Paa

9 0 0
                                    

Paa! Paasa ka nong sinabi mo na tayo na, ngunit di nman pala.

Paa! Paasa ka nga ba talaga o sadyang umasa lang ako, sa akala ko'y mahal muko ngunit hndi nman pala talaga.

Ang sakit sakit lang kasi,nong sinabi mong may mahal kanang iba, habang PAAlis kana.

Paa! Paabante akong nagsusumamo sayo, habang PAAtras kang pinagtatabuyan ako at pilit na pinamumuka sa aken na, hindi ako ang mahal mo.

Alam nio ba kung anu ang masakit sa sitwasyon na to? Yung hindi mo nagawang bumenta saknya kasi wala kang halaga.

Paa! Paawa ako ng paawa sayo, habang patuloy mong binabalewala ako, bakit ba kasi pinaramdam mong importante ako, gayong hindi nman ako ang mahal mo.
dd
Pasensya na! Pasensya na dahil minahal kita, pasensya na dahil ako'y nahulog, matapos mong bigyan ng kahulugan ang tulad ko.

Alam kong mali ang magmura, pero mas mali ang magmahal, lalo na kung ikaw pa.

Payakap kong binulong sayo na mahal kita, ngunit PAAkbay mong sinabi saken na may mahal kanang iba, at di ako yon.

PAAno ko makakalimutan ka kung
PAAlala ka lage ng puso ko
PAAyaw man ng paayaw ang isip ko, ngunit ang puso ko'y gustong gusto ka, nasa tuwing nariyan ka ay PAAlalay akong sumusunod sayo at PAAlipin ako sa nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung nagmahal ba ako sa mali na panahon, o sa maling pagkakataon o sadyang mali lang talaga ang mahalin ang taong yon,

PAAlam na, yan ang paulit ulit kong naririnig sa gabi sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko.

Ang tanging natatanong, bakit kapa natagpauan kung mawawala ka rin, sino nga bang salarin, ikaw na nagpaasa o ako na nagkamali kang mahalin.

Bakit ganun? Bakit ikaw parin, Bakit ikaw parin ang sinisinta, kahit ang puso mo'y may ibang pinipinta.

Kaya pala kapag naglalakad ka at tinatawag kita, hindi moko magawang lingunin, dahil wala ka saking pagtingin,

At aking natutunan at tumatak saking isipan, madali lang manakit, ngunit mahirap masaktan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PaaWhere stories live. Discover now