CHAPTER 12

2.6K 138 22
                                    

FREIYA'S POV

Nanatili akong nakaupo at nakahalukipkip lang sa gilid. Medyo natatakot ang beauty ko na tumayo at baka hindi ko mapigilang humarot. Jusko! Keraming gwapo! At may naaamoy pa akong mga paminta rito. Naku! Kung wala lang kaming kontrata ni Corazon ay baka kanina pa ako nakapamingwit dito.

"Hi."

Nilingon ko naman agad si Kuya na may bitbit pang baso ng wine at saka ito tumabi sa akin. Grabe, ang pogi niya sa maroon niyang tuxedo! Ang kinis at ang linis pa ng mukha niya. Shuta des! Mukang masarap siya.

Ehhhh!!! Sabi ng bawal, eh! Kay Corazon nga lang ako dapat humarot.

"Hi, Dude. Anong atin?" tanong ko. Shuta, hirap maging lalaki kung ganito ka-gwapo ang katabi!

"I heard you're Cora's new boyfriend," nakangiting aniya. Tsismoso rin pala ito. Charot!

Hmm, pero mukhang bet niya rin si Corazon. Kerami-rami naman palang may gusto sa pechay na iyon, bakit nauwi pa siya sa lalaking walang bayag?

Jusko! Naasar talaga ako sa kanya kanina, kung ano-ano nang mga kawalanghiyaan ang pinagsasabi ng girfriend niya na parang nginudngod sa harina ang mukha ay wala pa rin siyang say! Hinayaan niya lang na bastusin siya nito!

'Madali ka lang palang kalimutan, 'no?'

Shuta! Naisip kaya ni Dahlia kung anong mararamdaman ng boyfriend niya sa tanong niyang iyan? Tsk! Bagay nga talaga sila, pareho silang nasa paa ang utak.

"Hey!"

Ay, may kausap pa pala ako. Ang ganda ko naman dahil pinaghintay ko si Kuya. Hihi.

"Ahh, oo, bakit nga pala?" tanong ko kahit alam ko na kung anong sadya niya. Pag-uusapan namin si Corazon. Oo na, lumamang na sa ganda ang pechay na iyon sa akin.

Pero, nahanap niya na kaya si Silver? Nag-uusap na kaya sila ngayon? Sana naman, para mamatay na rin sa wakas ang pagmamahal niya sa lalaking iyon!

Alam ko namang galit siya, pero kanina, shuta, nangibabaw pa rin ang pagmamahal niya! Naku naman, hindi deserve ni Silver ang pagmamahal ni Missy kaya itigil niya na. Ako ang nasasayangan, eh.

"I am one of her exes," muling usal niya at saka niya inubos ang dala-dalang wine.

Haaay! Ang gwapo ng mga naging ex ni Corazon. Sabagay ang ganda-ganda niya rin naman. Kung ako siya ay malamang pipili rin ako ng ganito ka-gwapong nilalang.

"Isa ako sa naghintay kay Cora after knowing that she's not taken anymore," dagdag pa niya at dahil diyan ay mas naintriga tuloy ako.

"Bakit? Ex ka na niya, 'di ba? She doesn't give second chances, wala 'yan sa vocabulary niya, kaya bakit naghintay ka?" Medyo ipinakita ko pang naaasar ako, syempre nasa isip nito boyfriend ako ni Corazon kaya dapat panindigan ko.

"I was hoping for a second chance from her since I felt she had changed that principle, but after hearing that she has a new boyfriend, I've realized that Cora hasn't changed at all, and neither has her principles," malungkot pang sambit niya.

Haaay, pati tuloy ako ay nakasimangot na, pero binura ko agad. Ayokong ma-good game kay Corazon.

"Jared, right?" Tumango naman ako. Eh, kilala niya ako! "Jared, look after Cora and don't treat her the same way Silver did. Although we can all tell that Cora is strong enough, she still has a weak heart," puno ng sinsiredad pang aniya. "Nakikita ko naman na mabait kang tao compared to Silver and when Cora was with you earlier, I could see the joy in her eyes. Now that she has found a better man than her ex-boyfriend, I feel more at ease." Tumayo na siya at bahagyang tinapik ang balikat ko. "Jared, you should keep in mind that having her makes you one of the luckiest guys alive." Tuluyan na rin siyang umalis matapos sabihin iyon.

Wanted: Gay Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon