Chapter five

5 0 0
                                    

The mark of vodoo magic

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nanggagaling sa kusina. Bumangon ako at sinuot ang coat ko dahil malamig na malamig yung pakiramdam ko. Napansin kong nag pupundir yung ilaw pero hindi ko naman hinahayaang mapundir iyon dahil alam ko ang limit nito. Hanggang sa narinig ko ang mga nagbabasagang plato, bigla akong kinabahan. Mukhang hindi lang pala ako nag iisa, nasa business tour pa si Dad kaya malamang may nakapasok sa bahay. Nabigla ako sa dami ng dugong kumakalat sa sahig, ang mga plato basag na basag at ang amoy napaka baho, ang sangsang nito napatakip naman ako sa ilong ko. Hanggang sa makarating ako sa kusina napansin ko ang isang matandang lalaki na nakatalikod may ginagawa sa lababo namin na parang may hinihiwa, hindi ko maiwasan na mangamba napansin naman nito ang presensiya ko at agad na lumingon. Maitim ang mata nito na katulad sa mga pusa, nanlilisik, nakangiti din ito at ang creepy. Napansin ko ang ginagawa niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko, may hawak itong kutsilyo na may dugo, mas nasuka ako sa ginagawa niya isang kapirasong puso na tumitibok pa, hinawakan ko naman yung dibdib ko na parang may tumutusok doon. Tumakbo ako palabas kahit madilim na malakas din ang ihip ng hangin na pinipigilan at hinaharangan ako, dahil madilim hindi ko makita ang dinadanan ko hanggang sa nadapa ako. Nabigla akong nasa likod ko na siya ng may bigla itong binulong.

"Don't let your guard down avis I know you still remember our contract"

Hindi ako nagkakamali siya yung magician, no not now please don't go I need to get my heart. Then I saw the magician walks away holding my heart. That's the cue that I have to wake up. I heard a snap at agad napabangon akong hawak hawak yung dibdib ko na parang naubusan ako ng hangin, tumakbo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig at nilagok iyon. Nakahinga naman ako ng maluwag at tiningnan ang wrist ko 862 hindi ko matandaan kung ano talaga ang nangyari ang alam ko lang nawalan ako ng malay, alam kong may tumulong sa akin at kailangan kong malaman kung sino siya.

Napansin ko ang wall clock na mag aalas kwatro na pala ng umaga kaya nag ayos nalang ako para makapag handa sa pag pasok. Ganun padin naman maingay as usual nakayuko lang ako habang naka pansak yung earphone sa tenga ko, may nagtanggal naman nun at siniksik ang sarili niya para mapatingin ako sa kaniya.

"Good morning Ice"

Inilagay niya sa left ear yung earphone ko, kaya agad ko naman kinuha sa kaniya yung earphone ko tapos tinalikuran siya, hindi niya ba alam yung personal space?, pero imbes na tantanan niya ako kinuha niya ulit sa right ear ko yung isang piraso ng earphone, 'what the hell?' At may pa pikit pa itong nalalaman. Kukunin ko na sana ng tanungin niya ako.

"Okay kana?"

Pero hindi ito tumingin sa akin, siya kaya yung tumulong?, pero impossible alam kong wala siyang pakialam sa akin, pero possible din kasi siya lang yung nakita kong kasama ko kaya nag shrugg lang ako sa pag sang ayon.

"Mabuti naman"

Binalik niya naman yung earphone ko at tumayo siya, akmang aalis na siya ng hawakan ko yung mga kamay niya.

"Thank you"

Napahinto naman siya pero nakatalikod pa din ito.

"Wala yun kung sino naman ang makikita gagawin din yung ginawa ko"

Binalik niya yung earphone at tumayo siya ng hindi lumilingon, napansin ko ang mahinang ingay na nanggaling sa likuran ko, naka earphone din ito habang tumitingin sa bintana, nakakuyom din ang kamao niya, mukhang kapapasok niya pa lang. Si luna naman pinagalitan ako dahil hindi daw kaming lahat sumipot, alam niya din yung nangyari sa akin dahil yung guard daw nila tumawag sa kanila. Puno ng pag alala yung mukha niya habang sinasabi niya sa akin yun. Pero hindi niya daw matanggap yung pag takas ng dalawa.

'Wala silang dalawa, paano yun?'

Nag umpisa na yung klase, napansin kong hindi mapakali si luna sa kaniyang upuan. Panay tingin naman ito sa likuran niya na parang naghahanap ng away. Pagkatapos ng second period agad akong pumunta ng library para magheram ng libro sa bahay ko nalang babasahin kung madami yung nag ooccupy pero parang tahimik naman. Umupo ako malapit sa binta ng may pumasok. He took a seconds bago pumunta sa mga book shelves as usual doon padin siya.

Pagkatapos kong magbasa, pinagalitan naman ako ni luna dahil wala daw kaming presentation natatakot daw siya kay prof strict pa naman nun, medyo naawa naman ako kay luna pero yung pinapagawa niya hindi talaga ako marunong nun. Pumasok na yung prof namin at nag discuss sa first group kung ano yung criteria. Last group kami kaya kahit malayo pa wala naman akong magagawa wala ng time sa pag practice. Tinawag ng prof yung grupo namin tatayo na sana si luna para sabihin na wala kaming iprepresent pero agad na tumayo yung lalaki sa likuran namin. Dirediretsu ito sa unahan.

"I'm the representative of our group Peter obbrey Montefalco"

Presenteng nakatayo siya sa harapan, nakatayo ito ng may authoridad, na parang sanay na sanay na sa gagawin niya, agad na nag umpisa ito sa gagawin niya pero napatingin ito sa akin, kumuha siya ng panyo sa bulsa at ipinasok sa na kakuyom niyang kamay pinahipan niya ito sa kaklase namin na ikinatawa naman ng lahat pwera sa akin, binuksan niya ang mga palad at nawala ito namangha naman sila lalong lalo na ang mga kababaihan, hanggang sa naglakad ito sa harapan ko at hinawakan niya ang tenga ko na parang may kinukuha natigilan ako sa ginawa niya isang pulang rosas ang inilahad niya sa harapan ko, nagpalakpakan naman ang lahat. At ako? Hindi makagalaw sa ginawa niya, tiningnan ko lang yung rosas na parang familiar ito, nagkantsawan naman ang mga kaklase ko sa ginawa niya at agad na sumigaw sila ng may mga rosas na ang mga mesa nila. Nagpalakpakan naman ang lahat sa ginawa niya. At tsaka bumalik sa upuan.

"That was a good show mr. Montefalco I hope na ipagpapatuloy mo ang nasimulan ng family mo"

Madami naman ang nagbulungan at medyo naririnig ko ito, kilala pala ang pamilya niya sa pagiging magician, madami na itong nasalihan na patimpalak pero kalaunan tumigil ito walong taon na ang nakalilipas. Medyo nagtaka din ako sa nangyari pero alam kong wala akong karapatan na tanungin siya hindi naman kami close kahit mag usap dahil wala talaga akong balak.

Kami ang may pinaka mataas na puntos na nakuha dahil sa ginawa ni peter at si luna parang hindi maipinta yung mukha ng marinig yung puntos namin, parang timang naman siyang napangiti. 'Creepy'. Pagkatapos ng last subject namin naglinis muna kami kasi kami yung naka assign ngayon medyo may time pa naman ako, kasam ko din na nag lilinis si luna at peter at ayun nagbabangayan na naman halata ang inis sa mukha ni peter habang tinutukso siya ni luna sa nangyari kanina.

"Akalain mo yun isang peter obbrey marunong palang mag magic hindi man lang sinabi"

Natapos naman ako sa paglilinis ng akmang aalis na ako pinigilan naman ako ni luna.

"Mag miryenda muna tayo treat ko"

Ayaw ko naman na ma disappoint siya at mag tampo pero kailangan ko na talagang umalis mag aalas kwatro na, pero pinigilan niya padin ako at nag pout pa siya, 'ay anak naman ng'.

Nandito kami ngayon sa isang cafe strawberry smoothie lang yung inorder ko at cookies and cream naman kay peter, kay luna? Ayun lahat ata ng sweets inorder niya na medyo nakakahiya kasi madami yung tumitingin. Hanggang sa naubos niya na yung pagkain niya na akmang mag oorder pa ito.

"May halimaw kaba sa tiyan ang takaw takaw mo"

Nainis naman si luna sa sinabi ni peter kaya ayun nauwi sa bangayan yung dalawa at halatang nag pipigil lang si peter. Pero huminto sila ng mahawakan ni luna yung wrist niya.

"What's this?"

"Anong 521 na nasa wrist mo peter?"

Agad akong napatingin sa hinahawakan ni luna, 'those logo they're look familiar ugh saan ko nga ba iyon nakita?.'  Hindi maipinta yung mukha ni peter ng maitanong ni luna. I smell the scent of enigma, he has the logo of vodoo, possibleng magkaparehas kami narinig ko kanina na magician yung papa niya katulad niya din ito, at ang marka na tinta na nakaukit halos magkaparehas sa wrist ko.

"It can't be"

The magicians nephewTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon