DDE 1.5 H-I-M and the sign

53 16 1
                                    

CHAPTER 1.5

                     H-I-M and The Sign

"Hi gorgeous, hi. Hi!" paulit ulit na sambit ni Mr. Ewan habang winewave ang kamay niya sa mukha ko kaya yumuko na Lang ako sabay sambit ng "hello". Sana di niya ko makilala please.

"So it's you, gorgeous destiny has made a way for us to met again. That's why I called myself lucky because sa lahat ng pagkakataon laging umaayon ang gusto ko ang tadhana. Nalimutan mo na ba I swear, I shall revenge" Oh my please god help me dear lupa lamunin mo na ko di ko na alam ano bang gagawin ko. Ayy! Ba't ba ang tagal ng dalawa magc.r.

"So-sorry pero di ko po kayo kilala baka kamukha ko lang" sana tumalab please...

"Sorry" hay salamat gumana huu!!! nakahinga na rin ng maluwag

"Sorry but I was not able to forget the girl who almost ended up my future and those slanted eyes na pagnanasa sa ano ko" What meee??

"Teka bro kilala mo ba siya?" singit ni Dominic

"Of course, she's vanilla cake girl and men's~"

"STOP!!!!" nagulat siya, iba pang tao sa food court maging si Dominic dahil alam niyang di ako yung tipo ng taong palasigaw medyo nakaramdam ako ng hiya ng pagtinginan ako ng mga tao baka isipin pa nila eskandalosa ko. Eh kasi naman bakit kailangan pang banggitin ang mga iyon "I said sorry di ko sinasadya, I was just a misidentity.I thought you were Dominic kaya ko nagawa at nasabi ang mga iyon"

Napansin kong tumitig sa'kin si Dominic na parang nagtatanong na 'teka ano na naman kinalaman ko dito, ano na naman kayang ginawa nito ni Louise' kaya sinabi ko using my beautiful slanted eyes oh wala ng kokontra minsan lang ako magmaganda. Ok I said using my eyes 'Wait, I will explain later.' di koba nabanggit sa inyo na may special attraction kami ni Dominic nakakapagusap kami gamit ang mata. Joke baka isipin niyo inaagawan ko pa si Chloe. May SUPERMAN na kaya ako. Seriously nag hand gesture Lang ako ng wait sign it means na wag mo na siyang magreact sa mga narinig niya

Biglang nagsalita si Mr. Ewan "Teka bro so you are the casanova, flirt and the pervert one. Oh! Hmm di na ko nashock. So it means Chloe is one of them bro." sambit ni Mr. Ewan na tila nangaasar.

"No, Chloe is not belong with them. She's different. Chloe is one of kind" Oh my kung naririnig to ni Chloe I'm sure nagtitili-tili na yun sa kilig.

"You say so, by the way I will forgive you and forget those freaky things happen to us but in 3 condition" Woow my condition pa talaga para lang mapatawad nito.

"What?" "Ahmm first tell me your name, address and contact no." Ano to job interview.

"I'm Clark Vincent Ramirez and you?" sabay abot ng kamay niya feeling niya talaga makikipag shake hands ako sa kanya "What napapahiya na ko. Remember the condition"

Hay kung di ko lang talaga ikasisira ang mga nangyari sa'min bahala na nga "Ok I'm Louise Jhane Uy" nakipagshake hands ako without looking at him.

"Oh what a coincident I'm Clark and you're Louise it sounds like Lois and Clark...You know SUPERMAN" hehe may pagaction pa siya pag sigaw niya ng Superman in fairness ang cute niya ha! Tumawa rin yung mga tao sa food court na nakapansin sa Kanya.

May narinig na naman akong demonyong bumubulong bulong "Nahihibang na si Vince may pasuper-superman talaga." I think his referring to Clark kasi nga Clark Vincent. Cute nga ni Clark eh

"By the way eto na phone ko save mo na no. mo" pagkaabot niya ng phone niya napansin ko yung wallpaper niya ang gwapo niya talaga uggh teka may kasama siyang babae sa phone niya mukhang mas matanda sa kanya at ang ganda niya talaga nakakainsecure. Then I type pero ibang number ang sinave ko hula lang na phone no. di ko alam kung kanino yun basta bahala na wala kong maisip na ibang paraan.

Does Destiny ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon