Author's note: Hi there! This is my first ever story here in wattpad. This is just a one-shot story. And thank you in advance sa mga magbabasa! Enjoy reading!❤️
-----
Tahimik akong nakaupo sa sulok ng covered court namin, dito talaga ako pumwesto dahil alam kong walang makakapansin sa akin rito.
Dagsa ang mga estudyante ngayon dahil kasagsagan ng aming intramurals kaya't maraming estudyante ang nanonood at iba nama'y pakalat kalat lang sa campus.
Mag-isa lang akong kumakain nang bigla akong lapitan ng best friend kong si Ian. Kasama niya ang mga ka-teammates nya na mga kabarkada ko din naman. Agad na nabaling ang tingin ko doon sa isang kasama nila na hindi pamilyar ang mukha. Bago yata.
'Bagong tropa na naman!' nasabi ko sa sarili ko saka napangisi.
" Tol, ano? Mag-isa ka na naman. Asan mga ka-teammates mo?" bungad sa akin ni Ian.
" Yo, Mga bro. Kamusta? Mukhang may bagong salta ah. " bati ko naman sa kanila saka tumingin ulit doon sa bago nilang kasama.
"Oo. Si Nathan nga pala. Bagong recruit namin!" Sabi naman ni Ken, na kanilang team captain.
" Ganun ba? Hi nathan! Alexa nga pala! Alex nalang, masyado kasing girly kapag Alexa e." pagpapakilala ko.
Makikipagshakehands pa sana ako kaya lang naka-water bender mode ako ngayon kaya wag nalang, nakakahiya.
" Ah, h-hello. Nice meeting you" sagot nya naman ni Nathan habang nagkakamot ng batok.
Anaknang! Mukhang mahiyain pa yata. Pshh.
Pero ang kyutt nya lalo kapag nakangiti! AAHHHHHH!
Pakisapak nga ako now naaaaaa!
'Ano kaba Alex, bawal maattract sa lalaki! It's a no-no kaya umayos ka!' bulong ko sa sarili ko, at bahagya ko pang kinagat ang gilid ng pisngi ko para magpigil ng kilig.
Haaayy. Nagiging babae na naman ako. Tsk Tsk Tsk. Alex talaga.
" Ah-eh. Nathan, pwede bang Nate nalang ang itawag ko sayo? Masyado kaseng mahaba tsaka common kapag Nathan e." sabi ko naman sa kaniya habang pilit pading nagpipigil ng kilig.
Ang hirap mga bes! Lab at pirs sayt yata ang ate nyo! Bet kese eng gwepe ni koya eh yan tuloy ang hirap magpigil!
Kumunot naman ang noo ko nang makita kong nagngingitian ng nakakaloko 'tong mga katropa ko pagtapos ay sabay sabay pa akong kinantsawan.
" Sus! Para-paraan pa' to. Gumagawa kalang ng ibang pangalan para maiba tawag mo sa kanya e. Awit! Type mo 'no?" Pang-aasar ni Paul, ang pinakamatangkad saming magtotropa at ang top one rin pagdating sa kalokohan. Tsk.
" Hoy! Barbero 'to oh! Hindi 'no. Alam mo namang no to lablayp ang peg ko e. Study first mga bro! Wag nyo kong itinutulad sa inyo ha!" depensa ko naman.
" Naku! Nahiya ka pang umamin kami lang naman 'to! Yieee babae na syaaaa~" Sabay sabay nilang pangungutya sa akin.
Sinamaan ko naman sila ng tingin. Pero imbes na tumigil ay nagawa pang magtawanan ng mga loko. Mga walang magawang matino sa buhay amp.
Palihim akong sumulyap kay Nate at nakita kong medyo namumula siya dahil na din siguro sa hiya. Mga abnormal kasi 'tong mga kaibigan ko eh. Tsk. Tsk. Tsk.
Maya maya pa'y nagpaalam na din sila dahil magsisimula na daw ang game. Haayy. Buti naman.
-----
Ilang buwan ang lumipas, mas lalo kaming naging close ni Nate. At dahil sa chismosa ako, nalaman kong malapit lang pala ang bahay nila sa subdivision kung saan kami nakatira kaya ayun palagi na kaming sabay umuwi.
BINABASA MO ANG
Hidden Feelings (Para Sa Mga Nabeszoned)
Short StoryOne-shot story| Para sa mga umibig, umasa, at nasaktan.