DISCLAIMER:
This is a work of fiction. All of the characters, organizations, and other events portrayed in the story are either products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidential.
© 2020 This Is Not My First Love Story
------
Red's POV
Tanghali na ng magising ako sa ingay ng mga sasakyan na dumadaan sa labas ng bahay. Hindi ko maigalaw ang ulo ko sa sobrang bigat nito. Dumagdag pa ang gutom na kanina ko pa pinipigilan dahil sa antok.
'Grabe ganito pala ang pakiramdam ng first time.' napapikit ako ng maalala ang mga nangyari kagabi.
Dahan-dahan kong pinilit ang sarili na maupo sa kama at abutin ang remote ng aircon para patayin 'yon. Pagtapos ay bumangon na ako para kumuha ng tuwalya at dumiretso sa cr para maligo.
Nang mahimasmasan ay kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Cedrick. "Ced anong oras?" tawag ko sa linya. Alam niya na ang ibig kong sabihin kaya ilang sandali pa ay nagsalita na siya. "Par alas 'dos." sagot niya sa kabilang linya. "Sige Ced kita na lang tayo sa court." sabi ko pa habang inaayos ang sintas ng kaliwa kong sapatos. "Sige sige." Sagot niya at ibinaba na ang linya.
Isinuksok ko ang cellphone ko sa bag at isinara ang zipper 'non. Nakapamewang pa akong nagpalinga-linga sa paligid para tignan kung may naiwan akong gamit. 'Nang makasiguradong ayos na ay isinukbit ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto.
Nakaayos na ako panlaro ng muli kong denial ang numero ni Cedrick para tawagan. Ngunit 'ganon na lang ang inis ko ng out of coverage na ang number nito. 'Pinatayan ako ng phone? Biset 'to a.' Ang totoo ay gusto ko lang gumanda ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kagabi. Ayokong manigas dito sa bahay at lamunin ng lungkot dahil lang 'don. 'Dahil lang 'don ha? Red? really?' Dumiretso ako sa kusina at kinuha ang isang balot ng gardenia sa ref. Kinuha ko rin ang isang pitsel ng tubig 'ron at nagsalin sa baso.
Umupo ako habang isa-isang inaalala ang nangyari kagabi. Napabuntong hininga pa ko ng mapagtantong totoo at hindi panaginip ang lahat ng nangyaring 'yon. 'Sana sa ibang paraan ko na lang nalaman na hindi mo na 'ko gusto Sophie.' Bigla akong nanghina ng pumasok siya sa isipan ko. Walang ganang inabot ko ang peanut butter sa lamesa at binuksan 'yon. Nagpalaman ako ng ilang piraso at sinimulang kainin ang hawak ko. 'Masarap pala ang lasa ng chocolate at peanut butter kapag pinagsama? Try niyo. Haha'
Habang ngumunguya ay naabutan ako ni Mama sa lamesa. Nasamid pa ako ng bahagya kaya napapahiyang kinuha ko ang inuming sinalin ko sa baso at dali-daling ininom 'yon.
"O, san ang punta mo?" takang tanong niya habang inilalapag ang mga pinamili niyang groceries sa harapan ko. Hindi ko 'sya kinibo at nagpanggap akong busy sa kung ano ang mga pinamili niya. "Ma akin na lang 'to!" kuha ko sa isang balot ng ponkan at inilagay sa bag. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko sa upuan. "Maglalaro lang." Humalik ako sa pisngi niya at dali-daling lumabas ng pintuan. Narinig ko pang tawagin niya ang pangalan ko pero 'di ko na siya nilingon pa. 'Sorry ma.'
Nang makalayo layo na ako ay t'saka ko lang nilabas ang sunod-sunod kong paghinga. "Shet muntikan na ko 'ron a." sabi ko sa sarili habang tinatanaw ang bahay namin.
Ayokong malaman ni Mama na nag-inom ako. Baka pag isipan niya pa ako ng masama kapag nalaman niya. Kakaiba mag-isip si Mama kaya 'ganon na lang ang kaba ko ng makitang pinag-aaralan n'ya ang kilos ko habang inaayos ang pinamili niya. 'Nahalata niya kaya? Yari talaga ako tae.'

YOU ARE READING
This Is Not My First Love Story
RomanceI know i like her. I know i love her. But why the hell i fall for him? I know i'm fckng straight. I know i'm not into men. Pero siya... Siya ang dahilan kung bakit nagmahal ulit ako ng tulad ng pagmamahal ko dati.