The sky turned yellow and orange, reflecting the light towards the window of my office. Slowly as I look up, memories....
dreadful memories that I wish to just bury along with the hollow space I felt in my chest- what is it called again?
Ah! Loneliness
A bitter smile graced my cold face, facing the sunrise that I always admire, and yet I also hate at the same time.
"Atty. your schedule for today starts right now, and you have a hearing at 3 this afternoon regarding with the Limayo case, and a stockholders meeting at the Trade Inc. Oh and also your client for today is outside waiting na, papapasukin ko na ba?"
Oh! Lemme guess? another false victim wannabe? I laughed inwardly in my mind. Ganyan talaga ang buhay sa larangang ito kailangan mong isakripisyo ang sarili mong prinsipyo para makaangat ka sa mundong ito.
Defending the rich, means more connections to make. Simply the better it is to live.
Without looking at my secretary, tumango nalang ako, meaning that my client can come in already, with that I close my blinds and felt darkness sorrounds my lonely office, as I sit on my chair remembering who this is all for...
Nakaupo ako ngayon sa kakakurampot naming sala habang kumakain ng aming tanghalian slash hapunan.
Mahirap lang kami kung kaya't dalawang besses lang kaming nakakakain sa isang araw, labandera lang ang trabaho ng nanay ko at construction worker naman si tatay, may tatlo pa akong mga kapatid, sanggol ang pinakabata at ako naman ang nasa gitna, mahirap ang mamuhay rito lalo na kunti lang ang kinikita nila inay, idagdag pa ang gastusin sa bahay, dahilan kung bakit pansamantalang natigil si kuya sa pag-aaral ng highschool para narin makatulong.
Tinutulungan kong kumain ang bunso namin ng tinawag ako nila nanay sakanila, may napansin pa akong munting hiya sa kanilang mga mukha, kung kaya't na kyuryuso ako sa kanilang inaasal.
"Anak halika may ipapakita kami sayo" sabay pakita ng kulay kahel na cellophane at ibinigay saakin.
Agad-agad ko namang binuksan ito at na gulat ng makita ko ang isang puting blouse at kulay asul na saya, napatingin ako sa mga magulang ko at kay kuya na nakangiti saakin.
"Nay, tay akin po ba talaga toh?" hindi makapaniwalang sambit ko na may halong saya at kaba, sa aking naiisip
" Oo, nak sayo talaga yan, pinag ipunan namin yan ng nanay at kuya mo, pasensya ka na ha, isang set lang ang nabili namin, di kasi kinaya ng ipon eh, pero huwag kang mag-alala mag iipon pa kami para sa sapatos at dagdag na uniporme" sambit ni tatay
Agad ko naman silang niyakap at hinagkan, hindi ko maipaliwanag ang saya na nadarama ko, matagal ko nang pinangarap ang makapasok ulit sa eskwelahan dahil pagkatapos ko sa elementarya ay hindi na ako nakatungtung sa high school, dahil nga wala kaming pera.
"Salamat po talaga nay, tay, kuya, pramis ho mag-aaral ako ng mabuti para maahon tayo sa kahirapan itaga niyo po yan sa bato" namuo ang luha sa mga mata ni inay at purong mga ngiti naman ang kina kuya.
"Huwag kang mag-alala nak, mag-aral ka lang ng mabuti at kami na ang bahala sa lahat" sambit ni tatay sabay halik sa aking noo
"Oo nga Ash, magtratrabaho ako ng mabuti para makapagtapos ka, hindi katulad ko na hanggang highschool lang, sisiguraduhin kong makakapagtapos ka" napaiyak naman ako sa sinabi ni kuya, alam kong gusto rin niyang makapagtapos ng pag-aaral at mahirap sakanya ang magsakripisyo para sa kanyang mga pangarap kaya labis ang paghanga ko sakanya, pati narin kina nanay at tatay.
YOU ARE READING
Along With The Tears Of Time
RomanceAshiela Loumarie Royo a self relied woman with a luminous past. By uncovering her parents misfortunate death will she also uncover strange feelings lurking towards her? "Sa bawat pagpatak ng mga luha ko ay ang pag-balik ng orasan patungong nakaraan...