CHAPTER 2

10 1 1
                                    

Janice POV

Araw na naman ng pasukan pupuntahan ko pa si kuya sa room nya para gisingin... ARGHHH!! Baket pa kase napaka antukin nya...makakilos na nga...

Joseph POV

Maaga ako nagising ngayon baka kasi sigawan pa ko ng magaling kong kapatid.

Nauna na ko sa sala, nakahanda na din yung mga pagkain "mauna na kaya ako kumain" sa isip isip ko, arghh!! Bahala na nga nagugutom na ko eh..

Janice POV

Tapos na ko kumilos, pupunta na sana ako sa kwarto ni kuya pero nakita kong nakabukas ito kaya sinilip ko iyon

"aba! Himala maaga ata syang nagising" baba na ko sa sala baka kase Andon na sya, at tama nga ako kumakain na sya

"good morning bro" bati ko sa kanya..

"maaga ka ata ngayon? Anong meron? Nilalagnat kaba? " pang aasar ko sa kanya hinawakan ko yung noo nya para matingnan kung nilalagnat ba talaga sya.

"stop it sis, kumain kana nga atsaka hindi ako nilalagnat nagkataon lang na maaga ako nagising" pagkasabu nya non tumango nalang ako at kumain.

Joseph POV

Hanggang sa pagkain ba naman ang lakas mang asar ni Janice sa totoo lang di ko din alam kung bakit maaga ako nagising ngayon this is the first time I woke up early

Hindi kase ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip don sa sky hindi ko alam kung anong meron don sa babae na yon

At ng matapos na kami kumain maaga din kami nakapasok, walang pinagbago pinagtitinginan pa din ako ng mga kababaihan ganon na ba talaga ako kagwapo *sabay sapo sa noo ko*

"Ang hangin mo na naman, iniisip mo pa din ba yung kagwapuhan mo? " pag aangal ni Janice

"tss pake mo ba? Hindi ka kasi maganda kaya di ka pinagtitinginan ng mga lalake dito, alam mo kung bakit? "

"bakit? " sabi nya

"Ampon ka kase" at pag kasabi ko non nakatikim ako ng maagang sapak mula sa kamao nya. Hinawakan ko yung panga ko grabe ang sakit.

"Baka gusto mo pa makatikim? Bibigyan ulet kita" pag babanta nya

"nagbibiro lang naman ako" pagkasabi ko non tinarayan nya ko at iniwan mag isa sa hallway

"HOY!! Janice, hintayin moko! " sigaw ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin

Janice POV

"HOY!! Janice, hintayan mo ko!" rinig kong sigaw nya pero hindi ko iyon pinansin at naglakad papunta sa room namin

Sino ba naman kasi hindi magagalit eh ang aga aga ganon yung maririnig ko sa kanya, nakakainis talaga, sinapo ko nalang ang ulo ko sa lamesa, wala pa naman yung prof namin.. Iiglip muna ako

Joseph POV

Ganon na ba ako kasamang kuya, nagbibiro lang naman ako eh... Nakita ko syang natutulog sa lamesa nya. Lumabas muna ako pumunta akong canteen para bilhan sya ng pagkain yun lang naman magpapawala ng init ng ulo nya eh

Pagpunta kong canteen nakita ko si Sky, teka bat mag isa lang sya asan yung Lianne ba yon.. Di ko nalang pinansin si Sky at bumili na ko ng pagkain mo Janice..

Pagtapos ko bumili ay nakita ko si Sky na nakatingin sakin, para bang nagtama ang aming mata kaya agad ako umiwas, "tss, problema non" bulong ko

" Hi, Joseph right? " pagsabi ni Sky non at agad nya naman ako binigyan ng isa kaakit-akit na ngiti.. Ano bang meron sa babaeng toh bat ganto sya ngumiti saken..

The Undead City (Zombie Apocalypse) On-GoingWhere stories live. Discover now