chapter 1; FIRST ENCOUNTER
APRIL'S POINT OF VIEW
"Minsan ba'y nagustuhan mo rin ang naging propesyon nag iyo'ng mga magulang?" Pagtanong ng host saakin, huminga ako ng malalim at tumingin ng may ngiti sa mga tao. Inaasahan ko na ang pagtanong nila nito saakin ngunit ng kanilang itanong ay bigla nawala ang aking mga salita. Bumalik ang tingin ko sa host at ngumiti dito.
"Oo, Noong bata pa ako ay hinahangaan ko ang kanilang trabaho," Panimula ko saaking sagot. Tumingin ito saakin at nakinig ng iba ko pang isasagot. "Pero nong lumaki na ako ay tsaka na umiba ang gusto kung propesyo at ito ay ang pag-momodelo."
"Natanggap ba ng iyo'ng mga magulang ang naging propesyon mo?" Panibagong pagtanong nito saakin. Napatingin ako sa mga tao at nakita ko sa kanilang reaksyon ang tila'y pagtanong din. Nagsimula na ang kanilang bulungan at tila'y ngayon lamang nila ito narinig, tumingi muli sila saakin at hinihintay ang maaari kung maisagot. Ngumiti ako muli at hinanda na ang aking maisasagot.
"Oo, tanggap nila at sinusuportahan nila ang gustuhin ko mang propesyon." Narinig ko ang kani-kanilang pagluwag ng hininga na parang sila pa ang nakasagot at nasabi ng matiwasay ang aking saloobin. tumingin ako sa host at ngumiti naman ito saakin.
"Maraming salamat miss. April Arevalo, at pinaunlakan mo ang aming interview sayo," Pasasalamat nito saakin at tumungo naman ako bilang pagtanggap sakanilang pasasalamat. "Mayroong sampung katanonga ang iyong mga fans na nandidito ngayon, kung maaari ay pwede mo ba ito sagutin ngayon?" Pagtanong nito sabay lahad ng kamay nya sa harapan namin na kung saan ay naroon ang sampung tao na maaari akong tanongin. Ngumiti ako at pumayag sakanilang kagutuhan.
Nagsimula na ang kanilang pagtanong at sinagot ko naman ito ng maayos. Tuloy ang maayos na pagtatanong at hindi ko namalayan na isang tao nalang pala ang maaaring magtanong saakin. Ngumiti saakin ang babae at binati ako ng 'Magandang gabi', binati ko rin ito at nginitian. Kinuha nito ang mic na binigay sakanya ng kanyang katabi at tinanong na ako.
"Miss. April, may boyfriend o karelasyon ka ba ngayon?" Pagtanong nito, dahil doon ay nagbulungan ang mga tao at tumingin saakin upang hintayin ang aking sagot. Ngumiti ako at samagot sakanyang tanong. "Yes, meron." Pagsagot ko sabay ngiti ng malawak. Kanya-kanyang bulungan naman ang mga tao don, kesyo may boyfriend na daw ako, kesyo bakit hindi daw nila nakikita. ilan lang yan sakanilang mga bulungan. Tumingin ako sa babaeng nagtanong non at tumingin sya na parang gusto pa magtanong muli. Ngumiti ako bilang pagpayag sakanya na magtanong pa. Tumungo ito at nilagay ang mic sa kanyang bibig upang magtanong pa muli.
"Ayon sa iyong narinig kanina, bakit hindi namin kayo nakikita na magkasama?" Sunod na tanong nito. Nginitian ko muli ito at nilagay ang mic sa aking labi upang sagutin ito. "Para rin ito saamin, gusto kasi namin na itago muna ito dahil na rin sa hindi sya katulad kung modelo. Kaya pansamantala muna namin itatago sa ngayon." Nakangiti kung sagot. Hindi rin nagtagal at natapos na din ang kanyang tanong, nagpasalamat sila at humingi ng picture and autograph saakin.
"Sino yang sinasabi mong boyfriend mo?" Pagtanong ng kasama ko habang tinatahak namin ang daan papuntang parking lot. Hindi ko ito sinagot habang hindi pa kami nakakapasok sa loob ng kotse, malay ba natin kung may nakasunod saamin at marinig ang pinag-uusap naming dalawa. Kailangan laging handa para hindi mapahamak.
"Kasinungalingan lang ang lahat na sinasabi ko tungkol sa boyfriend things na yan." Sagot ko ng makapasok na kami sa kotse ko. Pinangunutan nya ako ng noo habang nakatingin saakin. "Ano ka ba Abril! ang tanda-tanda mo wala ka paring jowa?!" May bahid na pagkainis sa kanyang boses. Pinaandar ko muna ang aking kotse bago sya sagutin.
"Hindi pa lumalagpas ang idad ko sa kalendaryo kaya hindi pa ako matanda, tsaka 24 pa lang ako at gusto ko muna magtrabaho bago magkaroon ng nobyo!" Singhal ko rito, magsasalita na sana sya kaya lang ay naunahan ko ito. "And ikaw nga ang mas matanda sa ating dalawa!" Pagdagdag ko. Tinarayan nya lang ako at tumahimik na lang ito. Akala ko ay aabot kami sa bahay nila na hindi nya bubuksan manlang ang bibig nya, kaso nagkamali ako sa akala ng magsalita ito.
YOU ARE READING
President Wife
RandomIsang deal na kayo mismo ang bumuo. Isang deal na kayo lang mismo ang nakaka-alam. At isang deal na may saya at may lungkot kang madarama. *** Genre; Romance, Comedy, Non-Fiction.