Chapter 12

199 8 0
                                    

Chapter 12

Kulang na lang ay takpan ko ang mukha ko nang pauwi na kami. Nakakahiya kasi pinagtatawanan pa rin nila iyong kalasingan ko. Though I can't really remember what exactly happened last night, but I'm quite sure na nakakahiya iyong nangyari.

At ang hirap magpanggap na tulog sa sasakyan kahit ang totoo ay ang gusto lang ng mga mata ko ay manatiling dilat.

"Shet," narinig kong sabi ni Fiona habang natatawa. I forced my eyes to just shut and not open. Alam ko namang ako ang pinagtatawanan niya eh. Sa lahat dito sa amin, si Fiona ang maya't-maya kung tumawa. Parang tanga.

"Hoy. Di talaga maka-move on?" Natatawang tanong naman ni Mel. I tired my very best not to move. Nasa gitna pa naman ako ng dalawa.

"Mel, shet talaga. Natatawa pa rin ako. Patawarin ako ni Dane," natatawa niya pa ring sabi.

"Sana na-witness mo rin 'yong nasa bahay kami," sabi naman ni Melody. Gusto ko nang kurutin silang dalawa pero hindi ko magawa kasi patuloy pa rin ako sa pagpapanggap na tulog.

"Mel," narinig kong tawag ni Kuya Ethan kay Mel.

"Yes Kuya?"

"Masyado kang maingay. Baka magising mo si Dane," sabi nito. Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Good thing they won't see it kasi tinakpan ko ang mukha ko ng buhok ko.

The ride going back to the city continued quietly. Mukhang napagod rin ata sila sa inuman kagabi. Buti na lang Kuya Ethan didn't drink much. Pero kawawa rin siya 'cause he's the driver.

When we arrived, hinatid muna nila ako. I didn't argue kasi mas better naman na mauna akong umuwi kesa magtagal pa ako dito. Pakiramdam ko hindi ako makagalaw.

"Bye, Danielle! Sana last na inom mo na 'yon!" Halos pasigaw na sabi ni Melody nang maunang bumaba na ako. I just rolled my eyes. She just laughed.

"Shet ka, Dane," natatawa pa ring sabi ni Fiona. "Love you pa rin, Dane!" I rolled my eyes at her too.

"Here," I heard Kuya Ethan said. Inabot niya sa akin ang mga gamit kong kinuha niya pa mula sa compartment.

"Thank you, Kuya," nahihiya kong sabi.

"You're welcome," I heard him reply. Nagmadali naman siyang umikot pabalik sa driver's seat while I remained standing at the gate of my boarding house waiting for them to drive away. They all waved goodbye at me so I did the same. I expelled a heavy breath, still thinking about how embarrassing I was last night. Pero anong magagawa ko eh nangyari na?

I just went inside the boarding house, forcing myself to forget about it.

•●•

The following week, all we did was acads. Sunod-sunod kasi ang activities tapos may on the spot programming pa kami kaya I spent my time practicing and coding. Sumakit na nga ang mata ko kakaharap sa laptop. Halos kulang rin ako sa tulog dahil ang daming papers sa GE subjects ko. Nagsabay-sabay pa ang deadlines kaya masyadong busy.

So when Friday came at natapos ang classes, I went home and took a long sleep. 6 pm akong natulog at nagising ng 6 am. I slept for 12 hours and I haven't eaten my dinner last night. Pero kasi masyado na akong inantok para kumain.

My sister also texted me to meet her. Nabanggit ko kasi sa kanyang madalas sumasakit ang mata at ulo ko so she told me she'll buy a new pair of glasses for me. I already have one pero for radiation 'yon. Lumalabo na kasi ang mata ko.

Buti na lang I woke up early kaya nakakain na ako at nakapaglinis ng kwarto. 11 am sharp niya daw kasi ako kikitain.

"Very good, you're not late," Ate Marielle murmured the moment she saw me standing near the entrance of the mall. She hurriedly gave me a quick hug. "Kumain ka na?"

Eventually (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon