"Hayup talaga 'tong si Tessa, kakarampa lang may nagpabook na agad, samantalang ako nakatatlo muna." may halong panunuya ang himig ni Miku habang nagkukuwento kasabay ng mabilis na lagaslas ng tubig mula sa gripo.Halos kalahating oras na ako dito sa loob ng cubicle pero masakit parin ang tiyan ko, pandesal na may palaman na reno lang naman ang kinain ko kanina, hindi rin naman luma yung pandesal at sigurado akong next year pa ang expiration date nung reno, pero bakit?
"Wala yang Tessa na yan kay Amarah, narinig ko ang usapan ng mga manager kanina, naku halos araw-araw daw may nagtatanong if available sya." si Hersey naman ang narinig ko. Tingin ko ay nagaayos 'tong mga to kaya nakuha pa nilang magkwentuhan tungkol sa kung anong bagay.
Success!
Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay mailabas ko na lahat ng dapat kong ilabas.
"Pero hindi naman nagpapa-book e, silanv dalawa ni Tessa. Mayaman ba 'yon?" takang tanong ni Hersey.
Shit.
Wala pang tissue tong napasukan kong cubicle. Binuksan ko na ng todo yung lalagyan pero wala na talaga. Bakit kasi ginagawa nilang all around tissue ang pang-pwet lang? Kakamadali ko na rin siguro kaya ni hindi ko man lang nacheck kung may tissue ang napasukan kong cubicle o wala.
"Hindi no, kung mayaman 'yon ay wala sya dito. Nagco-commute lang yun e, minsan nga nakikita ko sya na naglalakad lang. Talagang ayaw lang nyang pagalaw, balita ko sariwa pa 'yon." Chismosang-chismosa ang tono ni Miku, napapailing nalang ako.
"Kaya siguro ayaw din ni sir Simon na ipa-book sya. Sya mismo ang umayaw sa isang bigating kliyente e. May gusto kaya yun kay Amarah?" muntikan na akong malaglag sa inidoro dahil sa narinig ko. Sa'n naman nila galing yun?
Feeling ko ako itong chismosa dahil pasikreto akong nakikinig sa kanila kahit na ako ang topic nila, anong magagawa ko? Walang tissue tapos ang tagal pa nilang umalis.
"Gaga hindi! Kung may gusto yang si sir Simon sa kanya, edi sana last year nya pa niligawan, at hindi papatol si sir sa tulad natin 'no, tanga nito." May sense na paliwanag ni Miku.
Bahala na!
"Miku! Hersey!" Lakas loob ko silang tinawag.
"Gosh!" gulat na reaction nila "A-amarah Ikaw ba yan? Kanina ka pa dyan?"
"Oo kanina pa, paabot nga ako ng tissue!" parang wala lang na sabi ko.
I did my thing pagka-abot nila ng tissue at lumabas na sa cubicle. Tama nga ako, nagaayos nga ang mga 'to, nagkalat kasi ang mga make-up around the sink.
"Anong ginagawa mo dun? Narinig mo usapan namin?" medyo kabadong tanong ni Hersey.
"Tumae, hinihintay ko kayong umalis para makalabas na ako't kukuha ng tissue pero parang gusto nyo atang magovernight dito sa cr." May panunuya kong sabi habang naghuhugas ng kamay.
"Since narinig mo nga, kayo ba ni sir Simon?" diretsong tanong ng seryosong Miku at kalaunan ay pati narin si Hersey.
"Like you care? wala na kayo ro'n." nang-iinis kong sabi saka ko na sila iniwan, narinig ko pa sila na pinapabalik ako pero tulo'y-tuloy lang ako.
Mga tao nga naman.
Pabagsak akong humiga sa kama pag dating ko sa apartment na kasalukuyan kong tinutuluyan. Pumikit ako ng ilang saglit bago kapain ang remote controll para buksan ang TV. Magisa lang ako sa apartment kaya nakasanayan kong buksan ito para hindi masyadong tahimik.
Dumeretso ako ng banyo para maghilamos, para sakin malagkit ang make-up pag tumagal ito sa mukha. Habang naghihilamos ay di ko maiwasang mapadako at haplusin ang pilat sa may bandang kaliwa ng leeg ko sa tuktok ng jawline papuntang tenga, nasa two inches ito na dahilan kung bakit laging nakalugay ang buhok ko.
YOU ARE READING
The Thing I Have
RomanceTo get married and settle down, yan ang dahilan kung bakit ipinasa ni Marcus King Zendejas ang resignation nya nang hindi nagdadalawang isip kahit na isa ito sa mga pinakamagaling na reporter sa loob at labas ng bansa. Isang kondisyon ang hinihingi...