Turn 3.3: Miracles of December

63 6 3
                                    

Alliah's POV


"Uy bhe! Yung kuto ko nagapang! Dali! Patanggal naman!"

Tungunu. Seriously? Nakita ko naman na unti-unti niyang nilalapit ang ulo niya sakin kaya...


"Tungunu yan. Lumayas ka sa tabi ko, bigwasan kita dyan! Hawaan mo pa ako!"


"Aray ko bhe. Hard mo sakin. Joke lang, e. Serious kasi kayo masyado."


Pabebeng sagot ni Arlyn. Leche. Naiirita ako.


"Arlyn, please lang wag ka magpout, nate-tempt akong hilahin yang nguso mo."

Mas lalo akong nairita dahil mas lalo pa siyang nagpout. Asar. Di ko na mapigilan ang sarili ko. alam kong masama sakin ang magpigil kaya...


"Isa pang pout." sabi ko sabay amba ng kamay ko sa kanya


Malapit na nyang malasap ang sarap ng kamao kong amoy Tide sa paglalaba nang biglang may umeksena. Sayang moment na yun.

BRATATATATATATAT!!! BOINK BOINK... BOINK


Nagulat ako nang makita ko si Ericka sa dulo ng hagdan, pero mas nagulat ako nang bigla silang nagpalakpakan. Uy, rhyme 'yon.


*Claaap*


"Amazing!" nakatayo pa si Kim habang sinasabi yan. Pansamantala siyang napatigil sa pagseselfie


"A very spectacular performance!" todo palakpak pa si Xela dyan

"A must watch performance!" nabuhay bigla si Althea


"Incredible! You' re truly a one of a kind!" sabi ng may kutong si Arlyn


E di wow.


"That was a death-defying stunt!" pakikisakay ko sa manila. Ang kawawang Ericka.

"A tanga." Ang nasabi nalang ni Diana


"Ang daya! English sinabi namin kaya dapat English rin sayo!" reklamo ni Xela


"Kayo lang naman nag-english dyan e." parang wala lang na sagot ni Diana


"We' re friends! Gora na! Ita-translate mo lang!"


"E di: Psssh. Idiot."


"Wala ka pala Xela." pang-aasar ni Kim

LOVErinth: The seven mazes of LOVE (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon