Dad
1 week akong hindi nakapasok sa school, sabi ni daddy na consider na daw excuse yun magkakilala pala ang principal ng school namin at si daddy. Pero ang unfair naman yata ang ginawa niya kahit na magkaibigan sila. That night naabutan ako niya akong walang malay sa hagdanan, nataranta siya ng hindi na ako humihinga kaya dinala niya ako sa hospital. But that was the least thing na dapat niyang gawin, hindi makita sa vital signs yung sakit ko napansin ko din ang pagiging mutla ni daddy pagkabalik niya sa loob ng ER, alam kong may mali sa sinabi ng doctor, gusto kong malaman kung ano yun. Pero expected ko naman na hindi nilala sasabihin sa akin.
Pumasok ako pagkatapos ng one week na pahinga madami ding binawalan sa akin kailangan ko din ng tamang pagkain, matulog daw ng maaga at madami pa. Simula nung gabing yun hindi na umalis si papa, sinabi niya din na ang assistant niya nalang daw ang pupunta sa mga business tour niya, alam kong may mali hindi naman yun sinabi ni papa.
Sinabi ni luna sa akin simula nung hindi ako nakapasok, hindi din pumasok si Andrey. Nagtaka naman akong tumingin kung saan siya nakaupo naka earphone lang ito, ngayon ko lang din nakita na hindi naka fold yung long sleeve niya minsan kasi parati niya talaga ito finofold at ang messy ng buhok niya halatang pagod. Pero wala naman daw akong na missed na subject dahil busy sila sa opening fiest next month, kaya pati yung mga teachers hindi na nakapasok pa dahil sa parating emergency meeting na nangyayari.
Ng biglang pumasok yung adviser namin at nag discuss ng mga dapat gawin para sa paparating na program sa school.
"Next month we will be having a relay each group will present their candidate"
Abala naman ang lahat sa pagpili ng kanilang candidata sa larong ito, napili din ni luna si peter dahil noong naglalaro daw sila mabilis itong tumakbo, nainis naman siya sa ginawa ni luna pero pumayag din naman dahil kung aayaw siya ako nalang yung i preresenta ni luna. Sinabi din sa amin na lahat ng clubs ay gagawa ng booth pwede daw mag invite ng outsiders.
Mabilis lumipas yung araw next week na yung opening fiest namin, kaya madaming abala ngayon sa pag gawa ng booth. Napansin kong napapadalas na pagsundo sa akin ni daddy sa school at nag bobonding din kami minsan, alam kong alam niya yung ginagawa niya, pero alam kong may hangganan ang lahat ng ito.
"Pepper ako na ang tatapos sa pag pipinta tulungan mo nalang si Peter na bumili ng materials para sa booth natin"
Binigay niya naman listahan ng bibilhin at ang perang gagastusin, napatingin naman ako kay peter na nakapamulsa lang at halatang pagod dahil kagagaling niya lang sa practice nilang relay. Naawa naman ako sasabihin ko pa sana na ako nalang pero hinila niya na ako papuntang parking lot, pinaheram ng isa sa senior yung kotse niya dahil medyo malayo daw yung market dito.
Kinabahan ako pagpasok ko 14 palang kami at wala pa siyang license, baka mahuli kami ayoko pang makulong.
"Don't worry I have my student permit"
Nabuhayan naman ako ng sigla dahil sa sinabi niya, pinaandar niya yung sasakyan. Ang bata niya pa pero marunong na siyang mag drive, napatingin naman ako bigla sa labas ng tumingin siya sa akin. Nailang tuloy ako. Pagkadating namin hinati namin yung mga dapat bilhin para mabilis. Habang namimili ako hindi ko maiwasan maisip si daddy yung pagiging concern niya at pag alaga nitong nga nakaraang araw.
"Avis?"
May tumatawag naman sa akin kaya napalingon ako, nabigla ako ng punong puno na yung cart niya, at ako magsisimula palang ano ba yan ang dami ko kasing iniisip.
"Ako na"
Kinuha niya naman ang cart ko at nag simulang kumuha ng materials na kailangan bilhin. Tinulak ko nalang yung cart na iniwan niya at sumunod sa kaniya. Mas matangkad siya pwera sa akin, ngayon ko lang din napansin na maputi pala siya at may matangos na ilong. Yun siguro yung nagustuhan ng mga kaklase ko, ang cool niya lang tignan na hindi siya yung tipong makulit, mayabang katulad ni-
"Avis bakit ka nandito, sinundan mo ako no"
Tss sino pa ngaba, may dala din siyang cart na puno ng gatorade, madalas ko nalang siyang makita dahil busy daw siya sa pag practice sa dadating na tournament next month, member na agad siya ng club pero narinig kong mahirap daw makapasok doon kapag freshmen ka, kaya namangha yung iba ng nalaman nila na nakapasok ito. Tinalikuran ko lang siya at nagsimula ng maglakad pero hinarang naman niya ang cart niya at inagawan ako ng pwesto.
Ayun wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanila, halatang hindi magkasundo yung dalawa dahil pati sa counter nagtutulakan sila, pero dahil mas matangkad si peter nagwagi siya. Ako? Eto sa bench umiinom ng softdrinks medyo pagod na din ako kahit wala naman akong ginawa.
"Let's go"
Napatingala naman ako ng makita si peter sa harapan ko, tumingin naman ako kay andrey na medyo nahihirapan sa pag buhat dalawang malaking cellophane kasi yung hawak niya, naawa tuloy ako at akmang tutulungan siya pero mas nauna ng kunin ni peter yung isang bag, kukunin sana ni andrey pero mabilis itong umalis.
Hayy naku, sumunod nalang ako pag dating sa parking lot, pumasok na ako sa passenger sit ng papaandarin na sana ni peter, humarang naman si andrey nabigla ako ng buksan niya ang pintuan at hinila ako palabas at siya ang pumasok."What the hell?"
Narinig ko naman na nagsisigawan sila sa loob kaya pumasok nalang ako sa likod at pinatahimik sila, sumunod naman agad sila takot lang nilang isusumbong ko sila kay luna, napansin ko kasing takot sila kay luna kapag magalit, nakakairita kaya yung boses niya kapag nagagalit. Pagdating namin sa school tinulungan ako ni andrey bitbitin ang pinabili namin pagdating sa loob ng booth madami naman ang nagtaka na kasama namin ang isang football player, at natapos ang araw na hindi ako tinantanan ng tanong ng mga senior namin kung bakit daw dalawang hottie yung kasama ko.
BINABASA MO ANG
The magicians nephew
Teen FictionA series of hopeless romantic. A young girl living her life surrounded by love, not until a dreadful news that day has arrived at their house the day of her birthday, her parents got divorced. When he saw his father begging his mother, she realized...