Isang hindi pamilyar na lugar ang aking nakikita ngayon...
Para akong nasa isang kagubatan... Isang diretsong daanan mula sa kinatatayuan kong lupa na puro tuyong dahon ang nakakalat pero saan to patungo?
Mahaba at hindi na tanaw ang pinakadulo nito dahil sa maliit lamang na liwanag ang nakikita sa dulong bahagi na halos karugtong na ang langit pag sinundan ito ng tingin...
Ngunit nakakapagtaka lang na tila maiitim ang bawat punong kahoy na halos magkakadikit na.. at ang kulay ng mga dahon ay pawang mga maiitim lamang at parang kumikinang ito dahil sa katiting na liwanag mula sa labas...
Nasaaan ako??
Hindi ko alam ang lugar na ito na parang kakaiba...
Napalingon ako sa aking likuran at nakakapagtakang kung ano ang nakikita ko sa aking harapan ay siya ring aking nasa likuran...
Nagsisimula na akong kabahan....
"May tao ba ditooooo?" naisigaw ko na lamang at nag paulit ulit lamang na umalingawngaw ang aking sigaw...
Nagulat na lang ako ng magsimulang magliparan ang mga itim na ibon at laking gulat ko ng ang iba dito ay sa akin patungo "Shit!" Agad akong napayuko at naluhod sa lupa saklob ko ang aking ulunan ng dalawa kong mga braso upang hindi nila ako matamaan at ng maramdaman kong wala na sila ay saka ako unti unting tumingala at dahan dahan din akong tumayo...
Kahit natatakot na ako ay sinubukan kong humakbang unti unti dahil gusto kong malaman kung ano ang nasa dulo ng aking natatanaw...
Kanina pa ako naglalakad pero parang walang katapusan ang daang ito.. Ano bang nangyayari? Nasaan ba talaga ako??
Nag umpisa ng mangilid ang mga luha ko... Natatakot na ako...
Ngunit bago pa man ako tuluyang lamunin ng takot ay biglang umihip ang malamig at malakas na hangin dahilan upang magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan...
Ano yun?? Bakit ganun yung hangin??
Oh no! Don't tell me may mumu dito??
O___OAgad akong kumaripas ng takbo pabalik sa pinaggalingan ko.... Mukhang mali yata ang pagdiretso ko sa nakikita kong daan....
Nakalayo layo na ko pero parang ito rin ang nilakad ko kanina? O baka naman dahil parehas lang ang daan? Nakakalito naman anak ng tokwa! Naliligaw na yata ako kahit wala akong ibang dinadaanan.. Parang pabalik balik ako sa pinupuntahan ko...
Naliligaw na nga talaga yata akooooooo...
"Lianna.."
Isang malamig na boses ang narinig kong bumulong malapit sa aking tenga at agad akong napalingon sa aking likuran at laking gulat ko ng walang kahit isang tao roon...
Multo ba yun??? Pano ako nakilala??
Waaaaaaaaahhhhhh!!! Gusto ko ng makalabas ditooooo!
Naramdaman ko muli ang nakakakilabot na ihip ng hangin at biglang may mainit na kamay na humawak sa aking braso....
Parang natuod ako sa kinatatayuan ko at dahan dahan kong tiningnan ang braso ko kung saan may nakahawak ditong maputlang kamay... Nanlaki ang mga mata ko sa kamay na nakahawak sakin... Bakit ganun?? Kung titingnan ay maputla ang mga kamay nito na parang patay pero mainit ang mga palad nitong nakadampi sa aking braso...
Nagulat na lamang ako ng hatakin ako nito paharap sa kanya at tumambad sa akin ang isang dibdib! Oo isang dibdib! Pero hindi hubad.. Kundi parang isa itong kalasag na nakabalot sa kanyang dibdib..
Unti unti akong napaangat ng tingin upang makita kung sino itong pangahas na humawak sakin at laking gulat ko ng makita ito...
Meron itong magagandang mga mata. Makapal ang kanyang kilay na parang inahitan at mahahabang itim na itim na pilik mata. Kulay sky blue ang mata nito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kulay ng mata sa personal. Sadyang napakaganda nito. Mataman ako nitong tinitingnan at kita ko na maluha luha at may halo halong emosyon ang mga titig nito pero nangingibabaw dito ang pangungulila at sakit...
Meron din itong perpektong tangos ng ilong at mapupula ang mga labi na medyo makapal ng bahagya ang pang ibabang labi nito kumpara sa pang itaas nito pero perpekto rin ang kulay at hugis nito...
Isa lang masasabi ko dito...
ANG GWAPO!! *____*
"Sino ka? Paano mo ako nakilala? Nasaan ako?" sunod sunod na tanong ko sa kanya kahit hindi ko ito kilala. Pakapalan na ng mukha noh! Gusto ko ng makauwi..
Biglang nagbago ang timpla ng mukha nito at parang nagtaka ito sa mga sinabi ko...
"Nandito ka sa mundo ko Lianna.. Nandito ka sa Mannatovia.."
BINABASA MO ANG
MANNATOVIA: Unknown Existence
FantasyShe has this bold, strong and persistent personality. She knows how to be a good leader. A fighter. She knows everything about herself. Does she really know?