bukas na ang company outing. Tatlong araw at dalawang gabi kami mananatili sa resort. Sa company outing ay magsasagawa ng team building, at halos lahat ay excited dahil ilang araw na pahinga sa trabaho at ang mga kababaihan naman tuwing breaktime ay ang usapan ay ang mga bikini o two piece na isusuot nila.

Yearly naman ang company outing pero ngayon lang magkakaroon ng team building ang layunin nito ay para mapaganda ang flow ng trabaho at maging ang relasyon ng bawat empleyado kaya ganon na lang ang mga reaksyon namen.

Isang linggo hindi pumasok si boss dahil sa may biglaang itong trip sa America dahil nagkaroon ng problema sa mga suppliers.
Sa totoo lang na miss ko na ng husto si boss at nakasanayan ko na rin na lagi kaming sabay patungo sa office.

Kaya dahil wala akong sundo ay ako na naman ang tampulan ng mga chismis sa bahay keso hiwalay na daw kami. Hindi ko naman kailangan na pansinin ang mga ito dahil sa ayoko makipag-usap sa mga makikitid ang utak.

***

4:00AM ang call time at dito kami nagtitipon sa compound ng company, naghihintay na kami ng bus para makasakay na din. At bilib talaga ako sa HR dahil nag-abala pa sila ng sitting arrangement. Nagtalaga din ng monitor o teamleader sa bawat bus para ma-monitor kung sino ang mga kasama sa bus.

Nakita ko ang grupo ng mamaw hindi nila sukat akalain na makakasama  nila ako sa bus. Pumila na ako para makasakay sa bus, ako na sana ang sasampa sa bus ng biglang may narinig na paparating na sasakyan halatang mabilis ang takbo dahil maririnig ang gitgit ng mga gulong sa semento.

Lahat ay nagulat bakit andito siya, pagbukas ng pinto ay nakita ko na bumababa si Boss. Ito rin ang unang pagkakataon na sumama si Boss sa ganitong event ng company. Halatang nagmamadali si Boss naglakad at ang tungo ay sa bus amin mismo, umugong ang bulungan ng mga malatunday na mamaw.

Panay Good morning ang maririnig sa mga nadadaanan na mga empleyado ni Boss, tango lang ang iginanti ni Boss.

"Maru sa akin ka na sumabay kailangan na mauna tayo sa resort"

Sasagot na sana ako ng biglang sumagot ang lider ng mga mamaw

**Jane**
"Good Morning Sir, Sa amin
na lang po kayo sumabay para hindi na kayo mapagod
magmaneho"

Hindi pinansin ni Boss ang sinabi nito, tumingin lang si Boss sa akin. Lumapit ito sa akin ay kinuha ang dala kong bag at wala akong magawa kundi ang sumunod na kaniya, pakiramdam ko ay ang talim ng mga mata ng mga kasama ko kaya hindi ko mapigilan na mapatingin sa kanila,  halatang nabigla sila kay boss pero sila ay todi beast mode sa akin.

"Maru ano ba, let's go"

Mga tatlong hakbang pa lang ako ay may narinig kaming kakaibang ingay at bigla din lumakas ang hangin. Napatingala kami at doon nakita ang papalapag na helicopter sa bakanteng espayo ng parking area.

Dahil hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, talagang namangha ako sa aking nakikita, nagulat na lang ako nasa tabi ko na pala si Boss at hinawakan ang aking kanang kamay para akayin papuntang helicopter.

Napaka-gentleman ni boss inalalayan niya ako hanggang sa makasakay. Sa totoo lang ay excited akong makasakay at hindi ako makapaniwala na narito.

***NARRATOR POV***

Nakatanaw ang mga empleyado ng tuluyan ng nakaalis ang helicopter. Madami ang naiingit kay Maria dahil sa halatang natatangi ang pagtrato ng Sir nila dito. Batid din nila na ito lang ang tumagal na naging sekretarya nito.

Madalas din kasi nilang makita ang boss nila na sa tuwing papasok ay laging may dalang cake, at nalaman nila na si Maru lang ang kumakain dahil hindi mahilig sa matamis ang Sir nila.

Vince Montecristo (On-Going ) Where stories live. Discover now