02

14 1 0
                                    

It's already 7pm in the evening and i was wearing a Salomie colored Ribbed Crew Neck Long-Sleeve Sweater at tinernuhan ko ito ng kulay Black-pearl na Ezy Slim-Fit Jogger Pants para mas maging kumportable ang katawan ko. Malamig ngayon kaya 'to ang napili kong suotin. Mag be-bear months na 'rin kasi.

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng resto kung 'san nangakong makikipagkita sakin si Sophie para mag dinner. I was not expecting her actually. Lagi naman n'ya akong gino-ghost. Nasanay na lang ako dahil lagi naman siyang nangangako sa'kin at nauuwi lang sa pagkapako. Pero this time pagpapakatanga pa rin ako. Bahala na si batman kung dumating siya o hinde. Basta maghihintay ako.

Alam kong may iba siya, it's 2 years then 'nung malaman ko dahil lihim ko s'yang sinusundan sa apartment na tinutuluyan niya. IDK, kung bakit wala akong ginawa. Siguro nga ay natatakot talaga ako na mawala siya sakin. 'O baka tanga at bobo lang talaga ako na kahit alam ko ng niloloko n'ya ko ay wala pa rin akong ginagawa para pahintuin siya.

'Mahal ko siya at 'yun lang ang alam ko. Masaya ako kahit alam kong may iba 'ring nagpapasaya sa kanya.' Napahigpit ang hawak ko sa bouquet ng pink roses na hawak ko. 'Kung ayaw mo na sakin please tell me and i will accept it.' napabuntong hininga na lang ako sa naisip ko.

Kalahating oras na ang nakakalipas at wala pa rin siya. It's 8pm already. 'Nasan na ba siya?'

"Darating pa kaya siya? Sana naman dumating siya dahil sayang naman 'tong binili kong surprise para sa kanya." sinulyapan ko ang bag na hawak ko. Bukod kasi sa buoquet ng pink roses ay bumili din ako ng 'we bare bears'  na stuff toys. Sabi kasi sakin ni Sophie ay favorite cartoon characters niya daw ito.

Maya-maya pa ay may Gray tinted Car na pumarada sa harap ng resto. 'Siya na kaya yan?' Inayos ko ang pagkakatayo ko at nilagay ko sa likod ko ang surprise ko para sa kanya. Pero...

"Thanks for the ride Jason!" si Sophie.

"Anytime baby just come to my place after this okay?" at ang lalaki niya.

Napayuko ako sa mga narinig ko. 'Tama pa ba 'to? Harap harapan na akong niloloko ng taong mahal ko. At ang masakit pa naririnig ko sila.'

"No, i have some stuffs to do after this baby. Magpahinga ka na lang muna." Napatingin ako bigla sa kanila. 'Baby??' Napasinghot pa ako sa hangin at ngumiti ng nakakaloko. 'Tangina. Ang bobo mo Red. Ang bobo bobo mo.' Parang biglang nag sink-in sakin lahat ng mga nangyayari.

'Now i know, hindi ko na siya kailangan tanungin pa. 'Di na rin niya kailangang sabihin pa.' Wala na talaga.

Ang akala ko kahit papano ay mahahati ang oras niya sa'ming dalawa. Ang akala ko kahit may kabit siya ay ipa-priority niya pa rin ang nararamdaman ko. Pero mali ako.

'Napakabobo ko. 2 years niya na akong niloloko. Pero ito ako at bumili pa ng 'pang surprise sa kanya.' Hindi ko alam kung tatawa ako o maiiyak habang pinapanood ko silang nag-uusap sa harapan ko.

Tatalikod na sana ako dahil hindi ko na kaya ang mga nakikita ko ng biglang narinig kong humarurot na palayo ang sasakyan ng lalaki niya.

"Red is that you?" si Sophie.

Na-estatwa ako bigla ng narinig ko ang boses niya. 'Fck, bakit kayang pigilan ng boses niya ang katawan ko? Ganito na ba talaga ako kamartir na pati ang puso at isip ko ay bobo na rin dahil nagkakaisa silang dalawa? Tae naman.'

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Pilit kong hindi pinapahalatang nakita ko sila pero nabigo ako. Lumaylay ang dalawang balikat ko at alam kong ano mang segundo ay lalaglag ang mga luha ko.

"Did you see everything?" tanong ni Sophie sakin. Halatang wala na siyang pakialam dahil sa tono ng boses niya. Parang wala lang sa kanya at okay lang na marinig kong nag-uusap sila. 'Okay. Gusto mong ipa-mukha sakin to? Fine, hihinto na ko.'

This Is Not My First Love StoryWhere stories live. Discover now